Binabago ko na yung concept and title para sa chapter na ito. Dahil mukhang matatagalan pa ang audios sa hindi ko malamang kadahilanan eh iniba ko muna yung mga magaganap. Wala kasing nakalaang plot para dito kaya paki intindi nalang kung minsan panget ang UD ko. Naisip ko to kanina habang nagsasampay ako. Enjoy Reading *u*
Chapter 18: Season of Changes
Nanlulumo ako habang papauwi kami ni Zac ng bahay. Ano nga ba naman kasi gagawin ko sa audition? Kanta nalang kayo ako ng Bahay Kubo o di kaya Leron-Leron Sinta? Tama! Yun na lang ang gagawin ko nang sa ganun hindi ako makapasa at sa ibang school na ako mag-eenroll. *evil laugh* I am so great, kaya mahal na mahal ko sarili ko eh.
"If you're thinking not to do your best in the audition, better not to do it. Ibobroadcast yun sa buong Pilipinas. Nakakahiya ka" paalala nya bago kami pumasok ng bahay. Bwisit ka talaga forever Zac! This is all your fault. Mapapasabak pa tuloy ako sa talent portion eh wala naman akong talent. Tapos ibobroadcast pa? Anak naman ng teteng yan! Edi mas lalong nakakahiya yun. Bahala na lang talaga si Ethel Booba sa akin.
"Good Morning Mam!" pambungad ni Maid sa pagmumukha ko nung nakapasok na ako ng bahay
"Walang good sa Morning Maid" lalo na sa susunod pang mga Mornings. My life sucks.
Dumiretso ako sa kusina para maghanap ng pampatanggal ng stress ng maabutan kong nilalantakan na ni Zac yung fave cookies ko
"Hey!" tiningnan nya lang ako and back to business sya uli
"Hoy! Sheet ka! Akin yan eh" sigaw ko sakanya sabay hila dun sa cookies na asa bunganga na nya
"Damot mo naman! Cookies lang eh *pouts*" Leshe. Nagpacute mukha namang aso =___=
"For pete's sake Zac, stop doing that pout thingy.You look like an askal" pagaaway ko sakanya sabay hatak ng cookies, stick-os, mallows and anything sweet na nasa kitchen +water at dirediretsong lumabas sa kitchen
"Zac, ano nangyari kay Mam?" narinig kong tanong ni Maid habang asa hagdan ako
"Depressed kaya tumatakaw" buti naman at alam mo Zac, Ikaw rason kung bakit nanlulumo ako e
Dahil sa ayaw kong madagdagan ang panglulumong nararamdaman ko hindi ko nalang sya pinatulan at dumiretso na sa kwarto ko.
"This is really a damn! Ano ba gagawin ko sa audition?" kinakausap ko ang sarili habang nilalamutak yung cookies at thesame time binubuklat buklat yung Destiny Notebook. Naghahanap na kasi ako ng susunod na babaguhin ko ang tadhana pero wala parin akong nahahanap. May mga past events kasing nakalagay dito about sa kanila at ni isa, wala pa akong nahahanap na interesting ang nangyayari sa buhay nya.
*slam*
"Curse you Zac! Lagi kang panira sa buhay ko!!" I screamed as I stretch my hands upward in the sky and let the chair carry my weight
*boogsh*
"Aruuuy" ang saket saket ng likod ko. Feeling ko nabali yung spinal cord ko. Sino ba kasi ang shangek na nagsabing ipaubaya ko ang bigat ng katawan ko sa upuan na yan. Magwiwheelchair ata ako ng maaga nito eh
BINABASA MO ANG
I Control your Destiny(UNDER REVISION)
Misterio / Suspenso(STATUS: UNDER REVISION. I'M REMOVING IMMATURE SCENES+ PINAAYOS NA STORYLINE) A story about a girl named Naomi Tan who can control people's destiny. But what if one day she woke up and find her Destiny Notebook is missing and it is already in other...