36- Funeral.

999 27 8
                                    

Thank you TrishaMaeBrul7 for voting on my story! Really appreciate it!

Hi guys! Thanks for the votes and comments last chapter! Love youu! Yung Chapter na ito ay FILLER lamang, walang bonggang mangyayari this chapter, Pero magkakaroon tayo ng POV ni Dylan YAY!


Pag-kabalik naming ni Lukas sa may warehouse, punong-puno ang paligid ko ng ambulansya, SOCO, Pulis, bumbero, mga sugatang SWAT, at higit sa lahat, sampung bangkay na nakahilata sa lupa. Takot na takot ako, dahil unang beses ko palang nakakakita ng patay, at si Lukas din. Nag-lakad kami ni Lukas, hanggang may mahahanap kaming mauupuan. Pero may isang babae na nurse na lumapit saamin. Kinuha si Lukas saakin para gamutin dahil may sugat si Lukas kung saan siya tinalian ni Maxine.

Ramdam ko ang init ng apoy na natitira sa balat ko, pero inaapula na ito ng mga bumbero. Nagulat nalang ako noong may yumakap sa likod ko.

"Maine! Ano nangyari sayo? Nag-alala ako ng sobra!" Sinabi ni Alden habang niyayakap niya ako. Ramdam ko yung bilis ng tibok ng puso niya; bigla nalang bumagal ang buong mundo, eto yung puso ko, kasing bilis narin ng pagtibok ng puso ni Alden. Tuwang-tuwa ako, dahil alam kong buhay siya at walang nangyaring masama sakanya. Kumalas naman ako sa yakap namin, at hinarap ko si Alden saakin.

"Alden, andito lang ako, hindi ako mamatay, dahil nabubuhay ako para lang sayo." Napangiti siya sa cheesy kong pickup line at niyakap ako ulit.

"Tara na Maine, umuwi na tayo..."





Dalawang araw ang makalipas pagkatapos ng insedente, bumalik na sa normal ang buhay namin ni Alden, wala nang Maxine Versosa..

Nagising ako sa malakas na alarm ng cellphone ko, bwusit naman oh! Ang ganda panaman ng panaginip ko! Pero di bale nalang, makikita ko naman si Alden eh.. Sinabi ko sa sarili ko at bumangon na. Pagkalabas ko naman sa kwarto kong maliit, Dumeretso na ako sa kusina. At doon ko muling nakita ang lalaking nagpapaikot ng mundo ko, ang French fries sa aking sundae, si Alden Richards.

Lumapit ako sakanya at maligalig kong sinigaw, "GOOD MORNING BABE!" At agad din akong nag-sisi dahil doon, Bakit babe ang sinigaw ko?! Pero si Alden naman mukhang natutuwa..

"Ano tinawag mo saakin?" Sinabi niya ng dahan-dahan habang tumatayo mula sa upuan niya, at lumapit siya ng dahan-dahan saakin, at ako naman, na parang abnormal, dahan- dahan ding umatras, at sa huli nauntog ako sa puti na pader at wala na akong mapupuntahan. Si Alden papalapit ng papalapit saakin, at ako nakatayo lang sa may pader. Natatakot. Bigla namang nilagay ni Alden yung dalawa niyang kamay sa dalawang gilid ng ulo ko, para hindi ako makaalis at lumapit, ng lumapit hanggang parang isang daliri nalang yung pagitan ng mukha namin.

"Good morning din sa'yo..babe" sinabi niya sakin habang nakangisi saakin. Nakakainis talaga etong si Alden na to!

Tinulak ko siya papalayo saakin habang     Nakangiti din sa kilig. Pereha naman kaming tumawa. "Nakakain kana ba?" Tanong ko kay Alden.

"Uhh, hindi pa eh."  Sagot niya naman.

"Sige gawin mo na yung gusto mo, mag-luluto lang ako." Pagkatapos nun ay dumeretso ako sa kusina para gumawa ng sampung sunny side-up eggs. Para may pagkain din sina Sir Richard at Miss Kris. 8:00 palang kasi, madalas magising lahat kapag mga 10:00. At para mas masarap ang itlog, hindi mantika nilagay ko, kundi butter. At pagkatapos maluto binudburan ko ng kaunting salt at pepper.

Habang kumakain naman kami ni Alden sa lamesa, nang magkatabi. Biglang nag-ring ang cellphone niya. Agad niya ito kinuha at pumunta sa labas para makipagusap.

Sino kaya iyon?

Pagkatapos naman ng ilang napakatagal na minuto, pumasok din si Alden.

"Oh? Bakit ang tagal mo? Nakahugas at nakalinis na ako.."

"Maine.. pwede ka ba mamaya?" Tanong ni Alden saakin.

"Bakit naman?"

"May pupuntahan tayong funeral.."



Walang hiya si Maine! I gave her my everything! Even my heart.. Akala ko siya na.. Pero hindi pala.

I'm always wrong. Lagi nalang pagkakamali. Akala ko talaga siya na yung 'the one' Pero tama nga, she's the one who broke my heart.

Umuulan na ngayon sa may Ferris wheel. Kung saan ako iniwan ni Maine. Napatingin ako sa kaliwa ko, at doon may nakita akong dalawang couple, psh. Walang forever.

Pasara na siguro yung Enchanted Kingdom. Inisip ko sa sarili ko dahil nagsasara na yung mga food stall, at nilalagyan nila ito ng black na net. Buti nalang yung katabi kong burger machine hindi pa nagsasara--

"Sir, pasara na po kami.." Sinabi ng isang babae.

"DI MAGSARA KA!" Sinigawan ko yung babae sa galit.

"Sir! Hindi niyo po ako kailangang sigawan!" Sinabi niya nang malakas. Psh. Nakakainis naman tong babaeng to. Tumingin nalang ako sa lapag at umiyak. Yun lang naman alam ko kasing gawin eh. Biruin mo yung bestfriend ko. Inagaw yung magiging girlfriend ko sana.. What a bunch of b*llshit.

"Sir okay ka lang po ba?" Tanong ulit ng babae saakin.

"SINABING OO NGA--" Dumungaw ako para sigawan siya. Pero noong nakita ko siya, may naramdaman ako na hindi ko naramdaman kay Maine. Nag-slow mo ang mundo at nakita ko yung mukha niya ng mas maayos. Ang ganda niya pala.. Pero siguro may boyfriend na siya

"U-uh.. Ano pangalan mo?"  Tinanong ko sakanya na parang sira ulo na naka shabu. Pero.. sinagot niya ako.

"Shaira Mae." Sinabi niya nang nakangiti at nakaabot na ang kamay saakin.

End of Chapter 36

Hello people from earth HAHHA
Okay! Bago niyo ako saksakin ng mga kutsilyo niyong nakataas, Sorry, kasi hindi ako nakaupdate. Nakalimutan ko kasi password ko sa wattpad hehehe.

Pero at least naka publish ako ng chapter no!

Thanks for reading! I-like, I-share sa barkada, at sama-samang mag-comment!

Q:

Magiging next love team naba si Shaira at Dylan?

Kaninong funeral kaya ang pinuntahan ni Alden at Maine?

~Pochi

Not Your Ordinary Yaya | On-GoingWhere stories live. Discover now