ICYD: Chapter 27

149 2 2
                                    

NOTE: Sorry for the wrong grammar and mispelled words. No proofreading, kindly understand. Thank you! Mwaaaaaaaaaaaa.  3 chapters to go~ wwweeeeeeeee :">

I'm also inviting everyone to read my newest on-going story entitled: FANGIRLZONED

Hihihihi :""> pakivisit nalang po ah? SALAMAT! :*

Dedicated to: Littlemissmustache. Thank you po sa pagsubaybay nitong ICYD! Mwaaaaa :**

In a glimpse, the world you used to know is starting to reveal its true color. -Naomi

I Control your Destiny: Chapter 27

"delikado*toot*toot* Isang salita, salita na nagdulot ng napakaraming emosyon sa kalooban ko. Nagsisimula ng maghalo yung inis, galit, lungkot at pagkadismaya. Naiinis ako kasi bakit nangyayari sa akin lahat ng to. Naiinis ako kasi sa pagkaka-alam ko ni katiting wala akong pagkukulang. Naiinis ako kasi bakit ang dami pang pwedeng madamay. Naiinis ako kasi bakit hindi nalang ako naging isang normal na teenager na libreng gawin lahat ng bagay na naisin niya. Nagagalit ako kasi napakagahaman nung mga kumuha noong kwaderno ko. Nagagalit ako sakanila kasi hindi nila alam yung salitang 'enough'. Mas lalong kinagalit ko pa dahil wala sa vocabulary nila ang 'konsensya'. Nalulungkot ako kasi pakiramdam ko isa akong malaking failure sa angkan namin. Nalulungkot ako dahil pakiramdam ko, ako ang pinakawalang kwentang destiny controller. Nadidismaya ako sa sarili ko dahil ang hina ko. Ang hina ng loob ko, ang hina ng utak ko, ang hina ng buong pagkatao ko. Sana unti-unti nalang akong manghina at matigok na para hindi ko nararamdaman lahat ng mga to ngayon.

"Ano? Suko ka na? Sasayangin mo lahat?" napa-angat naman ang ulo ko at nakita ko ang seryosong mukha ni Matt. Hindi na siya yung Matt na  isip bata at mukhang nangjojoke lang. Narinig ko din ang sinseridad sa boses nya.

Napaisip naman ako bigla sa tanong niya. Ano na Naomi? Susuko ka na? Sobrang dami mo ng pinag-daanan, ngayon pa ba? Tinanggap mo ito simula pa nung una diba? Kailangan harapin mo na to ngayon. Bawal umatras dito sa sinabak mo. Asan na yung quote mo dati na “Yes, I’m fragile. But no one can break me”. Hindi naman lahat ng babasagin madaling mabasag diba? At isa ako sa mga yun, hindi madaling mabasag kundi hinding hindi mababasag.

"Ano tingin mo sa akin? Duwag? Syempre hindi!" Ganyan nga Naomi, ganyan nga. Palakasin mo ang loob mo, dahil sa mga oras na to ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo. Wala ng iba.

"Pairalin ang fighting spirit, ok? Tara na" Napatango na lamang ako sakanya at sumunod sa paglabas sa office niya. Sumakay kami sa isang kotse punung-puno ng mga devices. Halos lahat ng high tech na devices makikita mo na sa loob. Pati nadin mga matataas na uri ng baril ay matatagpuan sa loob.

“Lahat ng mga yan provided ng agency namin. Ayos ba? Astig noh! Hahahaha” masiglang sambit sa akin ni Matt habang isinusuksok ang susi sa susian. Sa tono ng boses niya ay parang walang halong pag-aalala at kaba. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa positibong response sa akin ni Matt, pakiramdam ko ay lahat ay maayos din ng maaga at hindi dapat ako mabahala.

Halos kalahating oras kaming bumyahe patungo doon sa lugar na nadetect ng device namin kanina habang kausap namin si Zac. Nakarating kami sa isang hotel na abandonado. Medyo kalumaan nadin ang building at parang anytime ay pwede itong gumuho. Madumi nadin ang mga walls at punung-puno na ng cobwebs.

"Naomi, magseparate tayo. Mas madali nating mahahanap si Zac kung magkahiwalay tayo" pag-iinstruct niya sa akin habang inaabot yung transmitter at kung anu-ano pang gadgets na hindi ko alam kung para saan. Inabutan niya din ako ng lubid, kutsilyo at isang baril na ipinagtaka at ikinakaba ko.

I Control your Destiny(UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon