Thank you Amber8224 for voting on my story! Really appreciate it!
Emegesh! Thank you guys for 10k! Salamat sa pagsubaybay sa librong to simula sa umpisa. Akala ko mga 500 reads lang yung makukuha ng libro na to!! Pero IKAW! OO IKAW! IKAW NA NAGBABASA NITO thank you sa lahat thank you sa pagbabasa mo! Ily <3
Thank you sa aking magandang bestie
06ssette sa support ily! :3Eto na ang pinakahuli sa three part chapter special LOL hahaha
-
Nagpalit na ako sa "dress" na binigay ni alden para saakin, nakatayo lang ako ngayon sa harap ng salamin ng c.r ngayon. Tinitingan yung sarili ko, paano ko na deserve si alden? eh samantalang yaya lang naman ako. Wala naman siyang makukuhang yaman saakin, puro sakit lang ng ulo. Tiningnan ko ulit yung magandang white dress na suot suot ko at umikot ako sa banyo na parang bata na gusto maging prinsesa.
Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari kanina, Paano ko ba yun nagawa? Akala ko hindi ako magaling humalik, pero nagkamali ako.
Biglang napigilan yung malalim kong pag-iisip dahil may mahinang katok akong narinig sa pintuan.
"Sino yan?" Tanong ko sa kumatok, nako sana hindi ibang tao! Hindi pa ako handa!
"Si Alden to." Oh okay. Lumapit naman ako sa pintuan at binuksan ito ng onti, sakto lang para makita ko si Alden.
"Oh? Ano kailangan mo?" pabiro kong sinabi sakanya, ayoko kasing makita yung dress ko
"Pwede pumasok?" tanong niya saakin. Siyempre madali lang yan sagutin.
"NO! Diyan kalang muna!" Tapos sinara ko yung pintuan. Binuksan ko din ulit para makita yung reakyon niya, pagkabukas ko naman nakita kong naka-pout siya. Napahalakhak ako ng malakas sa itsura niya. Ang cute niya pala.
Pero pagkatapos kong tumawa,may narinig kaming malakas na palakpakan, galing sa loob. Hindi kaya-
"Maine, Tara na." At doon lumabas ako sa banyo suot-suot ang engrande kong damit.Nakaabang naman si Alden sa labas at pagkaharap niya saakin parang nanliwanag yung mga mata namin, naramdaman ko nanaman yung kuryente sa katawan namin.Yung magnet na parang gusto kaming ipagdikit.
Inabot niya naman yung kamay niya saakin, tinanggapp ko naman at nilagay ko tapos yung kamay ko sa braso niya, akala mo kasal pero hindi. Tumingala ako sa katabi ko, nakita ko yung lalaking umaway saakin, yung nagpaiyak sa akin, at ngayon yung minamahal ko.
Dahan-dahan niyang binuksan yung pintuan na double door, at noong nabuksan na iyon... Hindi na ako makahinga.
Lahat ng tao, nakatingin saamin. Para bang cinderella at prince charming, this is our night. gagawin ko lahat para mapatunayan kay alden na hindi siya nagkamali na piliin ako, I'm his, and he's mine.
Yung ibang tao, tinitingnan ako na parang masarap na pagkain, handa na nilang kainin, yung iba, parang pwede na akong saksakin.
"Ew, yan po ba ma yung pinagpalit ni Tito Alden kay Tita Maxine?" narinig kong sinabi ng isang bata. Gusto ko nang umalis,umiyak at mapag-isa. Pero lagi ko ring naalala na andito si Alden para saakin, pwede ko siyang sandalan at pwede iyakan. He's my everything, kahit yaya niya lang ako.
Tumingin ako sa kaliwa at doon nakita ko si Dylan, na may... kasamang babae. Hinihintay kong magselos ako, magalit kay Dylan. Pero hindi yun dumating, dahil natuwa ako para sakanya. Masaya akong nakikita na meron nang nagmamahal sakanya na hindi siya sasaktan, katulad ng ginawa ko.

YOU ARE READING
Not Your Ordinary Yaya | On-Going
FanfictionBook #1 of the "Not your Ordinary Trilogy" ***** Yaya lang naman ako ng bad boy na cassanova sa pilipinas na si Alden Richards. Aldub/MaiChard Fanfiction A/N •Slow updater akooo• Highest ranking: #961 in Teen Fiction © All rights reserved 2016