Ahra's POV
|Saturday|
Saturday ngayon at boring sa lonely kong bahay wala akong magawa! Tapos ko na rin lahat ng assignments ko ang kintab narin ng bahay.
Punta na lang kaya ako sa Mall?
Tinext ko si Dahyun kasi gusto ko syang kasama.
To: Dahyuniee
Hi Dahyun free ka ba ngayon?
-Sent-
Hindi rin nagtagal nag reply din sya.
From: Dahyuniee
Sorry Ahra pero busy ako ngayon eh!
To: Dahyuniee
Okay i understand.
-Sent-
Si Nayeon na lang.
To: Rabbit
Nayeeeeeon! Free ka ba ngayon? Samahan mo naman ako sa mall?
Bagal mag reply! Habang nag aantay ng reply ni Nayeon nag bihis na ako.
From: Rabbit
Sorry pero hindi ako pinayagan ni pandak eh! Akala niya may ka date daw ako! Sorry talaga.
To: Rabbit
Adik talaga yang kuya mo! Sige thank you!
-Sent-
Lumabas na ako ng bahay at sumakay na sa kotse ko, at pinaandar iyon.
Pagdating ko sa mall dumiretso agad ako sa department store.
Tumingin ako ng kung ano ano at may nakita akong maganda sa paningin ko, yung salamin hehehehe joke lang.
May nakita akong sapatos na Converse kulay white iyon, simple lang siya pero ang ganda.
"Excuse me? Do you have size 7 for this shoes?" Tanong ko sa lalaking nakatalikod.
"Sorry pero hindi ako salesman di--- Ahra?!"
"Jimin?! Anong ginagawa mo dito?"
"Shoplifting." Panloloko niya.
"Spell?" Sabi ko.
"Bibili ako sapatos ni Nayeon." Sabi niya.
"Sino kasama mo?" Tanong ko.
"Sila hyungs, iniwan na ata ako?" Paliwanag niya.
"Samahan mo nga ako babayaran ko 'tong sapatos ni Nayeon, bibilhin mo din ba yan sapatos?"
"Oo."
Pumunta na kami sa cashier para bayaran ang sapatos na binili ko.
