"Franz? Siya 'yung... sumira sa pagkakaibigan niyo ni Candava noon?"
Huminga ako nang malalim. Hinigpitan ang hawak ng aking cellphone, may gustong sabihin pero hindi maisatinig.
"Expert siya sa pagkuha ng loob ng ibang tao... akala ko pa naman nawala na 'yang babae na 'yan. Paano siya napunta sa network niyo? 'Di ba nasa kabila siya?"
"Dahil sa magandang rating ng showdown namin kanina ni Franz. Kinausap ako ni Manager Yang bago ka tumawag—" Gusto niyang pagsamahin kami ni Franz at Candava sa isang grupo.
"Bakit? Dahil ba sa Franz na naman na 'yan? Sino ba nagagandahan d'yan? Bulag?" I heard her groaned. "Walang laban kapag ganda lang... dapat gaya mo rin siyang malandi at wais."
Nakita ko siyang nakikipagngitian kay Manager Yang. Lumabas din siya sa office nito noong bago kami mag-showdown at pumutok ang video.
"Farah?"
Umikot ako, nagulat sa prisensiya ni Franz. Nakatingin ito sa cellphone ko, naibaba ko 'yon at umiwas ng tingin.
"Did you see the rate of our performance? Thank you so much, Farah. Sa sobrang galing mo, hindi napansin ng manonood na nagkamali ako—"
"Anong kailangan mo sa akin?" I cut her off.
But she didn't respond. It made me look at her. My eyes widen when I saw her silently cried. Anong drama 'to?
"Galit ka pa rin ba sa akin dahil sa nangyari noon? Farah, matagal na 'yon. Pinagsisisihan ko 'yon at hiningi na ng sorry. Hanggang ngayon ba masama pa rin ang loob mo? 'Di ba, okay na kayo ni Candava?"
My jaw clenched. Why all of a sudden she is giving me now the burden? Siya ang may kasalanan sa akin, pero bakit ako ang lumalabas na may kasalanan sa kanya?
"Naiinggit ako sa inyo. Sa ganda ng samahan niyo, kaya nga nagawa ko 'yon. Pero mali pala, pinagsisisihan ko... Farah, masama bang gustuhin ko 'rin magkaroon ng kaibigan. Gusto kong maging kaibigan kayo."
Tinalikuran ko siya at iniwan. Patungo sana ako kay Manager Yang nang mawalan ng balanse 'yung buhat noong storage keeper na mga kahon at tumama cabinet na malapit sa akin. Malakas ang impact kaya bubuwal patungo sa akin.
Sa bilis ng pangyayari, nagulat nalang ako sa humila sa akin. Bumilog ang mata ko nang si Franz ang nadagan noon.
Malakas na tili ang pinawalan ko. Tumakbo ang mga nakasaksi palapit sa amin para iangat ang cabinet. We all saw the unconscious Franz lying on the floor. Nagkakagulo sila kung paano siya tutulungan. Nanginginig ang aking braso at napansin na naka-on pa rin ang tawag ko kay Cleo.
"Hello? Hello? Anong nangyari?" sabi niya.
"Si Franz, niligtas ako at... hindi ko alam kung buhay pa siya!" sabi ko sa nanginginig na boses.
BINABASA MO ANG
Innocent Intruder (Liskook)
Mystery / ThrillerFarah Gimeno was asked by her sicked friend to work with the rumored boss monster for one day in exchange of the front seat ticket for the F1 race. For Farah, the deal is easy. Just like how you ate a candy. Remove the wrapper then you can take wha...