ICYD: Chapter 29

111 2 2
                                    

Yes beybe! Updated na siya sa wakas! Huhubells! Sorry kung medyo zuper late na, busy kasi ako sa pag-eedit nito. Guys! You can now check the revised version nito tho hanggang chappy 7 palang ang naeedit ko kasi medyo binabalikan ko pa lahat ng chapter. I'm trying to make ayos the storyline plus makabuluhang convos sa story. I hope kahit fantasy ang peg nito ay mayroon parin kayong makuhang lessons. Thank you! Mwaaaa! :**

ps. natapos nalang ang Reyna ng Kamalasan, ako andito padin. Hoho! Parang pagbubuntis lang ni Maya, ano po? Anyway, dapat ito na ang last chappy pero super haba na, feeling ko kasi madami pang mangyayari. Trying my best na bigyan to ng magandang action na ending. Enjoy reading po!

 BASAHIN WITH FEELINGS ANG CONVO NI MATT AND NAOMI! HOHO!

Chapter 29:

Coz in this world where I exists, a safe haven cannot survive” Naomi Tan

 

|NAKARAAN|

 

Nagtungo sina Naomi at Matt sa abandonadong hotel kung saan natrack ng dalawa ang nawawalang si Zac. Napagdesisyonan ng dalawa na maghiwalay upang mapadali ang paghahanap kay Zac. Habang tinutungo ang isang pasilyo ay nakarinig si Naomi ng isang tinig na nagmumula pala kay Jed. Sinundan ng dalaga ang binata ngunit nawala ito sa kanyang paningin dahil sa biglaang pagtawag ni Matt. Noong natapos ang kanilang usapan ay nagmamadaling tinapat ni Naomi ang tenga sa bawat pinto ng kwarto nang makarinig siya ng mga yapak at boses. Dali-daling pumasok si Naomi sa pinakamalapit na pinto at doon niya nakasagupa si Jed. Binihag niya ito at pilit na pinapaamin kung sino ang may pakana ng lahat nang biglang tumawag sa kanya si Matt at sinabing napuruhan siya. Tinanggal ni Naomi ang lahat ng bagay na sa tingin niya ay maaring makatulong kay Jed upang makatakas at tsaka nagtungo sa kinaroroonan ni Matt. Natagpuan niya itong duguan sa loob ng isang kwarto. Paalis na sana sila nang biglang…

Trying to escape huh? And who allow you to do that Ms. Naomi Tan?

---

Naramdaman ni Matt ang biglaang pagtensyon ng katawan ni Naomi. Sinilip niya ang mukha nito ngunit hindi niya mabasa ang ekspresyon ng kanyang mukha. Walang bakas ng kaba o takot, tanging blankong mukha lang ang nakarehistro sa mukha ni Naomi na siyang ikinabahala ni Matt.

Pinihit ni Naomi ang sarili paharap mula sa pinagmulan ng tinig at laking gulat na lamang niya nang makita kung sino ang tao na nagmamay-ari ng tinig na iyon. Walang iba kundi si Nica.

“Nica?” halos hindi huminga si Naomi habang sinasambit ang pangalan na iyon

“Yes my dear. Any problem with that?”

“So ikaw ang may pakana lahat ng ito?" Hindi bakas sa tinig ng dalaga ang kaba bagkus ay mahahalata dito ang takot. Napangiti si Nica nang marinig ang tinig na iyon ni Naomi— mababakas ang takot at pag-aalinglangan gaya ng naramdaman niya noon. Muling nagbalik sa puso’t isipan ni Nica ang poot ng nakaraan.

“Hmm, pwede na din. Ang saya diba? Dahil sa mga nangyayari ngayon I can now declare that I’m the happiest creature existing in this world”

I Control your Destiny(UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon