Syete

1.2K 22 2
                                    

Uwaaa! Mukhang nakatulog ako habang sinusulat ang tadhana ni Rizza. Nakakahawa naman kasi yung paghikab ni Rizza eh kaya ayan nakatulog tuloy ako. Actually hindi talaga ako nakatulog. Oo na! Sige na! Ako na liar! Eh kasi naman naguilty ako noong nabasa ko na hindi maganda ang pakikitungo noong auntie ni Rizza sa kanya. Haaay, those were the times na napaka-shunga ko pang magdecide para sa buhay ng mga tao.

Pinilit ko lang talagang makatulog, ganoon kasi ako kapag nalulungkot. Tinutulog ko nalang para kahit papaano wala akong maramdaman. Pero itong aroma na pumapaligid sa akin ay talaga namang mapapagising ka!

*sniff*sniff*

Smells like heaven. Not literally heaven, I mean the feeling when you eat something very delicious or you're having a bath in a warm water.

*sniff*

And because of that smell, nabuhay ang pagkatao ko. Nagsitakbuhan ang dugo ko sa katawan at bumalik sa pagtibok ang mga ugat ko. Nawala na totally ang badvibes sa katawan ko dahil ang naamoy ko lang naman ngayon ay yung carrot cake! UWAAAAAAAAAAAAA! PEYBORIT KO YUN EH!

Dali-dali akong tumakbo pababa, not really minding if I will fall or trip as long as I reach my pinaka-aasam na napakadelisyoso na dessert at pinakamasarap na sweets sa vocabulary ko, edi yung carrot cake nga! Kulit oh!

"MAIIIID" masaya kong bati noong nakita ko si Maid na binuksan yung box na syempre naglalaman ng carrot cake

"Mam? Kain kayo, binake po ito nung bagong lipat nating kapitbahay" sabi ni Maid habang naghihiwa ng cake at naglagay ng isang slice sa platito

"TALAGA?WOW!" Susunggaban ko na sana yung cake pero biglang nagring ang telepono

*ring*ring*

Nakakapagtaka naman ang araw na ito ngayon. Una, binigyan kami ng kapitbahay ng favorite kong cake. Pangalawa, may tumatawag sa telepono namin. Napakadalang lang ang mga tumatawag sa amin dahil wala naman kaming pinagbibigyan ng contact number.

Dahil di ko makaag-decide kung alin sa dalawa ang uunahin ko, napagdesisyonan kong dalhin nalang yung cake sa salas.

"Hello?"

"Naomi anak, ako ito ang tatay mong gwapo"

"Ay sorry po, wrong number ho kayo." Gwapo daw? Pffft! Si Dad talaga!

"Abaaa! Ginaganyan mo ang tatay mo?" 

"Joke lang Dad! I miss you po!" 

"Haay, I miss you too. Oo nga pala, I just want to inform you na dadating dyan yung pinsan mong si Zac. Mga 10 am ok? Be nice to him”

“Aaah si Zac lang--- ANO POOO?! SI ZAC?! DAD NAMAN!!!” There’s no way na papapasukin ko dito sa pamamahay ko yung bakulaw na yun. May atraso pa sa akin ang isang yun at walang kapatawaran ang ginawa niyang pagkakasala!

I Control your Destiny(UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon