Chapter 52

650 10 8
                                    

Ang plano ko po talaga next week pa ako maguupdate kaso di ko matiis, bumangon pa nga ako kagabi para lang makapagtype eh,Haay

Sana magustuhan nyo.

Comment at Vote naman po please.!!

labyou guys :">

Chapter 52

IAN P.O.V

Siguro ang alam nyo nasa America na ako noh? Well nagkakamali kayo.

Hindi pa ako pumunta, Ang alam nila pumunta na ako.Hinatid pa nga ako nung barkada ni Daniel sa airport eh, pati si mommy at daddy, Yep okay na kami,Naiiyak nga sila nun eh, Dami pang bilin nung apat na itlog, Dapat ganito, ganyan.Haay.

Mamimiss ko sila ng bonggang-bonga.

“IAN? IKAW BA YAN IJA?”

Ngumiti lang ako at niyakap niya ako.

Mamimiss ko din siya.

“bat ikaw lang? Asan si Daniel?magkasama ba kayo?”

Sinilip-silip pa niya sa likod ko.

Napangiti nalang ako, wala pa silang alam lahat.Nakakalungkot lang, angdaming memories namin dito,Dito ako natuto sa mga bagay-bagay.Dito siya nangako pero wala eh, wala naman yung pangako niya na Si Daniel Padilla mahal na mahal si Breian Ice Bernardo,  ASAN NA YUN?

“Hala hija! Bat naiyak ka jan?”

Kinapa ko ang mata ko at, Oo nga, haha,umiiyak pa rin kasi ako kapag naa-alala ko yung mga memories eh.

“Wala to manang,ano ka ba, asan pala si manong Caloy?” Pangi-iba ko ng topic.

“Baka nasa farm yun, alam mo naman,”

OO nasa hacienda ako nila Daniel ngayon, Yung nagbakasyonan namin noon. Naalala nyo pa ba??

Siguro ang kapal naman ng mukha ko para sa inyo kasi wala na kami pero pumunta pa ako.Gusto ko lang maalala yung mga nangyari kasi pagkatapos neto pupunta na ako sa America at kakalimutan na siya.

Pinapasok nila ako sa loob ng bahay at nagmemerienda na kami ngayon.Kanina pa ako tinatanong ni manang.

Ang akala niya pinagtritripan lang namin siya at lilitaw daw mamaya si Daniel haha.Nakakatawa.

“kayo na siguro ni Daniel noh? Umiling ako, pinipigilan ko nalang na lumuha sa harap niya hindi pa? kasi sabi ko noon pag bumalik kayo dito kayo na eh, ang bagal naman ng batang yun,natotorpe na ata”

Parang naiinis pa si manang, Kung alam nyo lang na, naging kami pero sa kasawiang palad wala na kami.Ang sakit isipin na akala ko, akala namin  kami na hanggang sa huli pero isang pagsubok lang pala ang makakapaghiwalay sa amin, Kung tutuosin pwede pa sanang masalba kaso wala eh,baka hindi talaga kami para sa isa’t-isa.

Nilibot ko muna ang buong bahay. Magluluto daw muna si manang ng almusal namin, Oo maaga akong pumunta, ang goal ko kasi eh, mapuntahan ko lahat ng pinuntahan namin ni Daniel,ewan ko nga ba, sinasabi nga ng konsensya ko “mas pinapahirapan mo lang ang sarili mo”

Pero gusto ko lang kasi alam ko na kapag nakalimot na ako, di ko na aalalahanin ito.Oo sobra pa akong nasasaktan.Di ko kasi maisip na siya pa ang magsasabi sa akin ng mga ganung bagay,Mas grabe pa sa mga sinasabi nila daddy noon,Too much for that.

Napadpad ako sa kwarto namin. Haay, Medyo natawa ako noong makita ko yung c.r. Kung paano kami mag-away dahil ang bagal niyang kumilos at mag-ayos.

UNPREDICTABLE LOVERS (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon