Ahra's POV
Kasalukuyan akong nasa lumang playground sa likod ng school nakaupo sa swing habang naka earphones.
Naramdaman ko naman may tao patungo sa pwesto ko sa likod.
Pero naramdaman ko kung sino iyon.... Walang iba kundi ang antipatikong si Jeon Jungkook.
Tumayo ako sa swing at akmang aalis na at akmang hahawakan nya sana ang kamay ko.
"Don't touch me." Sabi ko at naglakad na paalis sa playground.
Hindi pa man ako nakakalayo hinarap na nya ako.
"ANO BANG KAILANGAN MO?!"
"Sige sigawan mo ako! Sige sabihan mo akong tanga! Sige sabihan mo akong antipatiko,maldito,
masungit at iba pa! Lahat naman ng iyon ginawa ko para magpapansin." Ginaya lang nya yung line ni Taehyung eh. Opo narinig ko yung usapan nila kanina."Magpapansin? Magpapansin ba yung sabihan mo akong Malande? Pagpapapansin ba yung paiyakin ako at sabihan pa ako ng masasakit na salita? Sa tingin mo hindi kita mapapansin? SOBRA NA YUNG PAPANSIN MO EH!"
"Nasabi ko lang naman yun dahil kay Taehyung hyung eh!"
"At dinamay pa si Taehyung dito! Tsk! Tsk! Pasalamat ka at may kaibigan kang umiintindi at nagmamahal sayo."
"W-what do you mean?"
"Dahil sa ugali mong yan sa tingin ko wala ng mag tatagal sayo, dahil yang ugali mo kasuklam suklam at kung sasabihan mo nanaman ako ng masasakit na salita pwede ba? Tama na, sawang sawa na akong sabihan ng hindi maganda, ang masakit pa kasi galing sayo."
"Nagawa ko lang naman iyon dahil Mahal kita!"
Napahinto ako sa sinabi nya. Hindi parin positive yun!"Thank you sa Love pero hindi ko kasi ramdam yung love mo eh." Sabi ko at tuluyan ng umalis.
MAGANDANG POV HUEHUE (Authors)
Umalis si Ahra na umiiyak
Anong gagawin ko?
Hahabulin ko ba sya?
Pero ganun ba talaga ako kasakit magsalita?
Masyado ba akong nabingi sa mga sinasabi ko at hindi ko alam na masasakit na pala iyon?
Dapat din ba akong masaktan dahil sa masasakit na sinabi nya?
Isip ni Jungkook.
Walang nagawa si Jungkook dahil sa sobrang dami ng iniisip nya napaluhod na lang si Jungkook sa damuhan at bumuhos ang malakas na ulan.
Habang nasa gitna ng ulan si Jungkook bigla dumating si Taehyung na may dalang payong at pilit na tinatayo si Jungkook.
"S-sige Jungkook kung ayaw mo mag payong. Ligo na lang tayo sa ulan?" Pagtitiis ni Taehyung dahil naiiyak na rin sya para sa kaibigan nya.
Umupo si Taehyung sa tabi nya.
"Jungkook diba handa naman tayong masaktan para sa taong mahal natin."
