Jungkook's POV
"Ilong! Ilong! Uuwi na kami? Maiwan ka na namin dito ah? At saka malinis na yung baba, may pagkain na rin dun kumain na kayo ah?" Minulat ko ang mata ko at nakita ko si Jin hyung.
"Sige hyung ingat kayo." Rinig ko namang lumabas na si Jin hyung.
Ngayon ko lang na-realize na sila hyung uuwi? Kumain na kami? Nasaan ba ako?
HO MAN HOLY SHI!! DINALA NA NILA AKO SA BAHAY AMPUNAN!! WALA KASI AKONG KWENTA HUHUU!!
Pero wait lang! Ang gwapo ko huehuehue!
Agad akong tumayo at napansin na nasa bahay pala ako ni Ahra, agad ko rin hinanap si Ahra na tulog sa Sofa, nakita ko rin na may isang balde sa ibabaw ng mesa katabi ng kama, na may lamang tubig at towel, nilibot ko ang buong kwarto nya at nakita kong bukas yung banyo at nakasampay dun yung mga dami ko.
Takte! Ang gulo ng kwarto nya, nakakahiya!!
Inayos ko na ang mga kalat ang kwarto nya at binuhat si Ahra pahiga sa kama nya, na solo ko ata yung kama hehehe.
Bumaba na ako at nakita kong malinis na nga, tinignan ko kung anong oras na 3:30 na?!
Kumain muna ako at naligo na rin amoy alak na ako! Baho! Iww!
Ahra's POV
Nagising at nakita kong malinis na ang kwarto ko. Wow nice!
Naghilamos muna ako bago bumaba baho hininga ko iww!!
Pagbaba ko nakita ko rin malinis na ang sala, at may pagkain na sa kusina
Dumiretso ako sa kusina dahil gutom na ako eh! Huehuehue
Habang kumakain, nakarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pinto mula sa banyo, hindi ko makita kung sino yun, hindi ko na lang pinansin yun at nag patuloy sa pagkain, pagtapos kong kumain ay tumayo na ako para mag timpla ng kape, Busy ako sa pagtimpla ng kape ng biglang.
"Good afternoon!!" Sigaw ni ilong sa likod.
"Good afternoon din!" Sabi ko at patuloy pa rin sa pag timpla ng kape.
Pagharap ko halos matapon na yung kape ko!! Agad din akong tumalikod.
"Jeon Jungkook! Magdamit ka nga! Kadiri ka!!"
"Grabe! Pag walang pangitaas kadiri agad?! At saka wala yung damit ko diba nilabhan ng asawa ko?" Pinakyu ko naman sya kahit nakatalikod ako.
"Nasaan yung sando mo?" Tanong ko habang nakatalikod parin.
"Heheh nabasa eh!"
"Ulul! Lumalaki mo butas ng ilong mo!"
"Paano mo nakita?" Tanong nya.
"Kita ko dito sa may salamin sa cabinet."
"Pasimple ka ah!? Kinikilig ilong ko!" Lecheng ilong 'to malande!!
"ULUUUL!!" Natapos na rin akong magkape at agad ding dumiretso sa kwarto ko.
"Saan ka pupunta babe?"
"Babe mo mukha mo! Saan pa ba ako pupunta sa kwarto lang naman diba?!"
"Pilosopa!" Sabi ni ilong.
"Huh? Mga pauso mo rin eh!"
Pumasok na ako sa kwarto at dumiretso sa banyo para kunin yung mga damit ng punyetang ilong na yan.
Paglabas ko ng banyo nakahiga na sya sa kama ko, Jusmiyo!!
"Date tayo?" Sabi nya.
"Libre mo?"
