Chapter 19

811 7 0
                                        

Pagkatapos naming kumain naisipan ni Daniel na pumasyal sa Hacienda nila, Matagal na din daw kasi na hindi siya nakakapunta dito eh.

“SIR DANIEL,Ikaw ba yan?”

“Opo manong”

“Ang laki mo na aa, tsaka ang gwapo mo pa, Naks naman”

Sabi nung lalake na hindi naman ganun katandaan.

“ganyan talaga eh”

Yabang talaga kahit kailan, Tsk.

“Ano ang maipaglilingkod namin sa inyo? AT sino itong magandang binibini na kasama mo ngayon?”

“Ah si Ian po”

“Ian si manong Caloy trabahador namin dito”

“Hi po”

“Ahy anganda mo namang bata, gerlpren mo?”

“NO PO” inunahan ko na siya, mahirap na , hehe. :”>

“Manong pwede mo ba kaming ipasyal dito? Hindi ko na kasi alam ang pasikot-sikot sa lugar na ito eh”

“Oo naman sir, Tara”

THIRD PERSON P.O.V

Naglakad-lakad nga silang tatlo, hindi maiwasan ni Ian ang mamangha sa lugar kasi napakaganda nito at ang taglay nitong kalinisan na parang alagang-alaga sila sa haciendang ito, Marami ang bumabati sa kanila at napagalaman niya na “MABAIT PALA SI DANIEL DITO” bahagya siyang napangiti sa naiisip niya.

Nagpaligo din sila ng mga kalabaw at naggatas ng mga ito, Noong una nadidiri pa siya pero she found it happy na parang ayaw na niyang umalis sa gatasan.

Namitas din sila ng mga preskong prutas at binigay sa mga bata.

Pumunta din sila sa ilog at nangisda, First time in her life ni Ian na maexperience ang ganoong bagay kaya laking pasalamat niya kay Daniel at naranasan niya ito.

“Masaya din pala ito, mas masaya pa sa pakikipagracing” Nasabi ni Ian habang sila ay nagpapahinga sa isang lilim ng puno at nakapicnic set sila.

“Oo naman, masaya talaga hindi ka mabobore” Pahayag ni Daniel.

“Sana ganito nalang buhay ko, Simple at walang gulo”

“Pwede ka namang mamuhay ng ganito Ica eh,basta ba gugustuhin mo, walang imposible”

Nahiga sila sa carpet na inilatay nila, Kumain sila habang nagkwekwentohan.

“Daniel bakit ka pa lumipat sa Manila,What I mean is look, This place is so good, wala ka ng mahihiling pa kesa naman sa Manila na sobrang gulo”

“Basta, mahabang istorya”

“Tell me please”

Wala ng nagawa si Daniel kaya ikwekwento nalang niya.

“First of all ayoko naman talaga ang pumunta sa Manila noon pero dahil sa kapatid ko”

“Why? What happened?”

“Nagkasakit siya at sa mga panahong iyon nag-aaway sila mommy at daddy.Ayoko mang umalis sa buhay na meron ako dito kailangan eh, walang magbabantay sa kapatid ko, yung ate ko naman nasa States siya noon, Isa kasi siyang surgeon kaya ayon”

UNPREDICTABLE LOVERS (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon