Jungkook's POV
Dumiretso na ako sa van kung nasaan sila hyung, nilagay ko muna yung mga gamit ni Ahra sa likod at pumasok na, naabutan ko naman silang naghaharutan dun.
Pinunasan ko ang mata ko at naupo sa likod.
"Asan si Ahra?" Tanong ni Namjoon hyung pero hindi ko sya pinansin at nag earphone na lang.
Bumaba si Jin hyung ng van at mukhang susunduin si Ahra.
"Nagaway nanaman kayo?" Rinig kong sabi ni Yoongi hyung.
Tumingin ako sa bintana at tumango.
"Hays. Alam mo dapat iniintindi mo na lang sila, kahit na tama man sya o mali, basta intindihin mo na lang sila." Anong connect nun sa away namin ni Ahra?
"Tapos?"
"Tapos na! Intidihin mo lang sila kahit mali sila or tama, ako! Hinahayaan ko na lang bungangaan ako ni Chaeyoung, basta ang alam ko nagmamahalan kami."
"Salamat sa advice hyung, laking tulong, tangna ka."
"May binubulong ka?"
"Wala hyung!"
"Mumurahin mo pa ako ah!! KASI HAYAAN MO KASI SI AHRA SUMAMA SA IBA!! HINDI YUNG MASYADO MO SYANG SINASAKAL SA SARILI MO!" Sabi nya at natulog.
"He's right." Sabi ni Hoseok hyung.
Nanahimik na lang ako at tumingin uli sa bintana, naramdaman ko namang bumukas ang pinto ng van at alam kong si Jin hyung yun at kasama nun si Ahra kaya hindi ko ito nilingon.
"Guys! Nawawala si Ahra!!" Sigaw ni Jin hyung,dahilan kaya ako napalingon at medyo nataranta.
"Oh! Bakit nataranta yang mukha mo? Curious parin sya kahit nag-away sila! Hahahaha! Joke lang nandito sya." Sabi ni Jin hyung at pumasok naman si Ahra at hindi sinasadyang magka eye to eye kami, agad ko din itong iniwas, kahit galit ako dyan hindi parin mawawala yung pagaalala ko sa kanya, overprotective man ako pero ayoko lang talaga may masamang mangyari sakanya.
Umupo sya sa harapan ko, katabi si Jimin at Hoseok hyung, katabi ko kasi si Yoongi hyung na sinasakop ang buong upuan eh! Nakapatong pa yung paa nya saakin!
Sweg talaga!! HE DO WANT HE WANT!
Tahimik ang buong paligid ng van dahil may kanya-kanya silang mundo, tinignan ko si Ahra na tulog na nakasandal sa bintana hanggang sa bumagsak ang ulo nya sa balikat ni Jimin hyung.
Hindi ko na lang pinansin yun, bigla naman nag vibrate phone ko.
From: Little hyung.
Alam kong nagseselos ka.
Hindi ko rin pinansin yun, at nakatanggap uli ako ng text.
From: Little hyung.
Wag ka mag-alala. Hindi ko naman sya aagawin! Nakatulog lang sa balikat ko! Wag kang OA!! Seloso kang ilong ka eh!!
