Dream of a Lifetime:Story 3:The Broken And The Believer

53 4 1
                                    

Chapter 1:I'll glue you back together...

Monik's POV

Eyowh Powz! Ako po si Monik,Isabella Monique Villaverde.Only daughter ni Papa Nathan at Mama Monik Villaverde.May mga pinsan ako at isang bestfriend na sumusuporta palagi sa akin.At siyempre kasama ako sa grupong....ano nga pala ulit yun? Basta yung barkada.

Si Daniel Alex Cruz,grade 1 pa lang kami nang maging close kami.Kung paano kami nagkakilala,ganito kasi yun....

~flashback

Ako:Huy! Ano ba! Ibigay niyo yang teddy bear ko!

(yupp! Nasabi ko na ba sa inyong magbest friends kami ng teddy bear ko noon at hindi ako makakapasok sa skul kapag hindi ko siya kasama? Oo,i'm such a crybaby)

Paulo:Belat! Amin na itong teddy bear mo!

Wala na akong magawa nun.Umiyak na lang ako ng umiyak.Nakita kong pupunitin na niya ang best friend ko pero...

Alex:Bitawan niyo siya!

Paulo:Wag kang makialam dito! Umalis ka na lang,lampa!

Tss.E-epal pa kasi.Bulok naman sa patintero at sipa bola.Kaya naging lampa.Teddy bear ko...

Nagulat na lang ako kasi sinuntok niya si Paulo.

Alex:Sa susunod,wag mong sasaktan si Monik.Naiintindihan mo!?

Tumango na lang si Paulo at umalis na.

Alex:Oh,ito na ang teddy bear mo.Sa susunod kasi wag ka nang magdadala ng stuffed toy.

Umiyak na naman ako.Tinulungan niya ako tapos gusto niyang wag ko nang dalhin si teddy bear? Akala ko pa naman mabait siya.

Alex:Hey,wala na si Paulo.Bakit ka umiiyak?

Ako:Bakit? Bakit mo tinataboy si teddy bear? Hindi ka naman niya inaaway ah? Siya na nga lang ang kaibigan ko dito eh.Akala ko mabait ka,pakitang tao lang pala!

Umalis na kami dun ni teddy bear.Nakakainis siya.

Kinabukasan,papasok na ako sa skul.Dala ko pa rin si teddy bear ko.Nasa second floor ako ng building kaso nalaglag si teddy bear.Sumabit siya sa puno.Bumaba ako ng first floor at pilit kong inaabot si teddy bear.Umiyak na naman ako.

Alex:Monik? Bakit ka umiiyak? Inaway ka na naman ba? Wag kang magalala. Reresbakin ko sila.

Ako:Hindi. Walang umaway sa akin. Si teddy bear kasi nalaglag kaya sumabit sa puno. Hindi ko makuha ang best friend ko.

Alex:Wag kang magalala. Nandito na ang superhero to the rescue!

Umakyat siya ng puno at kinuha na niya si teddy bear. Pero naputol yung sanga at nalaglag silang dalawa.Nasira yung kamay ni teddy bear at may gasgas naman si Alex.

Ako:Alex,ayos ka lang ba?

Alex:Ahh,oo.Sorry.Nasira yung kamay ni teddy bear eh.

Ako:Ah,ayos lang yun.Pwede ko namang tahiin eh.May sugat ka oh.

Alex:Wala lang ito.Sige,una na ako ha.

The next day,malungkot ako kasi hindi ko kasama si teddy bear.Wala siya sa buong bahay.Hindi rin ako marunong magtahi.Bata pa ako eh.Wala na si bestfriend...

Alex:Monik!

Lumingon ako.

Ako:Good morning Alex...

Dream of a Lifetime (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon