Chapter 65

558 6 0
                                        

*BOGGSSS*

Sobrang lakas ng pagkakaopen ko sa pintuan namin at nakita ko siya dun, naglalasing..

So yun ang dahilan kung bakit hindi siya pumunta, Dahil naglalasing siya, halatang nabigla siya na dumating ako sa mukha kong ito sinong hindi mabibigla, Sobrang pula ng mata ko at pugno na din kasi kagagaling ko lang sa pag-iyak at sugat sugat yung mga kamay ko.

“TOTOO BA HAH? TOTOO BA KATH?” Sigaw ko.

Halatang nagulat siya at natatakot na

“D-Daniel! A-anong pinagsasabi mo?”

Painosente ka pa eh noh?Pero the other side of me parang sinasabing hindi totoo yung sinabi ni Roanna

“WAG KA NGANG MAGMAANG-MAANGAN! PUTANG’NA EH! ANSAKIT! TOTOO BA HAH?”

“Ano bang pinagsasabi mo hah?”

“TOTOO BA NA PINAKASALAN MO LANG AKO KASI REQUEST SA IYO NI MOMMY HAH? TOTOO BANG HINDI TOTOONG KASAL TAYO? NA BINAYARAN MO ANG ATTORNEY NA PEKEHIN LAHAT NG PAPELES? TOTOO BA KATH?”

Oo yun ang sabi ni Roanna na dahil sa video lang na naiwan ni mommy dahil pinakasalan niya at worst yung pagbabayad ng attorney at pari, Waanghiya lang eh noh!

Hindi siya nakaimik at tumutulo na din yung mga luha niya.

Hinawakan ko siya sa balikat

“TOTOO BA? ANSWER ME!!”

“O-oo! Totoo yun pero Daniel believe me mahal ki-“

“MAHAL LETSENG PAGMAMAHAL YAN, ALL THIS TIME HINDI PALA TAYO LEGAL NA MAG-ASAWA? LAHAT NG HIRAP NA DINANAS KO PARA LANG MAHALIN MO AKO AT MAGING MABUTING ASAWA PARA SA IYO GINAWA KO DIBA? Naglaba ako kahit ayaw na ayaw ko na kahit alam kong magkandasugat-sugat ang mga kamay ko okay lang kasi asawa mo ako, Naghuhugas ako ng pinggan at naglilinis na kahit minsan hinding hindi ko gagawin sa buong buhay ko yun pero ano ginawa mo? Sinayang mo lang, Pinagluto kita, Ginawa ko lahat ng mga utos mo! Prinapriority kita, MAHAL KITA EH! Pero lahat pala ng yun, laro lang pala sa iyo, Bakit?? San ba ako nagkulang? Bat mo ba gusto akong paglaruan?? Nagrerevenge ka ba Kath?”

Pareho na kaming umiiyak ngayon,Nasasaktan akong nakikita syang umiiyak ngayon pero mas nasasaktan ako para sa sarili ko, Niloko na naman niya ako, naloko na naman ako,

“Oo, Yun ang plano ko noon na pahirapan ka at magrevenge pero hindi ko nagawa kasi MAHAL KITA DANIEL! Mahal na ulit kita”

“Wala akong pakealam sa pagmamahal na sinasabi mo, Wala na yang silbi para sa akin, matapos mo akong paasahin?Matapos mo akong pahirapan at lokohin, Mahal kita Kath, God knows that, Ikaw lang ang minahal ko ng ganito, pero tama na, Sobra na, Hindi ko na kaya ang mga sakit na naiibigay mo, SOBRA KA NA EH! Siguro tatanggapin ko nalang na hanggang dito nalang tayo, na hindi talaga tayo,”

UNPREDICTABLE LOVERS (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon