30- Revenge. (Part 1)

1.1K 45 15
                                    

Thank you ChristineUmapas for adding my story to your library!

Eto naaa!! Ang part 30!! SIT BACK RELAX AT HANDA NANG SABUNUTAN SI MEGAN AT MAXINE SA PANAGINIP NIYO!

-

Alden's POV

Dalawang araw na nawawala si Maine, at ngayon yung pangalawang araw. Nauna na si Dad at yung iba, para makapaghanda sa grand birthday party ni Megan, pinipilit ako ni megan pumunta pero hindi ako sumama, ako nalang ngayon ang natira sa lodge, umuwi sila kanina lang..

Saan kaya napunta si Maine..

"Maine!!" Sigaw ko ng buong lakas ko sa lahat ng mga bahay.. Paano kung may nangyari sakanya..

Hindi.

Wag mo yun isipin alden, tiwala kalang kay maine..

Pero paano kung binalikan siya ng mga taong kumuha sakanya noon..

Wag.

Kailangan ko na pigilan ang mga iniisip ko. Tumutulo yung pawis sa mukha ko pero hindi ko ininda, kailangan kong unahin si maine.

Eto na yung panghuling bahay sa lodge, yung room nina Megan, Maxine at ni Maine.

Pagpasok ko sa room sumigaw nanaman ako, "Maine!! Nasan kana!" Mukha na talaga akong tanga. Pero inulit ko naman.

"Maine!" Sigaw ko ulit. Tumingin ako sa ilalim ng mga kama, sa walk in closet at pang-huli titingnan ko na yung banyo..

Maine's POV ( One day ago. )

Nagising ako ulit, lumabas ako sa shower at dinabog ko ulit yung pintuan, dinabog ko ng dinabog hanggang mamula kamay ko.

"Alden.. tulungan mo ako.." Sumandal ako sa pintuan at natulog ulit. Pagod na pagod na ako.

Hindi ko na kaya..

Nasa park ako ngayon, teka totoo ba to?

Hindi to totoo, halata namang panaginip dahil hindi ko matingnan yung mga kamay at paa ko ng maayos.

Umupo ako sa pinakamalapit na bench sa park. Doon, nakinig ako ng mga huni ng ibon at tiningnan ko yung malaking puno sa nasa gilid ko.

Sa puno may tirahan ng ibon tapos nandun yung nanay nakaupo at nililimliman yung itlog niya.

Nagulat nalang ako ng may kamay na kumakaway sa gilid ng puno. "S-sino ka?" Tanong ko sa kamay.

Lumabas naman yung kamay, at nakita ko siya.

Si Alden.

Umupo siya sa tabi ko at tiningnan lang ako.

"Oh? Ano tinitingin tingin mo diyan?"

"Maine, mahal mo ba talaga ako?"

Napatawa lang ako sakanya, Hindi niya ba alam na mahal ko siya? Mahal ko na siya. Mahal na mahal.

"Oo naman!" Sinabi ko habang nakangiti sakanya.

Nginitian niya rin ako at bigla nalang siya naglaho na parang bula at nawala na.

Biglang naging mahangin sa park, naging itim na yung mga ulap.

Yung mga damo namamatay at nagiging buhangin, Yung mga bulaklak naman namamatay din at nagiging korales.

May mga lumalabas na tubig sa lupa. Tatakbo sana ako pero hindi ako makagalaw. Nakaglue ako sa upuan ko.

Tumaas na ng mabilis yung tubig. Hanggang bewang ko na kasi nakaupo parin ako.

Hanggang naging pantay na yung tubig sa leeg ko. Pumantay sa bunganga ko at huminga ako ng malalim at pinikit ko yung mata ko sa ilalim ng tubig.

Mga ilang segundo na hindi parin ako nawawalan ng hininga, sinubukan kong dumilat pero noong dumilat na ako.

Nabubulunan na ako sa tubig, hindj na ako makahinga, nararamdaman ko nang pumapasok ang tubig sa buong katawan ko.

Hanggang sa hindi ko na kinaya,

Namatay ako.

Huminga ako ng malalim, basa ang buong katawan ko, at si Alden nasa harap ko.

Hawak hawak niya ako bridal style at nakatalukbong yung katawan ko sa towel.

Humihinga ako na parang kotse na wala nang gaas. Ang bilis ng tibok ng puso ko, at pakiramdam ko susuka ako.

"A-ald.."

"Shh, wag ka muna magsalita Maine. Kumalma kalang.." Tiningnan ko si alden. Hindi ko mapigilang maiyak, dahil kundi dahil sakanya, wala na ako sa mundo ngayon.

Niyakap ko siya ng mahigpit at nagsimula nang umiyak.

Iniyak ko lahat ng mga dinaramdam ko. Hanggang sa bigla nalang ako na out of stock sa luha.

"Maine.. Ikwento mo lahat.. lahat lahat." Tiningnan ko si Alden at nagsimula na magkuwento.

"Walang hiya yung mga babaeng yun. They will pay for this."

"Hindi! Alden wag! Hindi nila yung kasalanan, ako yung may kasalanan kasi kumain ako sa patibong nila." Kinakabahan ako, ayaw ko na kasi magkaroon ng gulo.

"Ay nako Maine.. lagi ka humble.." hinawakan niya yung mga pisngi ko at dahan dahan lunapit saakin at hinalikan at noo ko.

"Birthday ni Maxine ngayon diba?" Tanong ni Alden saakin.

"Oo bakit?" Sagot ko kay Alden.

"Well, I plan on ruining their party."

"Oh? Papaano naman?" Tanong ko sakanya, ano naman kaya pinaplano nito?

"First of all, kukunin natin yung CCTV footage sa room ninyo at ipapakita natin sa lahat ang kanilang totoong kulay." Nagulat naman ako sa sinabi ni alden. Hindi ba yun masyadong masama?

De bali na.

"So are you in Nicomaine Mendoza?"

Huminga ako ng malalim at sinabing..

"Yes, I'm in."

-

End of Chapter 30

OMAYGASH AFTER 10 YEARS! NA POST DIN!

Hindi ako nakakapag post dahil may exams kami :( (boooo!) At! Ang dami kong pagaaralan.

(I HATE GEOMETRY >:( )

So baka this week mapopost ko yung next chapter.

Magiging successful kaya ang Plano ni Maine at Alden?

Will the bad girls learn their lessons?

Find out in the next chapter.

80 reads and 5 votes for Chapter 31

Bye!

~Pochi

Not Your Ordinary Yaya | On-GoingWhere stories live. Discover now