ICYD: Chapter 28

141 4 3
                                    

"I fell on a hole and unfortunately I did not end up in Wonderland. I found myself in hell." - Naomi

I Control your Destiny: Chapter 28

---

Flashback:

"Naomi, magseparate tayo. Mas madali nating mahahanap si Zac kung magkahiwalay tayo" pag-iinstruct niya sa akin habang inaabot yung transmitter at kung anu-ano pang gadgets na hindi ko alam kung para saan. Inabutan niya din ako ng lubid, kutsilyo at isang baril na ipinagtaka at ikinakaba ko.

"Sa tingin mo, makakapatay ako?" Iniisip ko palang na makakapatay ako ng kapwa ay hindi ko na maatim. Ano ba naman kasi tong nasabak ko? Ang pagkakaalam ko taga-direct lang ako ng tadhana pero ngayon magiging murderer pa ako. Gusto pa ata akong makulong nitong si Matt eh!

"Ano ka ba Naomi, self-defense lang yan." Medyo napahiya naman ako dun kaya hindi nalang ako umimik at lumabas na ako sa kotse. Ang usapan namin, kapag nahanap ko na si Zac or kung siya ang makahanap ay icocontact namin ang isa't isa at dito sa may pinagparkingan ng kotse namin magkikita.

"Ready ka na?" tanong ni Matt sa akin habang asa tapat na kami nung glass door ng abandonadong hotel

"No choice eh. Psh"

 ***

"No choice eh. Psh" Pakiramdam ko ay napaka-dakila ko na dahil ginagawa ko ang lahat ng mga bagay na ito. Yung tipong susugod dito sa Macau para harapin yung mga kaaway namin or should I say mga kontrabida sa buhay ko, yung tipong ginamit ang hidden running skills ko para lang makatakas sa bakulaw na si Jed, yung moment na andito ako sa tapat ng isang abandoned hotel at yung moment na anytime pwedeng pwede na akong bawian ng buhay. Ang martyr lang diba? Dapat pagbalik ko ng Pilipinas ay mayroon na akong award as Teenage Hero, grabeng contribution na to sa family tree namin ah!

"Ito na yung entrance Naomi. Dun ka sa kanan, ako dito sa kaliwa." pag-iinstruct sa akin ni Matt habang chinecheck lahat ng mga devices niya

"'Ready?"

Tumango nalang ako. Ready kunwari. "Salamat Matt ah" sincere kong pagthank you sakanya sabay hug. Sobrang thankful ako dito kay Matt kasi kahit hindi niya ako obligasyon ay nagagawa parin niyang tulungan ako kahit na ang kapalit ay maaaring ang buhay niya.

"Wala yun. Tara na nang matapos na ito." humiwalay ako sa kanya at tinungo ang direksiyon na tinuro niya sa akin. Maingat akong naglalakad sa napakahabang hallway ng hotel habang tinitingnan ang transmitter ni Zac. Ayon kasi kay Matt ay dito naman iyon nadetect kanina pero nakakapagtaka lang dahil hindi ko na madetect si Zac ngayon. Baka naman nagloloko itong device? Nubayan! Ngayon pa tinopak!!!

"Good. Nice job! " napapitlag naman ako at napatago ng wala sa oras nang marinig ko ang isang tinig mula sa di kalayuan. Ayan na ba yung mga taong dumukot kay Zac? At nakuha pa talaga nilang matuwa dahil tagumpay sila sa pag-kidnap kay Zac! Bigla akong nakaramdam ng pagkayamot at tuluyan nang nawala ang kaba na nararamdaman ko kanina dahil doon sa narinig ko. Halos manginig nadin ang mga kamay ko sa asar, iniisip ko palang na nagdidiwang sila at kami nama'y halos mabaliw na sa sitwasyon namin ay gusto ko na talaga silang hambalusin ng kawayan. Arrrgh!

Maingat akong tumungo doon sa lugar kung saan narinig ko ang tinig. Halos maghalo ang inis at nerbiyos sa dibdib ko na nagpapahirap sa aking huminga. Inisip ko nalang na kapag mapapa-amin ko ang taong yun at malalaman ko kaagad ang sagot kung nasaan na si Zac ay malalaman ko narin kung sino ang may pakana ng lahat ng gulo na ito. 

I Control your Destiny(UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon