Loving You

558 37 17
                                    

"Nagising kang hindi mo matandaan ang nangyari? Tapos, hindi mo naramdaman na manhid na pala ang isa sa binti mo?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Nagising kang hindi mo matandaan ang nangyari? Tapos, hindi mo naramdaman na manhid na pala ang isa sa binti mo?"

I watched how Ken and Franz reacted to my story. Si Franz lang ang nagsasalita sa bawat sabihin ko habang si Ken ay tahimik lang. Bakas sa mga mata ang pag-aalala, pero nang mabanggit kong nagising ako sa place ni Tristan. Doon ko nakita ang kakaibang emosyon sa kanyang mga mata. He didn't say something but I could feel his silence screams a fit of audible anger.

"Paano? Si Pogi ang kasama mo?" segunda ni Franz. Kanina ay nakatayo siya, ngayon ay nakaupo sa tabi ko.

"Oo. May hinala kami kung sino, pero—" Nag-alangan akong banggitin si Kelly. Tumingin ako kay Ken. Mariin ang titig nito sa akin. "Ang tungkol sa scandal. Hindi ko 'yon magagawa. Hindi ko alam kung bakit kamukha ko 'yon. Kung ako man 'yon, sa tingin ko... I was under a drugs. Someone drug me for sure. He wants to destroy me. My reputation. My name."

"Sino ang lead suspect?" Ken finally asked.

My phone beamed. Nakita ko ang pangalan ni Tristan at ang maikling message niya roon. Tinatanong niya kung nasaan ako. Paglingon ko kay Ken, nahuli ko siyang nakatingin din doon. Kinuha ko 'yon at tinago.

"Wala ka namang kaaway, hindi ba?"

Nagkatinginan kami ni Ken. Para bang may sagot kami sa tanong ni Franz na kami lang ang nagkakaunawaan.

"Si Kelly." Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Kahit pa hindi naman talaga si Kelly ang prime suspect. Kahit saan kasi gawing tingnan, Kelly has a deep reason to do it.

Katahimikan ang bumalot sa amin. Kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para mag-reply kay Tristan. Wala pang ilang segundo ay nag-reply ito.

Tristan: The rain was heavy. I'll fetch you.

Mula sa screen ay napatingin ako kay Ken. Nakatingin din ito sa akin. Hindi ako sure kung pinapanood niya ako kanina pa. Pero sa ideyang susunduin ako ni Tristan. Magkikita sila ni Ken. Bakit may kutob akong hindi maganda?

"Hindi kaya si Kelly ang nag-manipulate ng video?"

Nakuha ni Franz ang atensyon namin. Mariin ang hawak niya sa throw pillow. Narito kami ngayon sa place niya. We transferred here since we are talking about private matters.

"When Kelly learned about your case, she stayed in her bed for how many days. She didn't eat anything. She barely talked," Ken said.

Umirap sa kawalan si Franz. "Guilty. Dapat umamin na siya. Alam mo Farah, na-cancel ang ilan sa questing natin dahil sa scandal. Parang naging angel in disguise pa sa pagkawala mo."

Nagtagal ang titig ko kay Ken. "Nakausap mo na ba si Kelly?"

Nagtiim bagang siya. "Galit siya sa akin. Ayaw niya akong makita. Kahit si Manager Yang, sinubukang bisitahin siya. Ayaw niyang makipag-usap."

Innocent Intruder (Liskook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon