IKA-ANIM NA KABANATA
Location 1
“Brrr! Lameeeeg!” Kinapa-kapa ko muna ang paligid ng paahan ko kung andoon ba yung kumot pero mukhang nalaglag ko iyon kaya hindi ko nalang ininda ang lamig at niyakap ang sarili ko. Noong hindi ko na makayanan ang lamig sa loob ng kwarto ko ay dahan-dahan akong tumayo mula sa kama at tiningnan ang bedside clock ko.
“Waaah!” madali kong inabot ang unan na ginawa kong sandayan at itinaklob iyon sa pagmumukha ko. Halos halikan ko na iyong unan at ibaon ang mukha ko doon dahil mayroon akong hindi gustong makita. Alam nyo namang idineklara ko na ang aking sarili na baliw diba? Pwes ngayon mas mababaliw na ako. Nagising lang naman kasi ako exactly 3 o’clock in the morning which is kilala bilang Witch Hour. Aminado naman ako sa sarili ko na mala-mangkukulam ang pinaggagawa ko pero hindi parin mawawala sa akin yung kaba. Maiintindihan ko sana kung 3:10 or 3:20 am ako nagising dahil kahit papaano ay naka-alis na yung mga multo sa paligid.
“Nakakagutom naman” sinilip ko uli yung bedside clock ko at nagdadalawang isip kung bababa na ba ako para humalungkat ng makakain o maghihintay pa ng mga ilang minuto. Pero dahil hindi ko na talaga mapigilan ay tumayo na ako sa kama at nagtiptoe na bumaba papunta sa kusina dahil baka magising ko si Maid at etc elements.
Halos magtatalon sa tuwa ang puso ko at lumuwa ang mga mata ko dahil sa dami ng pwedeng kainin sa loob ng refrigerator. Pinili ko na lamang yung Triple Chocolate Cake at Lasagna dahil wala pang bawas at parang nakatadhana na talaga para sa akin ang mga iyon.
“*nom*nom*huhuhuhuhu! Ba’t ansarap mo cake? Aylabyu naaaaaaa!” Ang sarap lang kasi, diba? Kahit forever na akong nakakulong sa bahay na ito basta meron lang mga stock na ganito kasasarap na mga pagkain. Ang introvert mang pakinggan pero, idc. I can live forever with cakeeesssss!! Weoweoweo!!!!
Pasubo na sana ako ng panibagong spoonful of cake nang may marinig akong bagsakan ng mga utensils ata sa may kusina, andito kasi ako ngayon sa dining room. Teka, ah eh multo kaya yan? Dali-dali kong binitbit lahat ng nahakot kong pagkain at nagmamadaling tumakbo patungo sa hagdanan nang may bigla akong nabangga.
“Araaaaaay naman eeh” napasapo ako sa tuhod ko, iyon kasi yung naitukod ko nung natumba ako at triny na sagipin lahat ng hinakot ko na pagkain. Ang sakit lang, feeling ko umusog paloob yung buto ko. Awww
“H-hala Mam! Sorry po ng bongga! Bati na tayo mam, please?”
“Eh kasi naman ano bang ginagawa mo sa kusina at nagtatakbo ka palabas? Nagsilaglagan pa ata yung utensils eh” paglelecture ko sakanya habang pilit na tumatayo. Dahan dahan akong naglakad at naupo sa sofa at hinilot yung tuhod ko.
“Gumagawa lang po ng salad mam, ibibigay ko dun sa gwapong student dyan sa may kabilang kabilang kanto! Hihihihihihi” Napa-iling nalang ako dahil sa paghagikhik nitong si Maid. Kilig na kilig lang neng?
“Pwede ba huwag kang tumawa nang ganyan para kang bruha eh. Tsaka bakit madaling araw ka gumagawa? May lahing aswang ka ba Maid? Di mo man lang ako in-inform oh!” Ang ayoko sa lahat ay yung may tinatago sa akin eh! Kapag nalaman ko talagang sinikreto niya ang pagiging witch niya tutuluyan ko ito mamaya.
“Ekskyosmeh madam, waley akong lahing aswangers noh! Biglaan po kasi yung info na nasagap ko mam kaya biglaan din yung pagkilos ko. Pramis di na ako uulit, pagsasabihan ko na yung source ko na huwag ma-delay sa chika.” Hindi ko alam na may kasama na pala akong chismosa sa bahay, grabe na talaga ang populasyon nila hindi na matinag.
“At sino naman ang gwapong student na yan Maid? Talagang student pa ang pinuntirya mo ah” pang-aasar ko kay Maid habang humihiga sa sofa
“Student rin naman po ako ah, nadagdagan nga lang ng working sa unahan. Hehehehe! Si Pow my labidabidubs po mam! Hay nako Mam, kapag nakita niyo yun maloloka kayo. Makalaglag-jaw, titindig balahibo niyo, magpapalpitate ng bongga ang puso niyo sa kilig! Ahihihihi! Ang gwapo talaga ni Pow, haaaaaaaaaayyyy.” Parang ang exaggerated naman ng pagkwento ni Maid. Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako o hindi eh, ang dating kasi sa akin parang yung itsura nung Pow ay mala-prinsipe. T-teka!
BINABASA MO ANG
I Control your Destiny(UNDER REVISION)
Misterio / Suspenso(STATUS: UNDER REVISION. I'M REMOVING IMMATURE SCENES+ PINAAYOS NA STORYLINE) A story about a girl named Naomi Tan who can control people's destiny. But what if one day she woke up and find her Destiny Notebook is missing and it is already in other...