"I should go with you, Elle?"
Nasa kalagitnaan ako ng pagsisintas ng aking rubber shoes ng magsalita si Tristan. Tiningala ko ito nang matapos. Mariin ang mga titig nito kaya napabuga ako nang malalim na hininga. Kasunod ng paghinto ng aming sasakyan sa intrada ng Tower. "Napag-usapan na natin 'to. May pupuntahan ka pa. Mahalaga rin 'yon. Isa pa, kasama ko naman si Sir Biboy."
Ngumuso ako nang mapansin ang pagiging pormal niya. Ang seryoso niyang mukha. Hindi nabahiran ng humor na expression. Nakakainis! Napakalayo niya sa suot kong magtatago sa aking pagkatao. Mukha akong minor student na napaaga mag-dialysis.
I bit my lower lip. Ito lang kasi naiisip kong way para makapasok sa loob. Kapag kasama ko si Tristan, mas maghihikayat pa ng atensyon 'yon. Hindi nila puwedeng makilala ako. Kailangan makapasok at makalabas ng walang issue.
Sumulyap ako sa wrist watch bago tumingin sa kanya. "Lumakad ka na." Wala siyang nagawa nang buksan ko ang pinto. Hindi ko na siya nilingon. Diretso lang ang lakad ko, sa gilid ay sumusunod ang bodyguard na si Biboy. Pagpasok ko sa revolving door, narinig ko ang pag-alis ng sasakyan. Lumingon ako, nakita ang unti-unting pag-angat ng salamin ng bintana. Tristan is watching me.
Iwinaksi ko 'yon at nagpatuloy. Hindi ko pinansin ang mga empleyadong iilan na lumingon sa amin. Mas pinuno ko ang aking isip sa totoong pakay ko kung bakit ako nagpunta rito. Sumakay kami sa elevator, napa-ayos sa aking suot na eyeglasses noong may makasabay na iilang empleyado.
"Floor, Sir?" a concern middle age asked Biboy.
Pinindot ko ang seven, kahit pa hindi naman kami roon. Napansin ko kasing lahat sila ay sa third lang. Nang makababa sila ay saka ko pinindot ang CEO floor. Kabado na ako noong kami nalang ni Biboy. Bigla akong nawala sa concentration. Anong dapat na magiging reaction kapag nagkita kami ni Cleo. Paano kapag tama sila?
Huminga ako nang malalim nang bumukas ang pinto. Magkasabay kami ni Biboy na lumabas pero nilingon ko siya para pahintuin. "Dito mo nalang ako hintayin, Sir."
He nodded.
I go through, walking slowly as if a small sound would lead me to death. Hindi gano'n kalayo, natanaw ko agad si Cleo. Abala ito sa harap ng monitor.
I cleared my throat. It made her look at my way. She immediately recognized me, eyes widen and stood straight. "F-Farah?" Palipat-lipat ang atensyon niya mula sa paa ko at sa aking mga mata. "A-anong ginagawa mo rito?"
"Bakit? Bawal ba akong pumunta rito?"
"Hindi sa gano'n. Paano? Paanong nakakalakad ka na?"
That question made me blank. Ha? Bakit siya naguguluhan? Hindi ba't siya ang dahilan kung bakit nakakalakad na ako? Pinainom niya ako ng strawberry juice. Ibig sabihin alam niya ang makakapagpagaling sa akin. Hindi ito ang inaasahan kong sasabihin niya. At bakit gano'n? Feeling ko, iba ang nakikita ko sa tanong niya. Mukhang wala siyang alam.
BINABASA MO ANG
Innocent Intruder (Liskook)
Mystery / ThrillerFarah Gimeno was asked by her sicked friend to work with the rumored boss monster for one day in exchange of the front seat ticket for the F1 race. For Farah, the deal is easy. Just like how you ate a candy. Remove the wrapper then you can take wha...