Thank you Yumi1111 for voting on my story! Really Appreciate it!
Salamat sa lahat dahil naka 14k na yung libro na to! Woohoo!! Yung goal natin sa libro nato ay umabot ng.... 40k KAYA BA YUN? SIYEMPRE OO! WALANG IMPOSIBLE! SHARE NIYO NA TO SA MGA KAIBIGAN NIYO! TSAKA AFTER KO I PUBLISH YUNG CHAPTER NA ITO DADAGDAGAN KO YUNG TITLE NG Road to 40k KAYA NATIN TO PRAMIS!
-
1 month pagkatapos ng birthday ni Maxine, nagpaplano si Alden na baka mag-holiday kami sa iba't-ibang lugar at bansa, gusto niya daw kasing ipakita na kahit anong yaman niya ako parin daw yung mas matimbang sa puso niya. Cheesy no.
"Maine naka empake kana ba?!" Sigaw ni Alden galing sa kwarto niya, onti nalang tapos na ako mag-impake, let me check. May mga damit, may mga pang banyo at iba pa, okay na ako! I'm set to go. Lumabas ako sa kwarto dala-dala yung bag ko at dumeretso sa kwarto ni Alden.
Kumatok ako ng dahan-dahan sa pintuan niya at hinintay itong buksan niya. Buti nalang binuksan niya to kaagad, bumungad naman saakin ang dalawang maleta niya, grabe ganun b katagal yung holiday na to?
"Ang dami mo namang dala Den!" Sinabi ko sakanya, Yun na yung bagong nickname na tawag ko sakanya, cute kasi eh.
"Bakit meng? Masama ba na prepared ako?" Napatawa naman ako sa sinabi niya.
"Hindi naman, hindi lang kasi ako sanay na makita na handa ka."
"Siyempre, handa ako para lang sayo." Tapos hinalikan niya ako sa pisngi. Eto talagang lalaki nato! Hindi alam kung kelan titigil sa kanyang pagiging cheesy! Pagkatapos nun ay lumabas na kami sa kwarto niya at pumunta sa garahe para sumakay sa kotse niya.
Pagkasakay namin sa kotse ay binuksan niya naman yung aircon para lumamig yung mainit na kotse. Nag-seatbelt ako at binuksan ang phone ko. Nakita ko sa lockscreen ng phone ay nag-message pala si lukas sa facebook. Binuksan ko naman yung phone ko at nag-reply kay lukas.
Lukas:
Ate Maine, miss na daw po kayo ni Papa, nalulungkot din daw siya dahil hindi mo siya dinadalaw. Isang beses mo palang siya dinadalaw eh.
Hindi ko sinagot si Lukas dahil sa sobrang na guilty ako dahil hindi dinalaw si Papa, gusto ko naman talaga dalawin si Papa, kaso lagi akong kinukulang sa oras.
Lukas:
Te, alam ba ni papa na may boyfriend kana?
Pero sa message na ito, biglang nabuhayan yung dugo ko, yung para ang naka-isang kaha ako ng redbull sa sobrang energetic ko.
Maine:
Excuse me lukas! M.U lang kami no! Hindi ko pa talaga siya boyfriend, feeling ko nga hindi pa siya yata ready maging kami.
Lukas:
Sinabihan ka ba niya ng 'I love you'?
Maine:
Oo..
Lukas:
Oh! Yun naman pala eh! bakit hindi pa maging kayo! Nakahanda na nga yung shotgun ni Papa eh!
Maine:
Basta, complicated lukas. Ikaw, alam din ba ni Papa na may crush kana?
Lukas:
Sige na nga tatahimik na ako.
Pagkatapos ng message na yun, nawalan na ako ng wi-fi. Nakiusap naman ako kay Alden na buksan yung radio, at ilipat sa favorite ko na station. Pero dahil si Alden yung kausap ko, nilipat niya ito sa favorite niyang station. TEKA! Bakit nakahanda yung shotgun ni Papa kung hindi niya alam yung tungkol saamin ni Alden! Si Lukas talaga!
YOU ARE READING
Not Your Ordinary Yaya | On-Going
FanficBook #1 of the "Not your Ordinary Trilogy" ***** Yaya lang naman ako ng bad boy na cassanova sa pilipinas na si Alden Richards. Aldub/MaiChard Fanfiction A/N •Slow updater akooo• Highest ranking: #961 in Teen Fiction © All rights reserved 2016