Thank you KarlAnjelik for adding my story to your library!
Thank you guys for 4k reads yayy!
Hi guys! Short on comments ang book..
So comment as you read please! It supports my book and nagaganahan akong mag sulat!
-Maine's POV
Nandito ako ngayon sa van kasama sina cassie at yung mga kapatid niya. Hindi ko parin maisip kahapon na ininvite ako ni Megan at Maxine para sa birthday party.
Oh well,
"Ate Maine! Ate Maine look! I got a highscore!" Sigaw ni baste galing sa harap. Nasa harap sina Cassie, baste at si Maverick habang kami nina Alden nasa pinaka likod.
"Really that's good! I bet i can do higher!" Nagmayabang ako kay baste, alam mo naman, lord of games ako.
"No way, alam naman naming lahat that your good at games ate maine." Sinabi ni maverick saakin na naka ngisi. Pssh panira, gusto ko nga maglaro eh, hayaan mo na.
"Just joking! Ate Maine parang sineryoso mo naman!" Sabi ni Maverick saakin.
Ay joke lang pala yun, hehe.
"Okay lang, kayo nalang maglaro, parang nahihilo na ako eh." Totoo naman, may motion sickness talaga ako, kaya hindi ako tumatagal sa taxi na hindi nakakatulog.
Sumandal ako sa upuan para magpahinga pero, biglang umikot ulo ni alden sa direksyon ko tapos huminga siya.
Ramdam ko yung init ng hininga niya sa tenga ko, kinikilabutan nanaman yung balat ko at feeling ko naiihi ako, may lumabas na basa, ihi ba yun? Sa tingin ko.
Grabe naman tong nararamdaman ko, ganito ba talaga yung pakiramdam na kasama mo yung taong gusto mo, parang nagiging maligalig ka. Tapos parang ang lamig ng paligid at feeling na gusto mo siyang yakapin.
Ewan ko ba.
Natulog nalang ako at pinaniginipan ang mga alaala ko noon sa nanay ko.
"Tay? Sino yan?" Tanong ko kay papa, may kasama kasi siyang babae na hindi si Mama.
"Aahhhhhhh anakkk eto ang bago moongg nanay!" Sigaw ni Tatay sa bahay, pero akala niya yata nagsasalita lang siya ng normal.
Si lukas naman biglang umiyak galing sa kwarto ko, nagsshare kasi kami ng kwarto. Nasa crib lang siya.
Tapos parang on cue naman na umalis na sina papa at ang babae niya papunta sa kwarto niya.
At ako, siyempre pumunta kay lukas. Pagkabukas ko naman ng pintuan ng kwarto ko nakita ko si lukas umiiyak, at sa malayo palang halata ko na, na malaki yung diaper niya.
Agad ko namang pinalitan ang diaper niya at pinatahan siya. "Tama na iyak baby lukaass..." tapos bigla naman siyang tumahan. Feeling ko superman na ako kasi napatahan ko si lukas.
Pumunta naman ako sa kama ko at- aray! Nabangga nanaman ako sa pako na nakausli. Sinabi ko na to kay papa at lagi niya ring sinasabi na "Mamaya na yan."
Inayos ko yung kama ko, humiga naman ako pagkatapos at niyakap ang favorite kong stuffed toy na zebra na ang pangalan ay nicky.
Mga hating gabi na yun noong may narinig akong malakas na pagbagsak ng isang bagay. Bumangon ako kaagad at sinuot ang tsinelas ko pangbahay na nakalagay ng maayos at tiningnan ko si lukas kung nagising ba siya, pero buti nalang hindi.
Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at nakita ko sa labas ang babae ni babae naninigarilyo at nagbibilang ng pera.
Lumabas naman ako at halatang nakita niya ako, "kanino po yang pera?" Tanong ko ng matino sakanya. "It's none of your business, bumalik kanalang sa kwarto mo." Nakita ko ang isang bente na may pirma ko, teka yung mga pera yun ni mama na pinirmahan ko isa isa dati ah. Inagaw ko sakaknya yung pera. Para namang nagulat siya. Tumakbo ako papalayo sakanya.
YOU ARE READING
Not Your Ordinary Yaya | On-Going
FanficBook #1 of the "Not your Ordinary Trilogy" ***** Yaya lang naman ako ng bad boy na cassanova sa pilipinas na si Alden Richards. Aldub/MaiChard Fanfiction A/N •Slow updater akooo• Highest ranking: #961 in Teen Fiction © All rights reserved 2016