Jungkook's POV
"Ahra!! Pansinin mo na ako!!!" Pinakyu nya lang ako habang patuloy sa paglalakad.
Nasa theme park kami ngayon dito ako nagbalak na mag date kami, pero hindi naman ako pinapansin ni Ahra, tangina ko daw kasi napaamin daw sya ng de oras sa harap ko huehuehue( ̄∀ ̄)
Galing ko kasi umarte eh!
May plano kami nila hyung, malalaman nyo rin.
"Talaga?! That's nice! Sige i'm on my way! Thank you so much!!" Sabi ni Ahra habang may kausap sa telepono.
"Tara uuwi na tayo!!" Sabi nya at hinatak ako! Kinikilig ilong ko!!
Sumakay na kami sa kotse at pinaandar na nya iyon, hindi tuloy kami naka pag date! ╯ε ╰
"Ahraaaa pansinin mo na akoo!!!" Pagmumukmok ko.
"Shh! Wag kang maingay!"
Nag earphone na lang ako at tinext ko si Jin hyung.
To: Hyung Seokla
Hyung uuwi na kami!! I ready nyo na ah!! Hihihih
-sent-
Muntanga ako kinililig dito!!
"Sino ka text mo?" Tanong nya, pagselosin ko kaya 'to?
"Si Sana! Nangangamusta!" Hindi sya nagsalita at nagpatuloy sa pagmamaneho.
Hindi rin nagtagal dumating kami sa school.
"Anong ginagawa natin dito?"
"MAKIPAGKITA KA SA SANA MO!! mga malalande!!" Hala nagseselos sya ihhh! Lab nya talaga ako.
"Uy! Joke lang naman yung eh!"
"Well it's not an funny joke!" Sabi nya at tinalikuran ako, hala nagalit na!(ಥ_ಥ)
Ahra's POV
Putanginang ilong yun! Kanina pa ako na bubwisit sakanya!!
Tanggalin ko ilong nya eh!
Dumiretso ako sa conference room at nakita ko dun sila Heaven, Violet at ung ibang members ng Swimming, pati na rin ang principal namin.
Hindi na talaga bumalik si Winter! Puta sineryoso yung sinabi!
"Hi Ahraa!!" Sabi ni Violet at Heaven, agad naman nila akong niyakap.
"So Ahra you win the competition right?" Tumango lang ako.
"Ahra as the gift of the school to you meron ang school na ibibigay sayo na scholar para sayo."
Bago pa man ako mag react dahil aanuhin ko ba ang scholar, naisip ko na agad sila Dahyun.
"Maam, pwede po bang i-alok na lang ang scholar dito?" Sabi ko at binigay ang number ni Dahyun.
Lumabas na ako at nakita ko si Jungkook na may dalang payong dahil umuulan na.
"Galit ka pa?" Tanong nya, pero hindi ko sya pinansin.
"Sige okay lang! Sanay naman akong hindi pinapansin eh!" Hindi ko pa rin sya pinansin, ang drama ng buhay!
Sumakay na kami sa kotse at nagmaneho na hindi ko alam kung saan kami pupunta.
"Ahra nagugutom ka na ba?" Actually gutom na talaga ako eh!
"Alam kong gutom kana! Diretso tayo sa dorm nag luto daw si Jin hyung ng lamb skewers! Tara na daw baka maubos daw ni Yoongi hyung yun." Natawa naman ako sa sinabi nya, at dumiretso na sa dorm nila.