Chapter 34

727 6 0
                                        

“BOSS! ANO NA! ANTAGAL MO KASING MALIGO MALELATE NA PO TAYO!”

Sabay katok ko ng marami sa cr ko,

Kanina pa kasi yan eh, buti nauna akong nakaligo at nakakain na din ako, pero may gawd! Hindi pa siya tapos maligo!

“Wait lang kasi ankulit mo eh! Paki-abot naman nung damit ko”

Inutusan pa ako, Letseng lalake to!

“BILIS KASI!!”

“Nag-uutus ka lang eh! Anak ka ng arrg!”

Kung may auto lang ako ngayon edi sana nauna na ako pero wala eh naiwan sa school kahapon kasi sabay kami ni Dee sa kotse niya.

Bumaba na ako at dun ko nalang siya hihintayin. Jusko!

After 30 minutes.

“Lets go” sabi niya

Kaya naglakad na kami papunta sa parking lot.

“Antagal mong maligo, kainis ka rin eh noh!”Naiinis kong sabi,

Hindi kasi ako matimpihin sobra!

Kaya nga pag nagmamall ako eh bili dito bili jan! di ko na tinitignan kung kasya ba basta maganda GO lang,Pero NOON yun, bawal na akong gumasta ng maraming pera noh!

“Sorry naman,You know me” sabi niya

Oo sa Baguio nga nun eh!Naalala nyoo??

“Teka nga! Bat iba na naman ang kotse mo ngayon hah?Si Gelo nga Yung latest BMW noong 2010 pa yung sa kanya eh ikaw nga ilang kotse na ang mayroon ka!!”

Iba na naman kasi eh,

Ferrari naman this time, oo astig pero iba lang kasi last 6 months ago lang.

“Tsk, Eh sa may dagdag na naman ng collection ko! Parang ikaw hindi aa! Asan na pala yung mga sayo?”

He dont know that I already sold them yung Lamborghini ko nalang yung buhay ngayon haha, Si Kiefer kilala nyo sya dba? Yung palaging natatalo ko sa drag racing noon yun!Yung lampa! haha Binili lahat kaibigan ko na naman yun at bibilhin ko din sa kanya pag yumaman na ako, Haha.

“Ah, wala asa bahay siguro, Pero bakit nga?Change topic ka na naman eh!”

“haha, Abay ewan ko dun kay Gelo kung bakit ayaw niyang magpabili, Daming kaartehan sa katawan yun eh, palaging sinasabi “I will buy with my own money” baliw lang angyaman ni daddy eh! San pa ang kapagoran ni mommy kung di naming gagamitin diba?”

Yun ang pinagkaibahan nilang dalawa, Si Gelo kasi ayaw na ginagamit yung di niya pera eh, Elibs na naman ako sa kanya tatag nun eh di gaya netong mahal ko! Makagastos WAGAS! Hindi pa kasi niya alam ang buhay mahirap.Mayaman eh, Parang ako lang noon

“Oo nga naman! Ikaw din sana noh!!” sabi ko

Inirapan lang niya ako, Hehe, kinompare ko na naman kasi sila eh, CHULI!

“Tsk, Next year hintayin mo!! Magbabago din ako at mas mabait  na ako kay Gelo! Mark  my word babe”

Natawa  nalang kami pareho, AS if noh! Si Daniel magbabago pagdating sa pera jusko! Wag na mas naniniwala pa ako na pwede yang magbago sa pagiging chick boy niyan eh

“Tara na! Tagal mong lumakad” sigaw niya sa akin,Papunta na kasi kami ngayon sa classroom at late na talaga kami, Ngayon lang ulit na nalate kami.

UNPREDICTABLE LOVERS (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon