Tres

2.3K 40 5
                                    

*tugsh*tugsh*CORNETTO!*CORNETTO MO!*



"WAAAAAAAAH! ANG PANGIT MO ALARM CLOCK!!!!" Dahil medyo brutal ako ay hinagis ko pa yun, tinapaktapakan, sinipa ng sampung beses at pinukpok sa dingding just to make sure na patay na at hindi ko na maririnig ang napaka-cute kong alarm tone. Idinideklara ko na po ang aking sarili bilang isa sa mga miyembro ng pederasyon ni Sisa. Sabihin nyo na ding masagwa ang alarm tone ko pero ganun talaga kapag inlove ka sa sarili mong boses. Nyahaha (Kindly note sarcasm)

"Ohmylantangulay!" napasabunot ako sa buhok ko hindi lang dahil sa nasira ko yung alarm clock ko pero pagtingin ko sa wall clock ay parang hindi lang mga gulay ang nalalanta kundi katawan ko din. Nakatulog po kasi ako! Nakatulog ako dahil sa kape! Nakatulog ako at hindi ko nagawa yung trabaho ko at ang mas malala ala-una na!

"Notebook, notebook... sino kayang seswertihin ngayong....badtrip! Ano naman kaya pwedeng himalang mangyari sa madaling araw?!" Nako naman talaga Naomi, ilang taon ka nang nagtatrabaho ngayon ka pa papalpak. Ang tanda mo na, palpak ka parin! Tskk. Kamusta naman diba? Like hello? Gagana ba ang destiny sa ganitong oras, eh halos lahat ng tao ay tulog na ngayon.

"Argh, bahala na" binuklat buklat ko nalang yung notebook. Di na ako namili kung gising o tulog yung babaguhin ko ang kapalaran basta ang goal ko ay masimulan na uli yung trabaho ko. May quota rin naman kasi ako noh.


~*~*~*~*NAOMI'S DESTINY CHANGING STARTS HERE*~*~*~*


Dito nagsimula ang lahat:

"WAA! WAG NYO PO PATAYIN ANG ILAW! NAG-AARAL PA PO AKECH!" sigaw ni Rizza

Rizza, grade conscious/scholar

A 17 year old scholar in Schoolskulan University. She's currently studying in the University's main library when the janitor already turn off the lights. For easier understanding, she's all alone or maybe she's with the Mumu Gang.

"ANG INGAY MO! TULOG AKO DIBA? ARE YOU BLIND?" sigaw ni Pow

Pow, sleepyhead dude

Pow is a 18 year old student who's also studying in Schoolskulan University. A consistent honor student and currently in his 2nd year with a degree of Engineering. His number 1 hobby is sleeping.


RIZZA


"WAA! WAG NYO PO PATAYIN ANG ILAW! NAG-AARAL PA PO AKECH!"  Medyo sigaw ko, sa tingin ko medyo lang naman pero pwede din napasobra sa lakas. Paano ba naman kasi pinatayan na ako ni Manong Janitor ng ilaw pati nadin ng aircon kaya naman bukod sa wala akong makita eh medyo kinabahan nadin ako dahil sa sobrang katahimikan na bumabalot sa library. Sa pagkakaalam ko kasi ako nalang ang taong andito maliban sa mga guards na nagbabantay lang sa Main Gate na sa pagkakaalam ko uli ay hindi sila lumilibot dito sa loob ng school tuwing gabi dahil naduduwag sila.

"ANG INGAY MO! TULOG AKO DIBA? ARE YOU BLIND?"

Ha? Teka, ayan na ba yung Mumu and the gang? Alam ko, medyo korni yung pangalan ng group nila pero hindi sila yung basta bastang mga Mumu gaya nila Natre, Shomba at Sadako. Ito kasing Mumu Gang ay isang frat sa University namin na kinatatakutan ng lahat dahil bukod sa mga feeling pogi ay *ehem*, I mean sisiga siga kasi sila dito at mga barumbado. Pero ano nga ba ang isang university kung walang frats diba?

"Ha? Tulog ka? Eh bat kinakausap mo ako?" Tch ano ba naman to si Kuya, feeling pogi ay I mean 'pa-siga' na nga eengot engot pa. Tsk, kawawa naman, sumalangit nawa ang brain nyang patay. Oops, churi hihi

I Control your Destiny(UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon