"Hayaan mo na sila." tipid na sabi ni Simon.
Nanatili lang akong nakatingin sa kanya.Mapupungay na din ang mga mata niya,siguro ay lasing na din tong isa na to.Tumayo ako at pumuntang cr,kanina pa kasi ako naiihi.Pagka labas ko sa cr ay nagulat pako ng maabutan kong naka tayo doon si Simon.
"Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko sa kanya
"Masama bang tumambay dito?" pagewang gewang na sabi niya.Hinawakan ko siya ng muntik na siyang matumba.
"Simon!Ano baaaa.Umayas ka nga!" sabi ko sakanya pero nanatili pa din siyang naka dantay sakin.
"Mmmmmm." pinipilit niyang dumilat kahit halata namang inaantok na siya.Humarap siya sakin ng naka ngiti pero naka pikit pa din.Nag init ang mukha ko dahil sa sobrang lapit ng mukha namin.
"Jamie." banggit niya sabay hawak sa pisngi ko.
"Simon please,umayos ka nga!Halika dadalhin na kita sa kwarto." sabi ko.Kinuha ko ang kamay niya at inakbay ko sakin para maalalayan ko siya.
Pumunta kami sa sala para itanong kung saan ang pwedeng pag tulogan ng lalaking to.Pag dating ko ay nadatnan ko silang may tama na.
Kahit si Alex ay mapupungay na din ang mata.Si Sab naman at Demi ay light lang ang iniinom kaya di sila masyadong natamaan kagaya ni Edge.
"Uhm edge?Pwede patulong?" tawag ko dito dahil sa totoo lang ay kanina pa ngangawit ang balikat ko.
"Halika,dun siya sa taas." sabi niya at tumayo na para kunin ang isang kamay ni Simon.
Pagka taas namin sa kanya ay pinasok namin siya sa isang kwarto.Infairness,maganda ang kwarto na to.Dim color lang,kaya maganda sa paningin.
Sabay namin siyang inilapag sa kama at inayos ang higa.
"Grabe Edge.Malakas ba talaga uminom yan si Simon?" tanong ko agad
"Oo.Siya ang pinaka malakas uminom samin." sabi niya habang naka tingin sa kaybigan.
"Ayyy.E ikaw?H-hindi ka ata lasing?" tanong ko ulit.
"Actually di naman talaga ako umiinom.Napa subo lang ako kanina dahil dumating si Evan." sabi niya habang kumu kumuha siya ng damit sa white wardrobe.
"So ikaw lang ang hindi umiinom ng alcohol sa kanila ganun?" pag tatanong ko pa ulit.
"Yep.Tama ka jan" binihisan niya si Simon ng damit na kinuha niya sa wardrobe.
"Dami mo ding tanong na babae ka no?Halika na at pabayaan mo na yan jan.Sila naman ang aasikasuhin natin." pag aaya niya habang naka ngisi.
Pagka baba namin ay nadatnan namin si Demi at Sab na nag liligpit ng pinag kalatan.Lahat naman ng lalaki ay knock out na.Tumabi naman si Demi kay Sydrex tyaka pinunasan ng basang bimpo at pinunasan ang mukha nito.
Lumapit naman ako kay Alex at niyugyog ito.
"Aleeeex.Gisiiiing!" pang gigising ko dito."Hmmmmmmm." gumalaw lang si Alex.Feeling ko ay lasing na lasing ito.
"Edge.Pano na yan? Paniguradong lagot kami kay kuya nito." sabi ko.
"Pagpa bukas niyo na umuwi.Mas mabuting bukas na kayo umuwi dahil gabi na din naman." sabi niya habang inaayos ang higa ni Clark sa sofa.
"e pano yan?Dito kami matutulog?" pag mamaktol ko pa.
"Itext mo si Jc na di kayo makakauwi.May isa pang kwarto dun sa itaas.Dun na lang kayong apat na babae matulog.May dalawang kama dun." sabi niya
"Halika na at itaas na natin yang pinsan mo." lumapit sya sakin tyaka binuhat ito.Pagkataas namin ay binuksan ko ang pinto at pinapasok sila.
"Ayusin mo na yang pinsan mo.Tatawagin ko na ang dalawang babae sa baba para makapag pahinga na kayo." sabi niya pagka lapag niya kay Alex sa kama.
Palabas na sana siya ng kwarto ng pigilan ko siya.
"Edge!" pag tawag ko dito.Lumingon naman siya sakin habang hawak ang hawakan ng pinto."Thank you.And goodnight" sabi ko habang naka ngiti
"Goodnight." ngumiti din siya sakin at tuluyan ng lumabas.