"Sino si Elle, Farah? Mas marami ka pang flowers na natanggap kaysa kay Candava." Si Franz na ngayon ay nasa aking likod. May kausap ito sa phone pero ang atensyon ay nasa hawak kong bouquet.
Nasulyapan ko ang pag-ilaw ng phone ko. Bumungad doon ang pangalan ni Tristan. Sa kaba ko'y pinatong ko roon ang bigay niyang bulaklak. Umaktong patay malisya.
"Baka tawag ni Ken kay Farah."
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Candava Tumalikod ako sa kanila para lumapit sa rack ng damit na para sa akin. Habang hinahanap ang susuotin ko ay mabilis kong nilingon ito. Nakalapit na pala siya sa sariling rack ng damit. On her hand swinging a branded paper bag which I believe luxury. Ikukumpara sa mga natanggap ko, walang-wala ang mga 'yon sa hawak niya ngayon.
"Mamaya na ang daldal. Bilisan niyo magpalit dahil intimate dinner na," parinig ko. Nang makita ang susuotin ay iniwan ko na sila para makapagbihis.
Mabuti at abala kami ngayon. Dagdag pa ang balita na full house at maraming sikat na mga personalidad ang dumalo kaya roon natuon ang kanilang atensyon. Pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman naming tatlo. Franz is acting tense since the introduction of Steven Claire to our table. He is the current top Hollywood great performer. A true monster on stage!
"They are all gorgeous and talented. Congratulations ladies," he said.
Kakaupo ko lang matapos makipag-socialize sa grupo nila Ken. Wala pang minutong nag-iinit ang puwet ko sa upuan nang mapansin ang pagtatagal nang tingin nito sa akin. Hindi sana ako ngingiti kaso kinailangan. I don't want him to find me hard to please even if I did.
"You're Farah, right?"
Tumango ako. Sinundan ang sinulyapan niyang mesa nila Ken bago ulit nagtagal ang titig sa akin.
"I've watched your dance video on YouTube. I'm really intrigued."
Ngumiti ako. Napatingin kay Candava upang humingi ng saklolo. Hindi ako komportable na kausapin si Steven. The way he gave me an attention is unfair. Hindi lang naman ako ang magaling sumayaw. Si Candava ay halos sinasabayan ako, idagdag pang may pangalan na sa showbiz. Tapos itong si Franz ay tunay na maganda. Bakit ako na naman?
"She's our dance monster."
Finally, Steven threw his attention at Candava. "I can see it," he commented. Then he looked back at me. "She's something... such a talented."
"What about the music video? What can you say?" Franz butted in.
"It's unique. You all nailed the atmosphere and the rhythm. Powerful and full of charisma," Steven said.
Kulang nalang ay magdiwang ang sangkatauhan sa sistema ko nang maiba ang topic. Lalo nang sumali sa mesa namin ang mga dumating na iba pang sikat sa kaparehas naming genre. Tawanan at kuwentuhan tungkol sa bawat isa, hanggang sa may magsalita mula sa likuran.
BINABASA MO ANG
Innocent Intruder (Liskook)
Mystery / ThrillerFarah Gimeno was asked by her sicked friend to work with the rumored boss monster for one day in exchange of the front seat ticket for the F1 race. For Farah, the deal is easy. Just like how you ate a candy. Remove the wrapper then you can take wha...