Ahra's POV
Lumabas ako ng classroom dahil....wala lang! Hehehe
Nakita ko naman na tumatakbo si Taehyung galing sa garden? Anong ginawa ng alien na yun dun?
Babalik na sana ako sa classroom,pag harap ko nakita ko si Sana sa harap ko na may dalang box.
AWKWARD!!
"H-hello! Ang ganda mo ngayon! Blooming ka ah!" Nakatingin sya nang seryoso saakin.
"Wag kang plastic!" Ikaw na nga sinasabihan ng maganda!!
EDI PUTA!! ANG PANGET MO GAGU!! PANIRA KA NANG ARAW!
Babalik na talaga sana ako sa classroom ng bigla nyang hatakin ang kamay ko.
"Hehe just kidding! Ahra padala naman ito sa stock room oh? May gagawin pa kasi ako eh!"
Hindi pa man ako nakakapagsalita binigay na nya saakin yung box na hawak nya.
"Thank you! Byeee!"
Naglakad na ako pababa sa stock room, habang bumaba ng hagdan, magulat ka 'baba' nga pero umakyat ka!
So yun nga bumaba na ako sa stockroom nang may nakasalubong akong babae,"Ahra!!" Kilala kita?!
"H-hello?"
"Bababa ka sa stock room?" Tumango ako bilang sagot.
"Ah, mag ingat ka ah! Sira kasi yung doorknob sa loob nun, at sa labas lang na doorknob ang pwedeng buksan,at saka pakilagay yan sa dulo sa itaas ha?" Utos nya at umalis na.
Teka nga?! Inutos siguro 'to kay Sana? Tapos iuutos saakin?! HUWAW NAMAN!!
"Ah sige! Thank you." Sabi ko at nagbow.
Nakarating na ako sa stock room, hindi naman sya kagaya ng ibang stock room na madumi. Medyo may kalinisan naman sya, pinaglumaan na classroom kasi ito at dito rin nilalagay ang mga lumang libro at book shelfs galing sa library, minsan dito nagtatago ang mga nagka-cutting,minsan may natutulog dito dahil hindi lang dahil sa mahangin tahimik rin dito.
Pumunta na ako sa dulo at naghanap nang sasampahan para mailagay ang mahiwagang box na ito.
Shempre medyo may kataasan ang paglalagyan nahulog yung mga lumang libro na nasa pang-apat na shelf -_- nilagay ko muna yung box sa taas at bumaba para pulutin ang mga nahulog.
Nagsimula na akong magdampot ng mga nahulog na libro nang may narinig akong mga halakhak,ngunit mahina lamang ito.
"I-is someone there?" Tanong ko at huminto naman ang mga tawa nila.
Pinagpatuloy ko ang pagpulot sa mga libro ng may nakita akong anino na nakatayo sa pinto,sinilip ko iyon sa ilalim ng bookshelfs dito kung saan ko inilalagay ang mga librong nahulog,tumayo ako para puntahan ang anino,medyo may kalayuan ang pinaglagyan ko nang box kaya medyo malayo saakin ang pinto.
"S-sana w-what are you planning to do?" Tanong ko at nag smirk lang sya.
"I'm going to prison you BITCH!!" Sabi nya at biglang sinara yung pinto.
"Ow shit!" Nabitawan ko ang mga librong hawak ko at tumakbo patungo sa pinto.
"SANA OPEN THIS DOOR!! OR ELSE..OR ELSE WAAAAH!! HEEEELP TAEHYUNG!!! HOSEOK!! JIN!! HELLP MEEE!! Ayaw ko pang mamatay dito!!"