7:I hate you, Alden.

1.7K 51 0
                                    

Im giving a shout out to Vevs04

THANK YOU TALAGA! kung hindi dahil sayo siguro tinamad na ako gumawa ng story. :D AND ALSO! 99 READS NA TAYO! I'm so excited na makatungtong sa 100 eto na as always yung reward ko sa pagiging loyal niyo! :)

-

BEEP! BEEP! BEEP!

Umungol ako at hinampas yung alarm. Kainis naman umagang umaga iniinis na ako ng alarm. Napuyat kasi ako kagabi sa usapan namin ni Dylan.

Speaking of...

Tiningnan ko kagad cellphone ko; umaasang may text ni Dylan... Buti nalang hindi ako pinaasa, dahil pag-katingin ko sa message app, may text na agad si Dylan. Napangiti ako.

Dylan:

Goodmorning beautiful :)

Aga aga pinapakilig ako!

Maine:

Good morning din :)) Wait lang ha.. May Casanova pa akong pagseserbisyuhan.

Pero bago ko pa maibaba yung cellphone ko, biglang may baka na pumasok sa pintuan ko-- este si miss kris.

"UNANG ARAW MO PALANG LATE KANA!" Sigaw niya habang nakatayo sa pintuan.

Nako naman... hindi na talaga ako mag-pupuyat.

Tumayo ako at pilit na lumabas ng pintuan dahil may malaking baka na nakaharang sa daan. Tinitingnan niya parin ako na parang kakainin niya ako ng buhay! Binaba ko nalang yung ulo ko at pumunta sa kusina. At nandon ang casanovang alden nayun oh. Nakangiti pa siya!

Gusto kitang gutumin pero trabaho kong hindi ka gutumin. Mag-pasalamat ka na hindi ako labandera.. kundi KUKUSKUSIN KO YUNG NGITING YAN SA MUKHA MO!

Pumunta ako sa may lutuan, nag-lagay ng kalan at kumuha ng itlog sa ref.

"Wag na. If your thinking na mapapakain mo pa ako,You're wrong. First day mo palang tamad kana."

BUTI NGA! MAGUTOM KA!

"Sorry po.." binulong ko nalang, Pero masaya ako sa kalooblooban ko na hindi siya nakakakain. Tumayo naman siya sa upuan sa lamesa at pumunta papunta saakin.

No, please wag po.

Tapos dumaan siya sakin at binangga ako. BASTOS! Pumunta siya sa may ref para kumuha ng tinapay, pero hindi ko siya papalagpasin sa bangga na yun. Kinuha ko yung isang itlog at lumapit sakanya.

"Oops--" Habang kumukuha kasi siya ng tinapay, imbes na ilagay sa lalagyan yung itlog. Binasag ko ito sa kamay niya. WAG MO AKO KAKALABANIN ALDEN. Tumayo lang siya at tiningnan ako ng masama. Sobrang sama. Hinugasan niya yung kamay niya sa lababo, at umalis na sa bahay ng walang sinasabi.

Pagkatapos ng pagalis ni Alden inayos ko na yung kama niya... Naalala ko nanaman kahapon, sabi niya wag kana pumasok diba! hayaan mo na... sinabi ko sa sarili ko. Atleast malinis yung kwarto niya pagkapasok niya..

Nag iwan din ako ng note para sakanya Malay mo mag change of heart din siya.

Hi master alden! Hope you had a good day :)

-Your filthy maid.

Natawa ako sa sinulat ko.

Habang naglalakad naman ako pabalik sa kwarto ko biglang may nag text saakin.

Dylan:

Hi pretty :) Bakit hindi mo ako pinapansin? May nagawa ba ako?

Maine:

Ah wala naman.. Napagalitan lang ako ng master ko. Masakit nga eh yung feeling na nag eeffort ka para manlang na bumait siya sayo pero kasing tigas parin ng narra yung puso niya.

Dylan:

Aba humuhugot kana maine ah.

Maine:

Hindi naman ah.. From experience lang hehe.

Dylan:

Ang ganda mo talaga Maine.

Maine:

Huh? Isang araw mo palang ako nakachat eh.

Dylan:

Basta.

Tapos naalala ko na tatlong minuto na pala ako nakatayo dito sa hallway.

Pagkapasok ko sa loob humilata agad sa higaan ko, Wala naman ako gagawin buong araw eh. Pero isang minuto palang ako nakahilata, may gusto na ako agad na gawin. Gusto ko mag-dilig ng halaman! Pumunta naman ako sa garden, at saktong-sakto may maid doon na nag-didilig! Medyo may idad na yung babae, kaya naisipan ko narin na tulungan.

"Ate pwede po bang ako na lang mag-dilig?" Tanong ko sa matanda.

"Unang araw mo palang dito nag-sisipag kana? Hayaan mo na iha! Ako nalang!" Sinabi niya habang nakangiti saakin.

"Eh may maitutulong po ba ako?" Tanong ko ulit sakanya. Pero sinabi niya hindi. Kaya't naglakad nalang ako ulit pabalik sa bahay.

Pagkabalik ko naman sa kwarto ko, natulog ako ulit. Dun lang naman kasi ako magaling.

Pagkagising ko naman, tiningnan ko yung orasan, at! 9:30 na Kainan na namin!

Pumunta ako kagad sa kusina nakita kong kumakain na lahat ng mga yaya at yung driver, nakangiti ako, dahil kainan na;pumunta ako sa kusina at kumuha ng plato at kutsara tinidor. Pero nung pagkakuha ko palang ng plato may pumigil na saakin.

"Wait! Ikaw yung pinaka bagong yaya kaya patatapusin mo muna kami kainin at ikaw maghuhugas ng plato." Sabi ni Ma'am Baka kainis naman yung matabang babae nayun.

Habang hinihintay ko sila kumain may narinig ako sa usapan nila.

"Grabe parang nagbago si sir alden no?" Sabi ni yaya number 1

"Pano mo nasabi?" Sagot naman ni number 2

"Eh kahapon maaga uwi niya tapos kanina maaga ulit!"

"Eh ano naman?"

"Diba simula noong nag 17 yan si Alden araw araw yan umuuwi mga alas tres ng umaga at! Lasing pa."

"Oo nga no. Ano kaya nangyari bakit ganun?"

"Aba'y ewan ko doon baka kinausap na siya ng diyos." Tapos naghalakhakan sila. Pagkatapos naman nila kumain ako naman sumunod. Yung dating fried chicken buto buto nalang. Yung dating hot dog ngayon cold dog. Yung juice naman.. Tubig with color na ngayon! Nasobrahan yata sa yelo.

Okay lang sanay naman ako sa hirap.Sakto naman pagkatapos ko kumain tinawag ako ni sir alden
Este master alden

"Maine! Pumunta ka dito!"
Hala hindi pa ako naghuhugas! Teka?! Nakauwi na pala siya?!

"Wait lang po sir!" Tapos hindi na siya ulit sumagot. Pagkatapos ko naman maghugas dali dali naman ako pumunta kay Alden.

Tumakbo ako ng sobrang bilis papunta sa kwarto niya. Sa sobrang pagmamadili ko ay hindi na ako kumatok. Binuksan ko nalang ang pintuan at--

"Aaah!" Madulas na sahig paired with malamig na tubig sa ulo.

Pagbabayaran mo to Alden.

End of Chapter 7

Thanks for reading! I-like, I-share sa barkada, at sama-samang mag-comment!

Q:

Bakit kaya iyon ginawa ni Alden?

Si Alden ba talaga gumawa nun?

~Pochi

Not Your Ordinary Yaya | On-GoingWhere stories live. Discover now