Chapter 44

638 6 0
                                        

ETO NA! NAIYAK AKO HABANG SINUSULAT KO TO! GRABE.

PART 1 PALANG TO!

COMVO PO  PLEASE!!

**

CHAPTER 44.

Maaga akong pumasok sa school I want to talk to Quen, Gusto ko nang matapos ang kung ano man kami at ipakita sa kanya at ipaliwanag na revenge lang ang lahat, Nothing more, nothing less

Pero iba ang naabutan ko, Si Julie na sobrang iyak ng iyak sa classroom, Oo naaawa ako kasi naging bestfriend ko din siya noh, Oo masama ang ugali niya pero naging mabait naman yan konti nga lang.

Lalapiitan ko na sana siya kaso may nagtxt kaya lumabas muna ako, ang awkward kasi tignan, Parang alam ko na kung ano ang rason at naguguilty ako.

FROM: BIG BOSS <3

Boss! Papunta akong California ngayon babalik ako 3 days from now.Ingat ka jan, Wag manglalake aa, Sorry di ako nakapagpaalam,si Erpats kasi sigue na tinatawag na ang flight ko, I love you so much baby boss ko :****** Binilin na kita jay Gelo! Wag ka nang magtext, Skype nalang tayo

-PerfectBoyfriend

Bat ngayon pa?Siguro tama na umalis siya para maayos ko ang gulo namin, Palakad na ako papuntang classroom nang may bigyang humila sa akin at niyakap,

Napapikit nalang ako. Si Quen to, Wala naman si Daniel eh,

“I miss you Ian” Bulong niya sa akin

“hala di ba sila ni Daniel?”

“Si Enrique at Julie dba?”

“Anong nangyayare? Baka yan ang rason kung bakit crying crying si Julie”

“OMYGAD, DI NA NAHIYA!”

Bulong bulongan ng mga studyante.

Napayuko nalang ako, walangya ka Enrique!! Sinira mo dangal ko!Buti wala si Daniel dito! Whoooah!

Hinila ko si Quen papuntang kung saan..

“QUEN! ARE YOU NUTS? BAT MO GINAWA YUN HAH?” Sigaw ko sa kanya.

Nakakahiya, angraming tao dun eh,Kami na naman ba ang pag-uusapan.

Kasalanan ko to eh! Lintik na revenge yan!

“Why? What’s wrong?Wala na kami ni Julie”

Napanganga ako sa sinabi niya, Gawd!

Bigla nalang niya akong hinalikan tapos may nagflash na camera kaya napabitaw siya, I never kissed him back! Para san pa!?

“ENRIQUE! LOOK WHAT YOU DID! PAANO KUNG MALAMAN TO NI DANIEL HAH!” sigaw

“THEN? Bat di pa kayo nagbrebreak?”

Baliw ka ba o sadyang shunga lang? Hihiwalayan ko ang lalakeng pinakamamahal ko? Ankapal naman ng mukha netong ungas nato sarap basagin eh!

“Ewan ko sayo jan ka na nga!”

Umalis na ako at pumasok na sa classroom, nakakainis kanina sa hallway eh.Andaming nagbubulungan,

Pati yung P5 wala din, pumunta sila sa hongkong mga kumag kasi tamad magpractice kaya tumakas, alam naman daw nila ang gagawin nila eh, mag mamartsa lang daw naman sila,

Buti wala na si Julie sa room baka nasabunotan na ako nun eh.

**

Dalawang araw na ang nakalipas at ganun parin ang mga studyante sa school,Bulong everywhere  tapos ang sasama ng tingin nila sa akin lalo na yung mga alipores ni Julie tapos si Quen naman parang walang pake kasi nga wala na naman daw sila,

Sarap batukan eh, Siya naman ang ayaw makipaghiwalay ngayon! Ehr! Feel naman niyang gusto ko siya, In his face

“ENRIQUE ANO BA!!” bigla ba kasing umakbay eh naglalakad ako sa may hallway! -__-

Baka kung ano na naman ang isipin ng mga tao.! Nakakainis!

“What?” Painosente pa niyang sagot.Kumag na to!

