Chapter 37

37 0 0
                                    

Sana's POV

"Sana pwede ka nang makalabas." Napatingin naman ako sa labas at nakita ko si Baekhyun.

Si Baekhyun na lang ang hindi nag gave up saakin, halos araw-araw niya akong binibisita dito sa kulungan, lagi siyang may dalang pagkain para saakin.

Tumayo ako at niyakap siya.

Kumalas siya sa pagkayakap at hinawakan ang kamay ko.

"Uwi na tayo? Papakilala kita sa parents ko." Habang naglalakad kami papuntang parking lot tinitignan ko lang siya habang hawak hawak niya ang kamay ko.

Gusto kong suklian lahat nang ginawa niya saakin pero hindi ko magawa, hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

Sumakay kami sa kotse niya at dumiretso sa mall.

Pumili siya nang mga damit saakin at pinasuot niya saakin, pumili din siya nang sapatos para saakin at sinuot din niya.

Pagtapos namin bumili nang mga damit ay sumakay na uli ng kotse niya at dumiretso sa bahay nila.

"Baekhyun...salamat nang marami." Sabi ko at niyakap siya.

Kumalas siya sa pagkayakap at hinawakan ang mukha ko na basa na dahil naiiyak na lang ako.

"Ginagawa ko ang lahat nang iyon dahil Mahal kita Sana, alam kong nahihirapan kang suklian ang lahat nang iyon pero kahit mahalin mo lang ako pabalik." Hinalikan niya ako sa noo.

Pumasok na kami sa bahay nila at pinaupo ako sa sofa.

Bigla naman lumabas ang kapatid ni Baekhyun.

"Sana right?" Sabi niya at naupo sa harap ko.

Tumango ako.

"I--"

"Hoy Cyleen! Bumalik ka nga sa kwarto mo!" Tumayo siya at inirapan ako.

Wag mo ako sinisimulan. Hindi mo alam ang pwede kong gawin!

"Sorry about kay Cy ah? Epal kasi eh." Ngumiti lang ako.

Hindi rin nagtagal dumating na ang mommy ni Baekhyun.

Nabigla ako nang diretsuhin ako ng mama ni Baekhyun.

"I don't like you hija."

"Mom ano ba?!"

"Baekhyun are you blind? This girl is from detainee! I don't like her!"

"MA!!" Tumayo ako at inawat si Baekhyun.

"Ano Baekhyun? Nabubulag ka na ba?! Well i guess you're already blind! Kasi ano Lee siya? Para ano makuha mo ang kayamanan ng pamilyang Lee? Baekhyun i know all you secret im your mom. I know everything."

"Mom is right! Isn't she?" Biglang sulpot ni Cyleen.

"TANGINA ANO BA?!" Sigaw ni Baek.

Tumingin lang ako sa kanila at kay Baekhyun.

Hinawakan ako ni Baek kaso binawi ko rin iyon.

Lumabas ako nang bahay nila at tumakbo, hindi ko alam kung saan ako dadalhin pero bahala na.

Habang patuloy pa rin sa pagtakbo bigla naman akong may nabangga.

"Sorry miss okay ka lang?" Sabi nang isang boses lalaki.

"Sana?"

"J-jungkook!" Tumayo agad ako at niyakap siya.

Namiss ko na si Jungkook, si Jungkook talaga ang mahal ko at wala nang iba pa, kahit saktan pa ako ni Jungkook ng ilang beses ay hinding-hindi parin ako susuko makuha lang siya.

Mr.AntipatikoWhere stories live. Discover now