Jungkook's POV
Kasalukuyan akong nasa hospital ngayon at binabantayan si Ahra, nakaupo ako sa wheelchair dahil hindi ako makalakad ng maayos dahil sa pagkakahampas saakin ng kahoy.
Pangalawang araw nanamin dito sa hospital at tulog parin si Ahra at walang malay, tinatamad bumangon.
Habang tinititigan si Ahra matulog bigla naman pumasok sila hyung kasama ang mga girlfriend nila at may dalang pagkain si Jin hyung as always.
Kumain muna kami at nagkwentuhan, habang nasa kalagitnaan ng pagkekwentuhan may kumatok sa pinto at iniluwa nito ang doctor ni Ahra.
"Doc. Bakit hindi pa rin siya nagigising?" Pagtatanong ko.
"Well since it's your second day here at the hospital and she's still in weakness until now she will get fully recovered by tommorrow, she's still resting her body because of tiredness that's why she doesn't wake up yet."
"Doc, ano na pong balita sa shoulders niya and sa likod niya po."
"Her shoulders? Andiyan parin naman nakakabit." Pilosopong doctor hampas ko sayo 'tong kama eh!
"Ha.ha.ha. sakit sa panga doc." Sabi ni Hoseok hyung.
"Well about her shoulders, we already scan her x-ray and there's a little fracture on it."
"Doc ibig sabihin po ba niyan ay malala ang pagkakahampas ng upuan sa shoulders niya?"
"She's a swimmer right?" Tumango lang ako, hindi sinagot yung tanong ko napakabait na doctor nga naman, tanong ko tanong niya.
"I guess she had to quit her varsity."
"What? Pero doc sports niya yun and siya lang ang inaasahan ng grupo nila.hindi na po ba gagaling shoulders niya doc?"
"Gagaling naman siya, pero pag na sobrahan sa galaw masyado babalik ang sakit niya sa likod specially she's a swimmer that is dangerous to her. Exuse us." Pagtapos nun ay lumabas na ang doctor ni Ahra.
Kawawa naman ang Ahra ko.
"Hyung paano ko sasabihin kay Ahra na kailangan na niyang mag quit ng varsity niya?" Tanong ko sa kanila.
"Guess you'll have to explain it all to her." Sagot ni Namjoon hyung.
Sana kasi ako nalang yung nahampas ng upuan eh, ayaw kong nakikitang nahihirapan si Ahra.
Inusog ko ang wheel chair ko papalapit sa kama ni Ahra, at hinawi ang buhok niya.
Naiinis rin ako sa itsura ni Ahra ngayon, puro pasa sa mukha, sugat sa braso.
"Sorry if i was late to come and save you." Sabi ko at hinawakan at kamay ni Ahra.
Yumuko na lang ako at umiiyak habang hawak hawak ang kamay niya.
"I'm so sorry." Nagulat ako nang biglang may nag response sa hawak ng kamay ko, inaangat ko ang ulo ko at nakita ko si Ahra at nakangiti at halata sa mukha niya na pagod at ang lamya-lamya pa niya.
Nakita ko naman na lumapit sila hyung at mga gf nila kay Ahra.
"Ang kyut mo pala umiyak." Medyo walang lakas na sabi ni Ahra habang nakangiti pa rin.
"Ahra!" Sabi ko.
I kiss her hand while still crying.
"Wag ka nang umiiyak hindi pa ako patay." She said, tinignan ko siya ng masama.
