I wasn't in the mood when we arrived at the mansion. I don't have my cellphone with me, hindi ko tuloy makakausap sila Candava. Hindi rin nila alam kung nasaan na naman ako. Ikinakainis ko pa, lumagpas na kami sa bayan kung saan nakatira si Papa noon.
Huminga ako nang malalim kasabay nang pagsipa ng unan. Naiinis na naman ako. Bakit ba nangyayari ang lahat ng ito sa akin? Nakakulong na si Cleo, pero bakit may mga taong gusto pa rin akong mamatay.
Totoo nga kaya? May kasabwat siya?
Nakailang balikwas ako bago lumingon sa bintana. "Hapon na pala!" Sinubukan kong bumangon at nilingon ang pagkain sa mesa. I don't have the appetite to eat it. I want something. Tuluyan akong bumangon upang dumiretso sa pinto. Pagbukas ko noon ay si Biboy agad ang nabungaran ko.
"Good afternoon, mam!" He saw the untouched food on the table. Huminga siya nang malalim bago nagtanong, "Ipagluluto ko nalang po kayo ng gusto niyo?"
"Marunong ka magluto?"
Napakamot siya ng batok. Nahihiyang sumagot.
"Gusto ko ng Satang."
"Satang po?"
Walang gana akong tumango, pinanood siya sa pagpindot sa kanyang relo bago nagsalita ng pabulong. "Mam, ano raw po ang Satang?"
"Hindi mo alam ang satang? Tara sa Bayan, kailangan ko 'yon para mawala ang stress ko."
"Kaso, ma'am—"
Alam kong bawal akong lumabas, kaso liblib ang lugar na ito. Hindi ako sure, kung masusundan ako ng mga gustong pumatay sa akin. Isa pa, kaya ko namang mag-ayos para hindi halatang ako si Farah. "Kapag wala 'yon hindi ako mapakali, sumasakit ang ulo ko at higit sa lahat—"
"Okay, sige po. Basta po, huwag kayong kakausap ng hindi niyo kilala at kasama niyo ako sa pagbili ng Satang."
"Walang problema." Alam kong taliwas ang gagawin kong ito sa gusto mangyari ni Tristan, pero ano ba 'yung ngayon lang naman. Gusto ko lang makita ang mga taong nakasalamuha ni Papa habang naninirahan siya rito. Bakit mas nagustuhan niya ang lugar na ito, kaysa sa Owl City Main.
"Puwede na tayong maglakad siguro rito." Turo ko sa may malawak na Park, kung saan puwede niya iwan ang sasakyan. I hold my purse tight and jumped right after the car stop. As I thought Biboy followed me, though he gave me a little distance. And I think he was not alone.
Diniretso ko ang kalsada hanggang marating namin ang kanto. May Korean Grocery sa kaliwa, sa kanan ay ang daang magtuturo sa akin sa bahay ni Papa. Pumasok muna ako sa grocery, unang binayaran ang Gummy Bear na malapit sa Cashier Stall. I was enjoying it when I climbed up on the second floor, local foods section until I saw a familiar teenage student wearing a neon pink doll shoes.
"Alam kong may kasama ka, pero 'wag kang magpahalata na magkakilala tayo. Sundan mo ako."
Beads of sweat formed on my forehead.
BINABASA MO ANG
Innocent Intruder (Liskook)
Misterio / SuspensoFarah Gimeno was asked by her sicked friend to work with the rumored boss monster for one day in exchange of the front seat ticket for the F1 race. For Farah, the deal is easy. Just like how you ate a candy. Remove the wrapper then you can take wha...