“wag mo nga akong akbayan, pwede?” Naiirita na talaga ako!

“Bat ba ayaw mo? Inaakbayan ka naman ni Daniel pero hindi ka umaangal” sigaw niya, kaya yung mga mata ng tao nasa sa amin na naman! -__-!

“KASE HINDI IKAW SI DANIEL, STOP THIS NONSENSE ENRIQUE! AYAW KO NA! SAWA NA AKO!” Sigaw ko din at iniwan siya dun na nakatunganga dahil sa gulat pumasok ako sa classroom and to my surprise nandito si Julie ang sama ng titig sa akin.

Lumapit siya at sinampal ako

“ANO? KAYO NA BA NI ENRIQUE? GANYAN KA BA TALAGA HAH,? INAGAW MO NA NGA SI DANIEL SA AKIN PATI BA NAMAN SI QUEN!WALANGHIYA KA”

Sinampal ulit niya ako,

“Ang landi mo eh noh! Di pa ba sapat si Daniel hah!!,Malandi ka! Salot!!” Pinagsasabunot niya ako pero nakatayo lang ako , I know I deserve this.

“WOW JUST WOW! AKO ANG NAUNA KAY ENRIQUE! INAGAW MO LANG SO ANO ANG FEELING NGAYON HAH? MASAKIT BA JULIA??”

NAbigla siya sa sinabi ko.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa,

“K-kath?” di makapaniwala niyang sabi

“Ako nga! Nabigla ka ba? Ano naramdaman mo na ba kung gaano kasakit maagawan hah, kung gaano kasakit magmahal at iwan nang taong mahal mo para sa babaeng mahal niya, naramdaman mona ba kung gaano kasakit!!?” Sigaw ko sa kanya!

Wala na eh, sumabog na ako,

Inaawat na kami ni Quen,sobrang gulo nan g buhok ko dahil sa pag-aaway namin.

“baby tama na!!” sabi niya

Napatigil si Julie, alam ko kung gaano kasakit yun, ramdam ko noon eh,

“SABI NANG TAMA NA ENRIQUE DIBA? Di mo ba naiintindihan na di kita minahal!?na revenge lang ang habol ko!” Ako

“Anong revenge?” naguguluhan din siya.

“AKO SI KATH, SI KATH NA SINAKTAN NYONG DALAWA, YUNG PINAGTRIPAN NYONG DALAWA, HINDI NYO ALAM KUNG GAANO KASAKIT ANG MGA GINAWA NYO, PINATAY NYO ANG KATH NA MABAIT! IKAW ENRIQUE GANYAN KA NA BA TALAGA? KUNG MAY MAKITA KANG MAS MAGANDA HIHIWALAYAN MO NA ANG BABAE MO! SORRY AA,SORRY KUNG NAGREVENGE AKO PERO MASAKIT TALAGA AT DI KO MAKAKALIMUTAN ANG GINAWA NYO, NATRAUMA AKO DAHIL SA INYO, ILANG TAON AKONG NAGTIIS SA MGA PASAKIT NYO! WALANGHIYA KAYO!!”

Iyak lang ng iyak si Julie habang si Enrique di makapaniwala, naguguluhan

“This is not a good joke Ian! Stop it, Hindi ikaw si Kath,!! Si Kath pangit!!”

“Ako si Kath and btw, anniversary sana natin ngayon! Ilang years na ba tayo? Hahaha, Ikaw na din ang nagsabi na pangit si Kath pero naisip mo na ba ang mukha niya pag  tinanggal niya ang salamin at braces niya, Eto nakatayo ngayon sa harap mo! Ang magandang Kath na sinaktan mo!!”

Biglang sumugod sa akin si Julie at sinampal niya ako.

Tinulak ko siya

“ANO? MASAKIT DIBA? ANG MALAMAN MONG NAGING KAMI NI QUEN HABANG KAYO! HI-“

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil nandito siya, Bumalik siya at halatang naguguluhan na

“I-ian, Ano to?”

===============================================================================

SINO KAYA ANG DUMATING??

UNPREDICTABLE LOVERS (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon