27- Enchanted.

1.2K 41 2
                                    

Thank you CharJeanDen for adding my story to your library! I really appreciate it!

-

"Ano ba! Saan ba talaga tayo pupunta!" Tumawa ako ng malakas pero may halo paring kaba, kanina kasi nasa kotse ako ni Dylan ngayon naglalakad na kami, kanina parin din ako naka piring simula noong nasa kotse ako.

Magrereklamo pa sana ako kay Dylan sa tagal na naming naglalakad kaso huminto na kami.

"Andito na ba tayo?" Tanong ko kay Dylan. Matagal tagal din bago siya sumagot.

"Mhm, nandito na." Tapos hinawakan niya ng dahan-dahan yung piring at tinanggal niya na.

Woah.

Enchanted kingdom!

Pininangarap ko itong puntahan simula noong ginagawa palang ito! Naalala ko nanaman noong una ko itong nakita at ginagawa palang.

Papunta na kami ngayon nina Mama sa SM city laguna, naka sakay din kami sa bus, may kikitain daw si Mama eh.

Sayang hindi nakasama si Lukas tsaka si Papa, sabi ni mama hindi nalang muna sila papasamahin para kapag sasama daw sila surprise daw. Ewan ko ba kay mama, wala namang sense yung sinabi niya.

Nakatingin lang ako sa bintana, puro gubat lang naman nakikita ko, pero..

Wow! May ferris wheel! Pero, kalahati palang..

May nakita din akong signboard na may pangalang, Enchanted Kingdom, opens..

Hala! Sayang hindi ko nakita. Ang bilis kasi ng bus eh.

"Mama! Punta tayo sa may.. Enchanted Kingdom ah!" Sinabi ko kay mama, napansin ko na may luha na tumutulo sa mata niya.

"Mama bakit ka umi-" Hindi ko pa tinatapos sasabihin ko, inunahan na ako ni Mama.

"Wala anak, May hangin lang sa mata ko, Atsaka oo, ipapasyal kita sa enchanted kingdom,balang araw nak.. balang araw."

Nandito na ako ngayon, sa sinasabi ni Mama na balang araw niya daw ako ditong ipapasyal.

Pero it never happened.

Dahil sakanyang kalandian, nasira pamilya ko, at hindi niya na mababalik ang mga taon na kanyang sinayang.

Nasa ticket booth na kami nina Dylan, nakatingin lang ako sakanya, hinihintay na tingnan niya rin ako. May feelings parin ba ako sakanya?

Naguguluhan na ako.

Pero may isang solusyon kung sino ang pipiliin ko.

Inimini mini mo.

Nilabas ko yung dalawa kong daliri.

Inimini mini mo, sino kaya ang pipiliin ko?

Alden.

Okay, one out of three na.

Inimini mini mo, sino kaya ang pipiliin ko?

Dylan.

So siya naman ngayon. It's the last one. Kung sino ang mapipili ko ngayon siya na ang "The one ko."

Inimini mini mo, sino kaya ang pipiliin ko?

Alden.

Siya na yata talaga. Siya na ang pagtutuunan ko ng pansin. So it's settled then, siya na.

Lumipas naman ang limang oras namin ni Dylan ng mabilis, ilang beses niya din akong tinanong kung 'okay' ako, at paulit ulit ko ring sinasabi na okay ako, paulit ulit iyon, wala na akong nararamdaman na spark saamin. Wala na yung apoy.

Hindi ko na siya gusto.

Kailangan ko yun sabihin, ayoko na magmukha siyang tanga.

Habang naglalakad naman kami sa bay, ako na yung unang nagsalita.

"Dylan," Huminto naman siya at tiningnan ako sa Mata.

"May kailangan akong sabihin, Hindi ko na tong kaya patagalin." May kaunting liwanag sa mata niya pero, yung mga mata ko, naglalabas na ng mga luha.

Agad niya namang pinunasan ito at tinanggal ko gamit yung kamay ko,

"Dylan I'm sorry!" Hindi ko na mapigilang hindi maiyak. Niyakap niya naman ako kaagad ng mahigpit. "Shhhh," sinabi niya sa tenga ko, "Pakawalan mo na ako,"

Noong pagkasabi ko palang nun, lumayo na siya saakin "Ano ibig sabihin nito?" Tiningnan niya lang ako deretso sa mga mata ko, Nakikita ko na ring lumalabas yung mga luha niya.

"Dylan, please intindihin mo ako.."

"Pinaasa mo ako! You should've said from the start na hindi mo ako gusto!" Tuloy tuloy parin na pumapatak yung mga luha ko, buti nalang at walang tao sa bay ngayon.

"I broke up with Megan for you! Akala ko," Bago niya tapusin yung sasabihin niya sumigaw na siya ng malakas sa galit at sinabunutan yung buhok niya.

"I-im sorry.." Yun lang ang mga nasabi ko sakanya, akala ko siya na yun noon.

Pero sakto namang dumating si Alden.

Tumakbo pa siya papunta saakin. Niyakap ko naman siya, pero sakto rin siya nakita ni Dylan. "You FUCKING CHEATER!" Tapos itinuro niya si Alden. "Akala ko saakin na siya! Wala ka ngang pakialam sakanya! Tapos bigla kanalang susulpot at dadamputin siya!" Iniyak ko lang ng dere-deretso.

Hindi naman pinansin ni Alden si Dylan at hinila na niya ako paalis doon.

May parte saakin na gustong samahan si Dylan doon. Pero hindi eh. Eto na ang desisyon ko.

Habang naglalakad naman kami papunta sa kotse ni Alden bigla nalang akong hinimatay,

"Mai!-" "gumising ka please!" Putol putol na mga salita ni Alden lang ang mga naririnig ko.

Alden's POV

Shit! Ano gagawin ko?!

Natural, kinarga ko si Maine bridal style papunta sa kotse ko, ang init niya grabe!

Nilagay ko siya sa front seat ko at nag simula nang magdrive, pasulyap sulyap ko siyang tinitingnan. Basang basa na siya ng pawis..

Pupunasan ko sana siya ng biglang..

"Alden..."

"Gusto kita..."

-

End of Chapter 27

Sorry pooo dahil mabagal ang pag update :(

Magmimigrate kasi kami ng family ko papuntang new zealand soo madami kaming inaasikaso atsaka!! Nageedit na ako ng chapters!

Expect na lalong babagal updates :( kasi this friday na kami aalis (wish me luck!)

At! 3k na yung book! Yeheyyyyy! Thank you so much sa support!

As always

50 reads for chapter 28

Wag kayong mahiya mag comment pls :( low on comments kasi yung book :)))

Bye!

~Pochi

Not Your Ordinary Yaya | On-GoingWhere stories live. Discover now