ICYD: Chapter 20.2

494 4 1
                                    

Pagpasensyahan na po kung napakatagal kong mag-update. Sobra sobra na po ang pagkabusy ko dahil sa sandamakmak na projects tsaka siningit ko lang po itong update since suspended ngayon. Yey! 

Tsaka nga pala pips, add nyo ko sa facebook account ko ah. Click the external link and let's chika chika in there :))))

Chapter 20.2: Consequences

**ASDFGHJKL'S POV**

"Ang tanga ay tanga. Hindi na talaga matututo, kasi in the first place tanga talaga sila"  nakangiting sabi sa akin ng aking demonyitang ina habang hinahaplos haplos ang kwaderno. Tila mas masangsang ang pag-uugali ng aking ina, lahat ay gagawin niya masira lamang ang propesiya.

"Bago ka magbunyi diyan, sigurado ka bang maaasahan yang Jed na yan?" paguusisa ko sakanya since mukhang hindi matino yung nakuha niyang espiya

"Don't worry my dear. Jed is perfectly perfect for our evil plan" ito na naman siya, akala niya kontrolado na niya lahat

"Teka, diba misyon ko to. Bakit ka ba nakikisingit? Akin na nga yan!" sabi ko sakanya sabay hablot doon sa kwaderno. Kapag nakatalaga sa akin, akin lang. Dahil kapag ako nagtagumpay dito gusto ko akin lang lahat ng biyaya. Ayoko ng may kahati.

Dirediretso akong pumunta sa 2nd floor at binuksan ang pinakahuling pintuan na matatagpuan sa floor na iyon. Bumungad sa akin ang isang babaeng may takip ang bunganga, halatang galit siya dahil sa talas ng kangyang mga tingin sa akin. Pasensya na, pero sa mga panahong ganito walang kai-kaibigan.

Lumapit ako sakanya habang pinapaypay ang kwaderno. Tinanggal ko yung nakatakip sa bibig niya.

"Masaya ka na sa lagay na yan?" walang emosyong tanong niya sa akin

"Hindi pa. 20% palang to ng kasiyahan ko. Salamat sayo, meron na akong panimula"

Tinalikuran ko na siya at hindi na hinintay na makapagsalita.

"Kung naiisip mong kakampi mo si Veronica, nagkakamali ka" napahinto ako sa sinabi niya. This girl, she really know something. I face her, chin up.

"Sorry dear, but everything will change" I told her as I show her the Destiny Notebook

Thanks to this notebook, everything's going to be great.

*END OF POV*

---

**NAOMI'S POV**

"Hi Nica. Miss me?" I asked sarcastically

Yumuko siya at napangiti. Stop acting like a bitch, it irritates me.

"Sorry but no. Missing you is like a nightmare" an evil side was formed inside her

"Stop acting like you're a mean person. Hindi yan uubra sa akin, at lalong hinding hindi iyan tatalab kay Naomi. She changed. Thanks to you anyway" patalikod na sana ako sa napakaretokadang mukha niya kaso bigla niya akong pinigilan

"Base on what I can see you're still fragile. Fragile as ever. Wag mo nang itago, halata ko na eh" she said sheepishly

Fragile man ako sa iyong paningin, eh ano naman, retokada naman ang iyong feslak.

Tss. Not contented, masyadong insecure. Gusto ko sanang sabihin yan eh ^ kaso bwisit masisira ang english talaktakan namen

"Yep, I'm still fragile. Everyone is fragile. Everyone can be hurt, everyone can be broken. As what I have said before I've changed. Yes, I'm fragile but no one can break me, even you." at tinalikuran ko na talaga siya at bumalik na sa mga kasama ko

"Zac takte talaga, nananadya ka ba?" I hissed

"Hindi ko nga alam. Pasensya naman diba. Kung gusto mo lumipat ka nalang" bulong niya pabalik sa akin

"Oy ano pinagbubulungan niyo diyan? Share naman oh" singit ni Jed

Tiningnan ko siya ng maiigi. May kakaiba sa lalaking to.

"Hindi maganda pakiramdam ko dito kay Jed. Tara na" pagyayaya ko kay Zac

Lumipat nalang kami ng mas tagong pwesto, inshort andito kami sa sulok nakaupo sa lapag.

"Zac"

"Yep?"

"Hindi ako uurong. Magiistay ako dito. Nakapagsimula na ako, tatapusin ko na to"

"Are you sure about that? I'm feeling something weird."

"Ano naman yun?"

"Parang hindi naman nag-iba si Veronica,siya parin yung dati."

"Pwede ba Zac wag mo isali ang past niyo dito sa problema naten. Walang personalan ok?"

"Ang kj mo! Sinabi ko lang naman. Tss."

"Ewan ko sayo. Kapag ikaw nagpagamit dun, humanda kayong dalawa sa akin. Nakuu, talaga >.<"

Mga tao di makamove on. Nakamove on naman an ako sa nangyari sa amin eh, pero pilit na bumabalik ang nakaraan. Iniirita ako, kinukulit, pinagsisiksikan sa buhay ko. Siguro may mga bagay na dapat akong gawin na hindi ko ginawa dati. Ito na siguro talaga yung tinatawag nilang second chance.

Veronica, mas malala pa ako sa inaasahan mo. Kung isa ka man sa kumuha ng kwaderno, humanda ka. Hindi ko ibinibigay sa iba ang obligasyon ko

**END**

Maigsi lang ba? Wala akong maisip eh. Bawi ako next time. Sarreee :]]]]

Byie :* 

I Control your Destiny(UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon