Chapter 48

634 6 0
                                        

PLAY THE SONG  PARA MAFEEL, CREDITS TO THE OWNER

CHAPTER 48

Oo walang kasiguraduhan ang gagawin ko.

Pero lahat naman gagawin natin para sa mga mahal natin diba?

Kahit masakit, Kahit minsan nakakapagod na. Pero para sa kanila, Go lang.

Yung ayos ng table ay yung nasa multimedia.! Tignan nyo nalang.!

Kaya gaya ko, This is the day of truth.Naghanda ako ng dinner date at kapag dumating si Daniel it means ipagpapatuloy namin at handa naman akong magpaliwanag eh pero pag di siya dumating.Kahit masakit ,kahit hindi ko ata kakayanin. Gagawin ko.Tatanggapin ko at siguro magpapakalayo muna ako kasi may opportunity pa naman, akalain mo yun mas sikat na pala ako hindi lang dito sa pilipinas pero sa ibang bansa na din dahil lang naman yun sa tulong ni Dorj eh.

At kapag di pumunta si Daniel ngayong gabi ipopursue ko na ang pagiging model ko at sa ibang bansa nalang ako maghahanap ng trabaho. May kumukuha kasi sa akin dun sa California na isang sikat na companya.

Pero pag dumating siya kaya kong ayawan lahat nang mga yan, Para kay Daniel.! Para sa taong mahal ko, siguro  ito na ang time para bumawi ako, Kasi ni minsan di pa ako nakakagawa ng surprise sa kanya eh. This is it.

“Ayos na ba lahat? Yung fireworks? Yung food? Yung sound system?”

Nakakakakaba kasi eh, Andaming sakripisyo to, kung di sumipot si Daniel madami ang masasayang, Hindi lang ganun ang nagastos ko dito.

Rinent ko pa ang buong field na to eh para lang sa dinner date namin.

Napapaligiran ito ng mga lights sa bawat puno basta sobrang liwanag dito.

“Yes ma’am okay na po lahat,aayusin na lang para mafinal na ang lugar” sabi nung mga kasama ko sa pag-aayos.

“Good sige”

Nagretouch lang ako nang kaunti para magmukha naman akong fresh at maganda sa paningin ni Daniel at mas lalo siyang mainlove sa akin, Hahaha.

Naghihintay lang ako at pinapanuod yung nagfifinalize. May powerpoint kasi akong ginawa, Lahat ng mga memories namin nandun. Marami kaming pictures doon, May nakasimangot, mga wacky at marami pang, lalo na yung mga kalokohan namin.

Sayang wala sila Seth dito nag tour nga kasi diba? At nasarapan ata ang bakasyon at wala na atang planong umuwi pa. Grab ang tagal na nila edi sana may kasama ako sa pag-aayos dito. Hay nako!

Natapos na silang mag-ayos,Umalis na muna sila. Magtetext nalang daw ako pag natapos na.

Hay!

Daniel sana dumating ka.

Sana siputin mo ako kasi di ko alam ang gagawin ko pag di ka pumunta dito.

Hindi ko ata kakayaning mabuhay nang wala siya sa tabi ko.

Siya lang naman ang Daniel Padilla na mahal na mahal ko. Ang lalakeng pinapangarap kong makasama habang buhay. Hanggang sa pagtanda, Kahit maputi na ang mga buhok namin at malagas na ang mga ngipin namin, Sya lang ang gusto ko makasama kahit kumulobot na ang mga balat namin.

Madami na kaming napagdaanan pero naging matatag pa rin kami, Pero pagsubok lang ito, Di naman ako nawawalan ng pag-asa na magbalikan kami eh,

Naalala ko pa yung pinangako namin sa isa’t-isa na, Tiwala lang kami sa feelings namin,

Hay. Sana dumating ka boss. Linalaro ko yung singsing na binigay niya, Hanggang ngayon di ko pa inaalis,Kasi sabi niya noon pag tinanggal namin ibig sabihin di na namin mahal ang isa’t-isa pero mahal ko pa rin siya kaya, Ito na ang pinapangahawakan ko. Tiwala lang sa pagmamahal ni Daniel sa akin.

May biglang pumatak na tubig sa akin. Hala umaambon!

Wag muna ngayon please! Kahit pagkatapos nang dinner namin kaya bumagyo pa at bumaha okay lang basta nagkausap na kami.

Tinignan ko ang oras.

11:30 palang naman eh.

5 hours palang naman akong naghihintay. Okay lang yan alam ko at nararamdaman ko na darating siya, Mahal niya ako eh.

Mahal pa rin nga ba niya ako??

Oo yan!!

Natatawa nalang ako sa iniisip ko, nababaliw na ako, kinakausap ko na ang sarili ko eh.

“Ma’am, umaambon na oh! Tuloy pa ba? Darating pa ba siya?”

Tanong sa akin ni Rezi, kasamahan ko sa pag-aayos.

“OO DI NIYA AKO BIBIGUIN! MAHAL NIYA AKO,! UMALIS NA KAYO!!,”

Di ko mapigilang di sumigaw,

Darating siya diba?

Darating si Daniel,Darating ang boss ko! MAHAL NIYA AKO!

Daniel please dumating ka naman!

Tumutubig na din ang mga mata ko.

“MA’AM UMUULAN NA!”

Ilang tao na ang tumanong sa akin niyan, Kanina pa sila eh! Pakialam ba nila? Dadating siya! Alam ko yun.!

“DADATING SIYA, PWEDE BA UMALIS NALANG KAYO! KAYA KO NA TO!”

Gaya nang utos ko, Umalis na sila.

Tinignan ko ang orasan mag 12-12:00 na.

Ilang minutes nalang Daniel.

Sabay na pagpatak nang mga luha ko ang pagkidlat at kulog at buhos nang napakalakas na ulan.

“AAAAAHHH!DARATING SIYA! DARATING SI BOSS! MAHAL NIYA AKO!!”

Wala na! Nagwawala na ako, Buti walang tao dito at kahit meron di nila ako mapipigilan!. Sobrang sakit, ganun ba kasakit ang nagawa ko at di niya ako kayang bigyan ng second chance hah!

Nagkalat na ang mga pagkain kasi nabalikwas ang table dahil sa inis at galit ko.

Sobra na to eh.!

Pero wala akong magawa, kahit masakit umaasa pa rin ako na dadating siya.

Pagpapakasal pa kami diba?? Bubuo pa kami ng pamilya, naplano na namin ang future namin diba?? Gagawin nalang namin yun!

Dadating siya.! Mahal ako ng boss ko! Mahal pa rin niya ako!

Hindi niya ako kayang saktan diba? Yung nakita ko sa kanila ni Julie panaginip lang iyo diba?

“Daniel *sobs* hihintayin kita *sobs* kahit anong mangayare *Sobs* mahal kita boss ko”

 Nakaluhod na ako, Basang basa na ako sa ulan, nagkalat na siguro ang make up ko.

Iyak lang ako ng iyak. Sobra nang naghihina ang tuhod ko bakit??? Di niya na ba ako mahal? Kasi ako kahit niloko ko siya at naging kami ni Enrique, siya lang naman ang lalakeng mahal ko eh. Di ba? Alam nyo yun! Habang kami ni Quen, siya lang ang iniisip ko.! Siya lang ang mahal ko eh, !

Hindi na ba umuulan? Bakit wala nang pumapatak na ulan sa akin,

Napatingala ako at

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

UNPREDICTABLE LOVERS (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon