ICYD: Chapter 20

646 9 3
                                    

Dedicated to: PILOSOPOTASYA! Isa sa mga taong hindi ko aakalaing aaksayahin ang oras niyang basahin itong kalokohan ko. Hahahaha. Pasimula palang ang story kong ito nung magbigay siya ng comment at nung time na yun hindi ko alam na sikat pala siya. Nakakahiya ako *face palm*. Nakakahiya talaga. Hahaha. Salamat po sa pagbigay ng oras sa pagbasa nito noon, salamat sa pagbigay ng opinyon na sa tingin ko naman ay nakatulong sa akin. Godbless :D

Chapter 20: Audition[unang bahagi]

"Ano, sinagot ba?" tanong ko kay Zac habang binaba niya yung phone. 

"Hindi eh, unavailable

*sigh*

2 days na ang nakakalipas nung mawala or should I say kinidnap nila si Maid. 2 days na wala kaming balita, triny na naming kontakin yung phone niya pero unavailable. Pati si Dad hindi rin namin makontact, nakaoff rin yung phone niya or out of coverage area. Maid, asan ka na ba kasi talaga? Ayaw kong manirahang sa natitirang buhay ko kasama tong si Zac. 2 days na ang nakakalipas, ibig sabihin ngayon na ang audition. Hindi na nga kami nakapagpractice kakaisip ng mga paraan at rason kung bakit nila kinuha si Maid. Nakakapagtaka nga lang dahil aanhin naman nila si Maid, eh hindi naman niya alam na isa akong Destiny controller. Walang silbi lang rin,pero kung wala nga dapat sa mga oras na ito ay ibinabalik na nila si Maid samin o di kaya hihingi ng ransom. Pero ano ba konek ni Maid sa Destiny Notebook? Aish. ANG GULO!

*gulo ng buhok*

"Muntanga ka"

"Mukhang pwet ka naman. Kainis kasi eh, naguguluhan na ako" ano ba talaga kasi nangyayari?

"The feeling is mutual. Oo nga pala, di na tayo nakapagpractice.Pano na yung bg music mo?" See? Wala talaga kaming preparations dahil sa kakaisip. 

"Pft. No choice, edi acapella nalang =___=" goodluck to me nalang mamaya, bahala na kung asa tono ako o wala.

"Sigurado ka?" parang inaasar pa ako nito eh 

"Ano pa ba magagawa ko? Eh ikaw naglagay sakin sa sitwasyon na to eh!" kaya kapag ako napahiya sa tv mamaya nationwide, uupakan ko agad to si Zac.

"Engrk. Not me, yung destiny controller mo yun"

Wala. Ikaw talaga ang may sala. -___________-

**Audition**

Andito na kami ngayon ni Zac sa venue kung saan gaganapin yung audition para sa Mimi Arts School. Sagwa ng pangalan no? Hayaan na, sikat naman to eh.

"Please proceed to Room 301 to get your numberbasa ko dun sa poster sa may entrance ng Mimi Arts School.

"Ako nalang kukuha ng number, hintayin mo ako sa lounge" sabi ni Zac sabay alis.

Ako naman tong si tangeks pumayag sa gusto ni Zac, eh hindi ko nga alam kung saang lupalop ng  school matatagpuan yung lounge eh. Wala akong cellphone, pano ko siya makocontact? Baka mawala ako.Pengeng map Dora!

Naglakad lakad nalang ako ng hindi alam ang patutunguhan. Mukha na siguro akong nawawalang bata dito. Ayaw ko naman magtanong dahil hindi nga ako marunong makipagsocialize. Saan ba kasi yung lounge?!!!

"Ohmygosh! Muntikan na ako dun ah!" tarantang sabi nung babae habang nagmamadali, kaso mukhang hindi siya mapapadali dahil nabangga niya ako

"Ack." naapakan nya lang naman po ang paa ko

"Ay, naku,sorry. Nagmamadali kasi ako eh" halata nga. Di mo nga napansin yung magandang presensya ko eh =_____=

I Control your Destiny(UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon