3: Job Offer.

2.1K 63 6
                                    

Edited

Wow! GRABE 15 views na to thank you talaga! Sana dumami pa yung magbabasa nito so.. Eto na yung chapter 3

-

"Ang dami kong ikekwento sayo."

"Talaga sige! Umpisahan mo na" Sabi ni Lukas habang hinihigop niya yung sabaw ng instant noodles. Kapag tsismis talaga! Hindi nahuhuli yung batang to!

"So may nakilala akong lalaki na pangalan Alden Richards, pero screen name niya lang daw yun" at doon kinuwento ko lahat ng nangyari.

"Grabe naman teeeeeee! Kinikilig ako para sayo. Teka muna.." tapos tinapik tapik niya yung ulo niya na para bang may malalim na iniisip.

"Ano naman yun?" Tanong ko kay Lukas.

"Gwapo ba?"

Noong pagkasabi ni Lukas nun parang uminit yung mukha ko tsaka yung tenga ko

"Hala yung ate ko marunong na mag blush" Nako naman! Halata ba?

"Halata ba?"

Biglang tumawa ng malakas si Lukas,

"Anong halata HALATANG HALATA tingnan mo yung mukha mo oh parang sileng labuyo"

Hinawakan ko yung mukha ko, Hala ang init! habang nagkuwekwentuhan kami ni Lukas, biglang dumating yung doktor.

"Miss mendoza?"

"Um ako po" sinabi ko habang tumayo ako at naglakad papunta sa doktor

"Ah yes, your father is now in a stable condition, nagkaroon lang ng food poisoning dahil yung kinain niya na isda ay naapektuhan ng red tide"

"Ah ganun.. So pwede po namin makita Papa namin?" Tanong ko sa doktor na may sigla sa mukha.

"Hindi pa muna iha kasi may mga nurse pa sa loob na ginagamot siya, tsaka eto nga pala yung Bill ninyo.."

Nung pagkaabot niya sakin ng Bill parang mamatay ako

"20,000 pesos?!" Hala mukhang napalakas yata ako ng sigaw kasi ang daming tumingin sakin

"Doc wala pa po akong trabaho ojt palang po ako.."

"Naku iha it's not my problem anymore but yours, pero meron akong agency na naghahanap ng mga job applicants"

Nako wag naman sana maging prostitute yung trabaho ko, virgin pa etong lola mo!

"Doc hindi po ba yun scam?" Tanong ko sakanya, napatawa naman yung doktor.

"Iha pamangkin ko yung may ari ng agency, I'm sure na hindi yun masamang Tao."

Phew, buti naman.

"Nako salamat po talaga doc, salamat po talaga sainyo, hindi niyo po alam na malaking tulong na yung ginagawa mo saamin..." Napangiti naman siya sa sinabi ko

"Sige if you want to contact my nephew just call him here." Tapos may inabot siyang calling card.

Pagkakita ko rin ng card parang mahihimatay din ako sa pangalan ng pamangkin niya

Agapito Hampaslupa Dimagiba

09152118357

Parang ayoko na ah.

"Ate bakit tayo uuwi?" Sabi ni lukas habang nasa loob kami ng tricycle.

"Ah kasi mag a-apply ako bukas sa agency kaya hindi muna natin mababantayan si Papa" Lumungkot naman biglaan yung mukha ni lukas at sinabi niya,

"Eh sino magbabantay?"

"Ah tinawagan ko na si tita Luz na bantayan muna si Papa at salamat sa diyos na pumayag siya." Napangiti naman na si lukas sa sinabi ko at siniko ako ng mahina.

"Ah ganun.. Goodluck bukas te ha.." ang sweet talaga kahit kelan ng batang to!

"Sige thanks" sabi ko kay Lukas habang nakasakay kami sa tricycle.

"Lukas! Tulog na eleven-thirty na oh!" Sinigaw ko kay lukas galing sa kwarto ko

"Mamaya na te!"

"Bahala ka diyan hindi naman ako yung magkaka eye bags satin!" Asar ko sakanya. Ano ba kasi nilalaro niyan na kailangan pa magpuyat! Pwede naman ipagpatuloy bukas!

"Okay lang pinagpuyatan ko naman to eh!" Joke niya, napatawa naman ako ng Sobrang lakas na sinigawan ako ng kapitbahay namin.

Pagkatapos ko tumawa tiningnan ko na yung website na sinabi sakin ni Sir Agapito na pwede kong pagpilian ng trabaho.

Chef (with experience)- 5,500 a month hindi naman ako marunong magluto ng pang restaurant.

Janitor - 2,500 a month pwede din kaso malayo naman dito sa bahay mga apat pa na sakayan

Clerk (good at math)- 4,000 a month Ayoko ng math so skip na natin yan

Housemaid - 10,000 a month (All around)- Ayan pwede ako dito. Marunong magluto pero hindi masyadong magaling, janitor kasi magaling ako maglinis at malapit din yung lugar. Okay na sana kaso nakita ko yung description

Goodluck of taking care of my Son tapos may devil emoji pa.

Sus magaling kaya ako sa mga Bata.

Bago ko pa pindutin yung offer nag ring bigla cellphone ko, nung pagkatingin ko ng cellphone ko gusto ko na mahimatay.

Unknown number:

Hi Maine si Alden pala to. Usap naman tayo oh.

End of Chapter 3

Thanks for reading! I-like, I-share sa barkada, at sama-samang mag-comment!

Q:

Sino kaya ang Unkown number?

Magugustuhan ba ni Maine ang pagiging maid?

~Pochi

Not Your Ordinary Yaya | On-GoingWhere stories live. Discover now