I WANT TO DEDICATE THIS CHAPTER TO NICOLE, HAI SA IYO! SALAMAT SA PAGCOCOMMENT,,SANA IPAGPATULO MO ANG PAGBABASA NETO AT PAGCOCOMMENT! SALAMAT!!
DANIEL P.O.V
Naglalakad-lakad lang ako sa park kasama si Budi yung aso namin.
Nang nakita ko sila kats na papunta sa isang babae, di ko nga makita mukha kasi nakatungo at parang ang lalim ng iniisip, muntik ngang matumba dahil sa pagsigaw nila eh,
TAPOS.! BOOM, Si Ian pala.
Medyo hindi naman sila malayo kaya narinig ko ang pinag-uusapan nila
“Hay nako! Di ba nga engage na kayo ni Daniel!
“At wag mong sabihing hindi kasi nawala siya noon ng tatlong araw para planohin ang proposal niya saiyo! Kinikilig nga ako eh, sobrang garbo ng lugar tapos sobrang effort ang ginawa niya,Yung pinakasikat na wedding organizer sa buong mundo pa ang kinausap niya para sa kasal nyo daw, Kaya naman pala nagtitipid yung mokong noon kasi may plano na! Hay! Kailan kaya ako ikakasal din? Kailan ang kasal nyo? Bat di kayo nagsasama ngayon? Bat si Julie ang kasama niya? Di ba sila ni Enrique?”
Napa-atras ako nung narinig ko yun, Bale nakikita ko pa sila pero di ko na sila naririnig.
Tama nga, Umalis ako para iready ang proprosal ko sana kay Ian pero wala eh, pagbalik ko sila na ni Enrique na yun.Ang sakit, Ginawa ko naman lahat aa,Pero wala eh.! Mas pinili pa nya yung lalakeng yun sinabi pa niya na mas mahal niya si Enrique kesa sa akin, Hindi sana ako maniniwal kung umiyak siya pero wala eh, parang ako lang ang nasasaktan sa aming dalawa noon.Nagmakaawa pa ako pero di manlang natinag.Tapos biglang magtetext na pumunta daw ako sa **** ayaw kong pumunta noon pero parang gusto kong pumunta kaya pumunta ako at nakita kong naghanda siya ng dinnerdate namin daw pero di ko mapigilan ang sarili ko noon nagdilim na talaga kaya may mga nasabi akong masasakit sa kanya.Di ko naman alam kung totoo bang may nangyare sa kanila nung Enrique na yun pero yun ang sabi ni Julie sa akin.
NYETA!! Naluluha na naman ako.! Oo mahal ko pa siya pero sobrang sakit na eh,siguro hindi talaga kami para sa isa’t-isa.Kaya binunton ko nalang ang atensyon ko kay Julie.
Nakita ko naman na sinuntok ni Jc ang puno at parang galit na galit, at umiiyak si Ian, Ano ba ang nangyayari at parang gustong maiyak nung apat? Halatang nagpipigil lang eh,
Pero lumuha sila na kinabigla ko, Sila kasi yung mga taong di iiyak kong hindi talaga malala ang sitwasyon, Ano ba ang nangyayare?Ano ba ang pinag-uusapan nila? Sana di nalang ako lumayo para di ko marinig.
--
Apat na araw na ang nakalipas pero hindi pa ako kinakausap nung apat, may nagawa ba ako? Baka nagsumbong si Ian, malamang, Pero ako ang barkada nila eh, bat si Ian ang kinakampihan nila?
Tsaka si Ian naman ang may kasalanan dito! Nakakabwisit talaga.
Nagulat nalang ako nang may biglang sumuntok sa akin.
Si Katsumi
“T-ngina pare! ANO BA?”
Nagulat ako di ko nga namalayan na dumating sila eh.
“Angkapal mo din eh noh! Aisst! Sarap mong patayin!Letse ka!!” sigaw niya sa akin.
Gulat na gulat ako kasi ngayon ko lang nakitang nagseryoso si Katsumi siya ang pinaka loko-loko at palatawa sa amin eh.Sobra na siyang nag-aapoy sa galit at sobrang pula na ng mga mukha niya, mangiyak-iyak pa nga siya eh, Ano ba ang nangyayari??
Nakatitig lang yung tatlo sa akin sobrang sama ng titig nila.
Ano ba ang problema?
Kung nakakapatay lang ang mga titig nila baka nasa kabaong na ako ngayon.
BINABASA MO ANG
UNPREDICTABLE LOVERS (EDITING)
FanfictionI AM WHO I AM I LIKE WHAT I LIKE I LOVE WHAT I LOVE I DO WHAT I WANT GET OFF MY BACK AND DEAL WITH IT IT’S MY LIFE NOT YOURS. **" Don't Go "- Daniel "Then Don't let me" Ice DON'T READ MUNA. ADD NYO NALANG SA MGA LIBRARY NYO.REVISING KASI.. THANKS!