Thank you Mapagmahal1324 for the FLOOOOOOOD VOOOTEESSS! Really appreciate it!
Salamat sa lahat ng nag-comment last Chapter :) 18k na tayo WOOHOO! Eto na ang Chapter 35 para sainyo :)
-
"Ano gagawin natin Maine?" Tanong ni Alden saakin, halatang kinakabahan. Lumapit ako sakanya at hinawakan ko yung braso niya at sinabi ko,
"Alden eto yung plano, uuwi tayo. At pupunta ako sa kung ano man yang warehouse ni Maxine, MAG-ISA. At ikaw, kailangan mo tumawag ng mga pulis. Doon lang kayo sa labas ng warehouse, kung may mangyari man, at pwede ko kayong tawagin. Yun ang plano ko." Hingal na hingal ako, dahil sa haba ng sinabi ko pero naagapan ko naman kaagad. Tiningnan ko si Alden, parang hindi siya papaya, at mukhang nag-aalala siya.
"Alden, kaya ko to, diba sinabi ko, kung may mangyari man, may mga pulis naman diba?" Sinabi ko sakanya para hindi na siya mag-alala... At buti nalang gumana ito. Ngumiti siya saakin at hinalikan ang noo ko,
"Maine, kung may mangyayaring masama sayo, pangako ko, I will kill Maxine."
Pagkatapos nun ay nag-empake ulit kami ng gamit papauwi sa pilipinas, kahit isang oras palang kami dito. Gagawin ko lahat para sa kapatid ko. Lahat. Pag-katapos naman ng 10 minutes ng pag-eempake ulit, tumawag si Alden sa mga kilala niyang taga airport at nakapagbook ulit ng flight namin pauwi sa pilipinas. Buti nalang madaming kilala si Alden. Umalis naman kami agad dito sa Japan. At habang nasa eroplano ako, binuksan ko yung cellphone ko, at nakita ko may isang notification yung messaging app ko. Binuksan ko naman ito kaagad at nakita ko ay nag-message si Maxine sa number ni Lukas. Walang hiya naman itong babaeng ito, pati number ng kapatid ko ginagamit na niya.
Lukas:
Hi B*tch, Sana may plano kang umuwi dahil yung kapatid mo, nakakairita na, iyak ng iyak. kaya kung ako sayo uuwi na ako dahil kapag hindi ko na talaga nakayanan, mamamatay ng disoras ang kapatid mo.
Lukas, Maghintay ka lang, paparating na ako.
Nanalangin ako sa diyos pagkatapos para, panatiliin niyang ligtas ang kapatid ko. At natulog naman ako katabi sa eroplano si Alden. Hinalikan ko siya sa pisngi at sana mapatawad niya ako sa gagawin ko bukas...
Nagising naman ako isang oras bago bumaba ang eroplano, habang gising ako, paulit-ulit kong binabasa ang huling text ni Maxine, at kada isang beses ay mas lumalakas ang galit ko sakanya. Naghintay ako ng isang oras, kada Segundo, takot sa kung anong mangyayari kay Lukas, kung ano ang ginagawa niya, kung takot ba siya o kung ligtas at buhay pa siya. At sa saktong oras noong iniisip ko iyon, hinawakan ni Alden ang tuhod ko at hinimas himas, para kumalma ako.
"Maine, kumalma kalang, I know Maxine, duwag siya, hindi siya papatay ng ganun-ganun lang, pwera nalang kung hindi siya yung gagawa nun, Pero. Sigurado ako na, okay lang si Lukas, matapang yun na bata; Pinanghawakan ko yung sinabi ni Alden at hindi ko na muli itong binitawan pa.
Pag-dating naman namin ni Alden sa mansion ay sinalubong na kami ni Sir Richard. Naglakad siya papunta saakin at niyakap niya ako...
"Maine, okay ka lang ba? Narinig ko yung nangyari sa'yo, Kahit noon pa man talaga, hindi ko talaga nagustuhan si Maxine, Ewan ko ba kung ano nakita ng anak ko sakanya.." Hinawakan ni Alden yung Balikat ko at sinabi,
"Dad si Maine na ang gusto ko ngayon, siya nalang at wala nang iba." Sinabi ni Alden, napangiti naman ako dahil doon, at mukhang napansin din ni Sir Richard na ngumiti ako kaya't napangiti narin siya, Pero naalala ko na hindi oras ngayon para ngumiti.

YOU ARE READING
Not Your Ordinary Yaya | On-Going
Fiksi PenggemarBook #1 of the "Not your Ordinary Trilogy" ***** Yaya lang naman ako ng bad boy na cassanova sa pilipinas na si Alden Richards. Aldub/MaiChard Fanfiction A/N •Slow updater akooo• Highest ranking: #961 in Teen Fiction © All rights reserved 2016