"B-Boss, ikaw si Thirty-Five?"
"She's one of your workers?" the late guy murmured.
Mula sa akin ay nilingon ito ni Boss. "Chad, you go with Travis. I'll follow later." He didn't wait for an answer, he left the two and took me away from them. Habang hila niya sa pasilyo ay nilingon ko ang tinutukoy niyang Chad na ngayon ay nakangisi sa akin. Kumaway pa ito noong lumiko kami.
Ilang liko na ang ginawa namin kaya hinaklit ko ang aking kamay. "Saan ba tayo pupunta?"
He looked pissed when he closed his eyes before it opened again and bored at me. "Farah—"
"Thirty-Five. Ikaw si Thirty Five."
Ang mga mata niya. Mababakasan ng takot at kawalang tiwala. Malayo sa nakita kong ningning kanina. Kung paano siya tumawa ng walang takot at kaba. Lahat ng 'yon ay nawala dahil sa akin. Natuklasan ko ang isa sa sikreto niya. Kahit noong malaman kong hindi siya masamang tao, malayo sa binubuong imahe ng mga empleyado niya. Bakit? Bakit ba siya natatakot na humarap sa tao? Hindi ba niya alam, dahil sa ginagawa niya ay sumasama ang tingin ng mga ito sa kanya?
Noong sabihin niyang kailangan niya ng tulong, hindi ako sumagot. Hindi ko kasi alam kung kaya ko siyang tulungan. Isa pa, ayaw ko ng responsibilidad. Nanggaling na ako riyan. Lahat ng inspirasyon ko ay iniwan na ako. Pero kung ikukumpara 'yon sa pinagdaraanan niya, sa tingin ko ay may mas malalim siyang dahilan. Kung sa tingin niya ay makakatulong ako sa kanya at komportable siya sa akin, bakit hindi?
"Payag na akong tulungan ka," sabi ko sa mahinahon na tinig. May sasabihin sana siya pero agad ko siyang siningitan. "At ang una mong mission... kailangan natin mag-selfie."
Nilabas ko ang cellphone ko at pinindot sa camera. Tumabi ako ng kaunti sa kanya at itinaas 'yon, kaso maagap siyang umiwas.
"What are you doing?"
"Selfie. 'Di mo alam ang selfie?" Tumabi akong muli sa kanya pero tinatabig niya ang hawak ko. "To overcome you fear, you start exposing your handsome face."
Nagtagal ang titig niya sa akin bago sa screen ng cellphone ko. Halatang nag-aalangan. Naninimbang kung tama ba ang desisyon niyang pagkatiwalaan ako.
"Did you say... my handsome face?"
Oh! Pinigil kong huwag ngumiti noong makita ko ang multo ng ngiti sa labi niya. "Gusto mo namang tinatawag kang handsome."
He looked away to hide his genuine smile.
Tingnan mo ang isang 'to, marunong naman palang ngumiti. Lumapit ako para tanggalin ang pang-itaas niyang damit. Nagulat siya roon kaya mapanghusga siyang umiwas. Tinakpan ang dibdib gamit ng kamay bago tumitig sa akin.
"Asus. Kailangan mong tanggalin 'yan bago tayo mag-selfie. Para 'di nila malaman na ikaw si Thirty-Five."
"That make sense." He effortlessly tossed from the bottom his uniform. Sumama ang pangloob kaya nakita ko na naman 'yung bulubundukin sa tiyan niya. Napansin niya 'yon kaya tumigil siya. Pag-angat ko ng atensyon sa kanya, natulos ako sa kinatatayuan ko. Nanunuya niya akong tinitigan, ngayon ay totohanang nanghahamak na tumitig sa akin. "Enjoying the view, eh?"
BINABASA MO ANG
Innocent Intruder (Liskook)
Mystery / ThrillerFarah Gimeno was asked by her sicked friend to work with the rumored boss monster for one day in exchange of the front seat ticket for the F1 race. For Farah, the deal is easy. Just like how you ate a candy. Remove the wrapper then you can take wha...