True Hero

710 29 8
                                    

"Okay na ba 'to?" Pinagpag ko ang aking balikat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Okay na ba 'to?" Pinagpag ko ang aking balikat.

Mula sa salamin ay tiningnan ako ni Ana. "May kulang." Binuksan niya ang drawer sa ilalim at kinuha ang puting blazer. Lumapit siya sa akin at pinalitan ang suot kong itim na blazer. Ginaya niya ang huling ginawa ko bago umatras upang tingnan ang aking kabuoan. "Lintik! Bodyguard dapat ang dating pero mukha kang sasalang sa catwalk."

Napangiti ako sa sinabi niya. Si Ana ang klase ng babaeng malayo ang action at sinasabi sa mala-anghel niyang mukha. Umiiling kong hinila ang upuan upang maupo, pinatuunan ko ng pansin ang tatlong klase ng pangyapak sa aking harapan. Kinuha ko ang kulay puti na rubber shoes na maagap niyang inagaw.

"Alam kong bagay sa'yo kahit ano, pero dapat mukha kang defenseless." Hinagis niya sa harapan ko ang pointed sandal na three inch heels.

"Paano ako makakatakbo nito?"

"Sino may sabing tatakbo ka? Lalaban tayo girl."

Natigilan ako.

Alam ko ang katotohanang delikado ang pupuntahan namin. Kaso tapang lang ang mayroon ako. Kung sa kahit protection para sa sarili ko ang pag-uusapan, o lumaban sa mga armadong kalalakihan ay wala akong kakayahan.

"Hey?"

I snapped back. "Huh?" Muntik ko ng hindi masalo ang hinagis niya. Pagtingin ko kung ano 'yon, napatingin ako sa kanya.

Kasalukuyan siyang naglalagay ng wig na may bangs. Blonde 'yon na hawig sa estilo ng buhok ko noong nag-debut ako. Hinihintay kong tawagin niya ako para tulungan siya, ngunit bihasa niyang kinabit 'yon. Nahuli niya akong nanonood, kinindatan niya ako bago tiningnan ang sarili sa salamin. "Am I look like you now?"

Kumurap-kurap ako. Tila nahipnotismo, mabagal na tumango.

She put eyeglasses as her perfect accessory before she beamed, "Shall we go?"

I bit my lower lip when I felt something inside me arouse— by the looks of Ana as she disguised as Elle Farah Gimeno with a swag made me excite and powerful. As if the fact that I am weak was now I am strong.

Pinindot ko ang button ng electric shock bago itinaas. "Tara!"

Ako ang driver, gamit namin ang sports car ni Tristan. Mabuti nalang at naturuan ako noon ni Ken magmaneho, this job was basic now for me. Traveling the long bridge of North Gate and Owl City Main neverending, I watched Ana from the rearview mirror. Grabe! Gayang-gaya niya ang bawat galaw at expression ng aking mukha. Samantalang ako ay ni-isa sa traits niya ay hindi ko magawa.

I throw a quick glanced on the red mark on the GPS before I fixed my attention on the road.

Wala ng urungan ito. Kanina habang naliligo ay tinandaan ko ang lahat ng plano ni Ana. Maaaring mabago iyon dipende sa mangyayari mamaya, kaya kailangan maging handa.

Innocent Intruder (Liskook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon