Entry #1

4 0 0
                                    

Pauwi pa lang ako galing school ngayun,pano ba naman kasi super traffic ang kalsada sabayan mo pa ng malakas na buhos ng ulan.Haaaaaaaay,ang pangit naman ng first day ko.Unang pasok pa lang dami na agad pinapagawa.

5:51 pm na ng sinulyapan ko ang relo kong kulay black na basag dahil sa pag hulog nito kanina sa jeep.Ito na lang kasi ang nag iisang bagay na binigay sakin ni mama bago kami nag kahiwalay noon.Kahit may pag ka luma na ito ay pinagtyatyagaan ko pa din.

Hay buhay.Pano nako nito?Ano oras na di pako nakararating sa bahay,baka nag aalala na si papa.
Wala akong magagawa kundi mag hintay na umusog ang mga sasakyan.

Ala sais na ng makauwi ako.Nadatnan ko ang aking kuya na nakaupo sa lamesan at busy sa pag pindot sa kanyang cellphone.Napa kunot ang kanyang noo ng makita ako.

"Bakit ngayon ka lang?" Napa kagat ako saking labi.Sabi na eh,baka sermonan nanaman ako nito.

"Pasensya na po.Maraming lang ginawa sa eskwelahan kuya.Sabayan mo pa ng traffic." Lumapit ako sakanya at humalik sa pisngi.

"Pasalamat ka at wala pa si papa,mukhang nag overtime yata sa trabaho.O siya kumain ka na jan,nag luto ako ng tinola." tumayo na siya at dumiretso sa kanyang kwarto.

"Woah! Muntik na ko dun ah"Bulong sa sarili.

Umakyat muna ako sa kwarto at nag bihis bago kumain.Pagkatapos kumain ay hinugasan ko na ang mga pinag kainan tyaka umakyat ulit para mag pahinga na.Bago ako matulog ay mag oopen muna ako ng fb ko.

Ano nga bang nangyari sa first day ko kanina? Pumasok lang naman ako ng maaga para maaga ko ding mahanap yung section ko.Wala na namang magandang nangyari.Maliban na lang sa boring kong prof na sobrang boring mag turo.Sana nga ay mag retire na siya at palitan siya ng crush kong teacher na super gwapo.Hayyy ewan ko ba,bakit madaming nag kakagusto sa kanya na katulad ko na istudyante din.Ang lakas kasi ng karisma niya.Sana isang araw mapansin din niya ko.

6:10 ng magising ako.Paktay late naaaaa,bwisit talaga!Di man lang ako naisipang gisingin ng nagaling kong kuya!

Hayst.Dumiretso ako sa cr at naligo na.Pag katapos ay nag suot ako ng uniporme at dumiretso na sa baba.Wala ng suklay suklay,bahala na.Pag kababa ko ay nadatnan ko si papa at ang magaling kong kuya na nakangisi habang nag kakape.

"Good morning pa." Humalik ako sakanya at kumuha ng tinapay sa lamesa.

"Oh jaime,bakit yan lang ang kakainin mo.Halika at mag gatas ka" Nilapag ni papa ang dyaryo sa lamesa at aakmang tatayo.

"Wag na pa.Okay na to sakin,babaunin ko na lang to.Galing kasi ng magaling kong kuya eh,di man lang ako naisipang gisingin." sarkastikong pagsabi ko saknay.

"Para mag tanda ka.Ingat sa pag pasok bunso!" pang aasar niya sakin.Hindi ko na lang siya pinansin at baka lumaki lang ang bangayan namin.

"Sige pa,una na ko.Late na po talaga ako eh.Babye po,loveyou."

Tumakbo nako sa labas at nag madaling nag hanap ng jeep.Hayssss badtrip naman ohhh! Second day pa lang late na agad ako!Buti sana kung mababait ang mga teacher ko eh.Time check,6:30 patay na talaga ako netoooo.Isang oras pa naman ang byahe papasok sa school.Kalahating oras na lang at late nako!

Pumara nako agad ng jeep at sumakay.Napahawak ako sa noo ko ng makitang punong puno na ito.Okay,no choice Jamie.Wala kang magagawa kundi makipag siksikan sa kanila.Huhu,goodluck saken.

Till I Met You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon