6: Stranger Danger!

1.7K 52 5
                                    

✅ Edited

Thanks coffeemug for voting!

Tsaka thank you sa mga nagbabasa na tats naman ako sainyu *insert bisaya accent*
Eto na ulit reward niyo :)))

-

"WHAT ARE YOU DOING IN MY ROOM?!"

Lagot.

Sa sobrang takot at kaba ko sa mga mangyayari ay inilaglag ko nalang bigla yung briefs niya bigla.

"U-um Alden nililinis ko lang naman yung kwar-"

"DON'T YOU CALL ME ALDEN! Mga importanteng tao lang ang pwede tumawag sakin niyan" sinabi niya tapos bigla siyang lumapit saakin.

Palapit.

Ng palapit.

Hanggang sa tenga ko.

"And don't you dare come inside my room ever again. Understand?"

Napatungo ako tapos sabi ko

"O-Opo sir"

"Hep hep!" Sasabihin ko sana 'hooray' kaso baka masampal ako.

"Master ang itatawag mo saakin."

"Opo m-m-master" nanginginig na ako sa takot.

"Umalis kana!" Tapos tumakbo ako palabas ng kwarto niya na parang ipis na pinalo. sobrang bilis ng tibok ng puso ko, at takot na takot ako sakanya.

Pagka balik ko sa kwarto ko humiga ako sa kama para mag-pahinga. tapos may mahinang katok ako na narinig sa pintuan. Pero hindi na ako nag-dalawang isip na buksan ito. Bumungad naman saakin si Sir Richard na nakadamit pangtrabaho pa.

"So kamusta naman yung unang araw mo dito?" Tanong niya saakin.

"Maayos lang naman po." sinabi ko sakanya, tapos napatingin ako sa may tenga niya at nakita ko na dumudugaw mula second floor si Alden, nakikinig sa mga pinaguusapan naming.

"Ah ganun ba? pero bakit sinabi ng maid ko na parang nasigawan kadaw ni Alden at ngayon takot na takot kana?"

"Ah kasi po yung anak niyo nayun half monster, half Casanova, half satanas" Napatawa lang siya.

"Ganun talaga siya, ayaw niya kasing magmukhang mabait at mahina kaya ganun siya, pero lilipas din ang panahon at makakapag-adjust din siya sa'yo at kakausapin karin ng batang yan.."

"Ganun po ba.."

"Sige na,mauuna na ako."

"Sir! Wait lang po baka po pwede favor" Tapos yung mukha niya parang hindi mabasa

"Ano yun iha?"

"Pwede po bang i advance niyo nalang po yung sweldo ko kasi po yung Papa ko kailangan na kailangan na yun.." Namumula na yung mukha ko sa hiya, pero hindi ko inaasahan yung sinagot niya saakin.

"Oo naman. Tinanong mo pa isang araw kapalang parang anak na yung turing ko sayo."

"Talaga po? Thank you po!" Tapos niyakap ko siya pag ka tingin ko naman sa gilid niya nakita ko si Alden akala mo kampon talaga ng demonyo eh yung itsura banaman parang aapoy na sa galit. Humiwalay naman ako kaagad sa yakap naming ni Sir.

"Sige punta kalang sa office ko kung kukunin mo na ha iha."

"Sige po sir tsaka thank you po ulit!" Pag kaalis ni sir biglang nag ring cellphone ko.

Buti naman nagreply narin si Lukas.

Unkown number:
Hi beautiful.

Huh?! Sino naman yun?

Not Your Ordinary Yaya | On-GoingWhere stories live. Discover now