Kwatro

1.9K 43 19
                                    

IKAAPAT NA KABANATA

*labdub*labdub*labdub*

Kung sa tingin niyo ay bumubilis ang tibok ng puso ko dahil sa ako’y inlove pwes, itaga nyo sa bilbil ni Majin buu hinding hindi iyon mangyayari. Napatitig na lamang ako sa maiitim na mata ng lider ng MG na tila ba ay naparalisado ang buo kong katawan pati nadin ang utak ko ay ayaw mag-function. Napapangiwi nadin ako hindi dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa wrist ko kundi dahil sa puso kong parang pinupunit gamit ang cutter. Napahawak ako bigla sa dibdib ko dahil iba na talaga ang pagkakakirot nito, parang anumang oras ay malalaglag ito sa kinakakapitan nito. Nasabi ko na bang kabado ako sa mga oras na ito? Opo! Hindi ako na love at first sight kundi ay malapit na akong ma-dedo on sight.

“Ah- p-pwede na siguro akong umuwi, a-ano?” Mas lalo akong kinabahan dahil hindi siya umimik at tinititigan niya lang ako na para bang binabasa niya ang buong pagkatao ko.

*gulp* S-sorry talaga kung naistorbo ko kayo. P-please, gusto ko pang mabuhay. I have dreams pa, you know” Geez! Ano ba ang pinagsasabi mo Rizza? Parang hindi ka naman seryoso na gusto mo pang mabuhay eh. Napayuko nalang ako dahil alam ko naman na jojombagin na ako nitong gangster na ito anytime. Sad layp right? Hindi ko man lang makakamit ang pangarap kong makagraduate ng highschool lalo na’t 4th year na ako. Hindi ko man lang maeexperience ang tumungtong sa college at maramdaman kung ano ba ang feeling kapag nakakakuha ng tres o singko. Hindi man lang ako makakapunta sa ibang bansa para magtour. Mawawala lahat ng iyon dahil sa letsugas na lider ng MG. Kapag ako talaga natuluyan ngayon, mumultuhin ko siya ng bonggang bongga. Idinilat ko ang mga mata ko dahil ako’y naniniwala na ang mga taong namatay na nakamulat ang mata ay matatapang.

“Muntanga lang miss? Tinatanong ko lang kung alam mo ang direksiyon, di ko naman sinabing papaslangin kita” Kunot noo niya iyong sinabi sabay alis sa harapan ko. Sinusundan ko siya ng tingin pero hindi ko na makita kung saan sa mga room siya pumunta dahil walang ilaw sa floor na ito. Nakahinga na ako ng maluwag at napaupo sa sahig.

“I’m alive!!! Mygoodness! Huuuraaaaay!” Omigosh lang talaga!! Akala ko ay katapusan ko na kanina. Ano ba ang ginawa kong kabutihan at ganito nalang ako kung pagpalain ni Papa God? Kung mag madre nalang kaya ako ng masuklian ko lahat ng blessings na natatanggap ko? Kaso parang hindi ako tatagal sa kumbento dahil sa sobrang kulit at ingay ko. Baka wala pang 24 hours eh patalsikin na ako doon sa sobrang kadaldalan.

*ring*ring*

“Hello?”

Asan ka na? Alam mo bang may curfew ang dorm natin? Hindi kita mapagbubuksan ng gate dahil wala akong duplicate key!!!!” naghi-hysterical na sigaw ni Sugar sa kabilang linya. Aiish parehas sila ni bakling eh napakahilig sumigaw, mukha ba akong bingi sa paningin nila?

“Nacorner kasi ako nung lider ng MG kanina a—“

Anooo?! Iyan na nga ba ang sinasabi ko! May study room naman kasi tayo dito!” panenermon sa akin ng aking batang ina kuno.Daig niya pa yung boss kapag pinapagalitan yung mga staff niya eh. Pero syempre hindi ko naman masisisi si Sugar dahil kaming dalawa lang ang magkamag-anak na andito sa Manila.

“Napaka-ingay kasi ng mga dormates natin kapag nagrereview! Hindi ko alam kung nagrereview ba o nagdadaldalan lang eh! Alam mo naman yun diba?” Yung study room kasi naman ay nasa 3rd floor habang yung kwarto nung may-ari ng dorm ay nasa 1st floor kaya hindi niya naririnig yung mga maiingay kong dormates. Ayoko naman sila sawayin dahil baka isipin nila na kung umasta ako ay parang pagmamay-ari ko yung dorm. Kaya imbes na mapasabak sa away ay nag-iistay nalang ako dito sa Schoolskulan University para mag-aral. Tuwing andun kasi ako at naririnig ko yung mga nakakarindi nilang boses ay nababadtrip ako at hindi na tuluyang makakareview. Ngayon lang naman nangyari ito sa akin na nakasalubong ko yung lider ng MG, in short, medyo malas ako ngayong araw na ito. Madelete nga yung date ngayon sa calendar!

I Control your Destiny(UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon