Ahra's POV
Pagising ko wala akong ibang nakita kung hindi liwanag ng ilaw.
Nasaan ako?
Nasa langit na ba ako?
Patay na ba ako?
Huhuhu wag pa sana!
"Ahra gising kana!" Hindi ko pa maaninag kung sino yung nagsasalita, pero boses pa lang alam mo na kung sino,nakita ko rin na nagsilapitan sila saakin.
Pinikit ko uli ang mga mata ko at minulat din agad iyon nakita ko si Namjoon,Jin,Jungkook.
"Your at the hospital." Sabi ni Namjoon.
"Nahimatay ka daw sa sobrang takot sabi nang doctor." Paliwanag ni Jin saakin.
"And the doctor said you'll be fine." Sabi uli ni Namjoon.
Umayos ako ng upo at inalalayan ako ni Jungkook.
"Nagugutom ka ba?" Tanong ni Jungkook saakin.
Tumango na lang bilang sagot.
"Wait lang bumibili na si Hoseok hyung." Sabi ni Jungkook.
"AHRAAA!! JUSKO ANONG NANGYARI SAYO?!" Nagulat naman kaming lahat nang biglang bumungad sa pinto si Dahyun na hawak hawak si Taehyung.
"Ano ba?! Kanina mo pa ako kinakaladkad!" Pag iinarte ni Taehyung.
"Aangal ka?!" Sabi ni Dahyun, parang mag jowa itong dalawang 'to eh!
"Hindi na nga eh!" Sabi ni Taehyung at naupo na lang sa sofa.
"Eto na yung foods!!" Bigla namang sigaw ni Hoseok kasama si Momo.
WALANG FOREVER!!
Lumapit saakin si Dahyun at kinausap ako,kinuwento ko sa kanya ang lahat, at kumain na.
Mga ilang sandali lang din ay dumating na si Yoongi at Chaeyoung, si Apple,si Jungyeon, at yung magkapatid na si Jimin at Nayeon.
"Gusto mo subuan kita?" Tanong ni Jungkook.
"Hoy Jungkook anong isusubo mo?!" Sabi ni Yoongi.
"Hyung utak mo!"
"Wag na! Kaya ko naman eh, thank you na lang."
"Ahra! Nag text saakin ang mommy mo sabi na alagan kana lang daw muna namin hindi daw sya makakabisita sayo, busy daw kasi sila."
Nawalan ako nang ganang kumain at natulog nalang.
Jungkook's POV
Nagulat ako nang bigla nyang binigay ang pagkain nya saakin at bumalik sa paglatulog.
"Hyung kasi eh! Dapat hindi mo na sinabi!"
"Ano gusto mong gawin natin? Paasahin sya?" Sabi ni Jin hyung
"Jungkook masakit umasa!" Singit ni Taehyung hyung.