DANIEL P.O.V
Ilang araw na ganun yung set-up, Minsan nga hindi na ako umuuwi kasi madadatnan ko lang sila dun, Hindi na din kami nag-uusap ni Kath, miss na miss ko na nga siya eh, gusto ko na ulit siyang yakaping ng sobrang higpit pero hindi ko magawa kasi nakabantay lagi si Enrique, Kaya ngayon gagawa ako ng surprise, Bakit ba December 25 ngayon, may naalala ba kayo? December 25 ang araw na naging kami, 3 years na sana kami ngayon kung kami pa, haha, Pero hindi naman masama na gumawa ako ng surprise diba? Hinding-hindi ko kasi makakalimutan yung araw na iyon eh,Siguro nakalimutan na niya, Napakaspecial ng araw na iyo,
Kaya nagpatulong ako sa mga kaibigan namin para sa dinner na ito, Syempre para mas memorable sa barkada house koi to gagawin, Kasama nga si nanay sa pagpreprepare, nakakatuwa sobrang supportive nila.
“DONE” Napasigaw sila dahil sa tuwa, tinakot ko kasi sila na pag di maganda at di matapos ay mawawalan na sila ng trabaho pero joke lang yun noh, Natawa nga si Miles eh, uto-uto daw nila, Oo tumulong din siya, Nandun nga sa Baguio nun pero bumalik dito,
“Okay, Pwede na kayong umalis” sabi ko
“Wow, matapos mo kaming pagudin pauuwiin mo nalang kami bigla? Nice one pre” reklamo ni Seth
“BURGER! BURGER! BURGER!” Sigaw nila
“Pumunta nalang kayo sa mall ko tapos kunin nyo lahat ng gusto nyo at kumain na din kayo, kunin nyo nalang yung credit card ko sa secretary ko”
Nagsihiyawan naman sila, Mga yan eh mukhang libre! Pero pasalamat ko na di yun kasi hindi ko naman magagawa ito kapag wala sila eh.
Inayos ko na din yung sarili ko para hintayin ko nalang siya siguro nag ayos ako ng mga 1 hour lang, mabilis na nga eh, Whooaah! Kinakabahan ako, Sana naman wala si Enrique ngayon kundi masisira na naman ang plano ko, Ang hirap kasi nakatali na nga siya sa akin pero may mahal ata siyang iba,Aba pinsan ko pa hah, Saklap mga pare!
JAYCEE CALLING…
Sinagot ko naman, bakit ba tumawag to? Kanina pa ako kinakabahan eh.
A:oh? Napatawag ka bro
J:Pupunta na siya ata siya jan
Good! Napangiti naman ako dun, sakto lang 7:30 na eh.nagugutom na din ako
A:mabuti naman kung ganun
J:Okay dude, Good luck sana maayos nyo na yan, Nandito lang kami pre,I’ll hung up now, Bye
A: Bye, thanks bro
Whooaah, papunta na siya ngayon, kinakabahan ako sa gagawin ko,!Paano kung di pumunta yun? Gag* ka ba Daniel kakasabi nga ni Jc na papunta na eh, Pero kinakabahan talaga ako, sana di maulit yung nangyari sa amin noon, Paano kung gawin niya yung ginawa ko sa kanya noon, Wag naman sana, Di ko na kakayanin pag ganun, Sobra na siya pag ganun.
30 minutes..
1 hour…
2 hours…
4 hours…
Gawdd! Ang tagal naman niya, 30 minutes nalang matatapos na yung araw na ito, Kath asan ka na ba??
Triny kong tawagan kaso di naman sumasagot, baka napano na ito, lumamig na din yung mga pagkain, Kath asan ka na?! Pumunta ka na naman oh.Pag di ka pumunta sorry but it’s time na siguro para pakawalan kita, masakit man pero kakayanin ko para sa kanya, Mahal ko eh, Naalala ko pa yung sakit na nagawa niya sa akin pero sinumbatan ko ba siya? Eh gag* di ko kaya, Para na nga akong nagmamahal eh, Minamahal ko pa rin siya kahit hindi pa claro yung nangyari noon, Kung bakit nagawa niya akong lokohin at pinagsabay kami ni Enrique, sarap magmura kapag naaalala ko yung mga ginawa ko para sa kanya noon, Pero wala din namang parurunguhan kung magagalit pa ako tapos na yun eh, Mahal ko na ulit siya, Walang duda, mga tol seryoso ako,
BINABASA MO ANG
UNPREDICTABLE LOVERS (EDITING)
Fiksi PenggemarI AM WHO I AM I LIKE WHAT I LIKE I LOVE WHAT I LOVE I DO WHAT I WANT GET OFF MY BACK AND DEAL WITH IT IT’S MY LIFE NOT YOURS. **" Don't Go "- Daniel "Then Don't let me" Ice DON'T READ MUNA. ADD NYO NALANG SA MGA LIBRARY NYO.REVISING KASI.. THANKS!
