Mafia Boss

385 21 0
                                    

I just wanna share the video attached to the multimedia

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I just wanna share the video attached to the multimedia. While I am writing this story, I'm listening to this music.

Actually, all my novels had their different songs. I hope you enjoy it while reading the first part of this chapter. Stay safe and God bless everyone!

🌺🌺🌺



I know that my mother was an ex-dancer. Once when I was a kid, by accident I found an old album on our house. She was very gorgeous and amazing on her pose, taken probably to one of her shows. Dancing was never been my favor before but right after knowing that secret, I tried to do some steps day by day. Imagining I was her and then my mom caught me. At first, I thought she won't like me doing it until she clapped her hands while wearing that genuine smile on her lips.

Lumpo ang nanay ko. Iyon ang nakamulatan ko sa kanya.

Hindi ako nagtanong kung paano siya nagkaganoon, pero ang tiwala at suporta niya sa aking pagsasayaw ang naging inspirasyon ko. Habang lumalaki ay nabuo ang pangarap kong maging kagaya niya. Ang maging sikat na dancer.

"Papa! Tingnan mo po ako," sigaw ko mula sa sala.

Ginaya ko ang paggiling ng contestant sa isang talent show sa TV. Intention ko ang magpasikat at mapangiti siya, kaya noong mag-split ang babae ay ginawa ko rin. Sa sobrang sakit noon ay hindi ako nakatayo. Umiyak ako nang walang humpay habang tinatawag ang aking ina.

Ang inaasahan kong ngiti ni papa ay hindi nangyari. Instead he ran to get me up and sat on the sofa. Hinawakan niya ang magkabila kong braso, galit na inalog ako. "Tigilan mo ang pagsasayaw. Hindi ako natutuwa!" He stared at me as if I'm the most terrible person in the world.

Nangilid ang aking luha sa takot.

Padaskol niya akong binitawan upang tumayo at lumabas, ngunit huminto siya sa tapat ng pinto. Mula sa kanyang balikat ay nilingon niya ako. "Hindi na babalik dito ang mama mo. Patay na siya," mahina ngunit puno ng pait niyang sabi.

Mahal ni papa si mama.

Malaki ang ipinagbago niya ng yumao ito. Kailanman hindi ko na nakita sa kanyang labi ang matamis na ngiti. Madalas din siyang mag-inom at halos hindi ako kinakausap. Malaki ang naging epekto ng pagkawala ng mabait kong ina sa aking ama.

Bukod sa hindi makalakad, may iniindang pananakit sa binti si mama. Isa sa rason kung bakit kami nabaon sa utang at nagbenta ang natitirang ari-arian. Ngunit hindi sapat ang pera. Binawian pa rin siya ng buhay.

Malinaw sa aking alaala ang huling sinabi niya noon kay papa.

Hayaan mo si Farah. Gusto kong gawin niya ang kanyang hilig. Honey, suportahan mo ang anak natin. Namana niya ang talentong mayroon ako, mas higit pa siya. She will be famous in dancing. I know, because she is different. Malayo ang mararating niya.

Innocent Intruder (Liskook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon