Napatingin si Edge sakin sa pag tawag ko sa kanya.
"Pwede bang kayo muna nila Clark ang mag asikaso ng booth?Hindi ko kasi mahaharap yan dahil ako ang naatasan sa pag jojournal ngayun sa school paper.Makakaasa ba ako sainyo?" sabi ko.
Nag isip muna siya bago nag salita. "Copy." sabi niya.
Ngumiti ako sakanya bago umalis.
"Uhm,sige.Mauuna na ko,Sydrex galingan niyo ha!" sabi ko pa kay Sydrex bago umalis.
Pagkalabas ko sa dressing room ay narinig ko na si Sab na nag sasalita.Malamang na umpisa na ang program.
Nag simula nakong nag lilibot para picturan ang mga booths.Pumapasok ako sa loob at pinipicturan ito.Pagka pasok ko sa booth ng 9-C ay nandun si Sir Liam.Umakto ako na kunwaring hindi siya nakita.
Nakita ko sa gilid ng mata ko nakatingin siya sakin habang ako ay nakuha ng mga litrato.
"Ms.Medina!" sabi niya habang palapit saakin.
Okay easy ka lang Jamie.Wag kang ano jan!Don't be paranoid okaaaay? Woah!
"Sir!" Humarap ako kay sir Liam habang kunwari na tumitingin sa DSRL ko.
"Member ka ng Journal?" tanong niya ng maka rating siya harapan ko.
"Yes sir.Pose po kayo." Sabi ko naman sabay tutok ng DSLR sa kanya sakto namang ngumiti si sir.
"Ayan sir,may pang profile pic kana." sabi ko habang nakatingin sa picture niya.
"Credits sakin ahh." dagdag ko pa.Sabay pakita kay sir yung picture.
"Magaling ka pala kumuha ng litrato Jamie.Ipagpatuloy mo yan." pagpuri sakin ni sir.
"Hindi naman sir.Sige po una nako,marami pakong kukuhanan eh." paalam ko
Umalis ako sa booth na yun dala ang malawak kong ngiti.Ang saya ko dahil sa pag puri sakin ni sir.Tinignan ko ulit ang litrato tyaka ngumiti.
Dahil abala ako sa pag tingin ng litrato ni sir ay may naka bunggo ako.
"Ayy sorry!" sabi ko.
Natapon naman ang iniinom niya sa suot niya.
"No it's okay!" sabi niya habang pinupunasan ng tissue ang kanyang damit."Sorry talaga miss.Hindi ko sinasadya." sabi ko ulit habang pinunasan na din ang kanyang damit.
"I said i'm okay.I can manage." sabi niya "Siguro ay mag papalit na lang ako.Alam mo ba kung saan ang cr dito?" sabi niya pa.Kita sa mukha niya ang pag kairita.
"Ayy oo.May extra tshirt naman ako sa bag,ipapahiram ko na lang sayo." sabi ko naman.
Pumunta kami sa room para kunin ang extra tshirt ko at sinamahan ko na siya sa cr.
"Ayan,salamat sa damit mo.Saktong sakto lang pala sakin." sabi niya ng naka ngiti na.
Hindi naman pala siya ganun ka sungit.
"Ako nga pala si Jamie." sabi ko sabay lahad ng kamay.
"I'm Kristine." sabi niya
"Parang di ka ata taga dito no?Ngayun ko lang kasi nakita ang mukha mo." sabi ko pa.
"Yes hindi ako taga dito.Sige i have to go,may pupuntahan pa kasi ako." sabi niya na parang may hinahanap.
"Sige,nice meeting you Kristine." sabi ko sakanya.Ngumiti lang siya bilang tugon tsaka umalis na.
Bumalik na ko sa field kung saan nagaganap ang program.Mag sisimula ng rumampa ang mga contestants dahil nakapila na sila sa gilid.
Nakita ko naman si Demi na naka pamewang na akala mo e wala lang.Makikita mo sa kanya ang full of confidence dahil sa kaka chin up niya.
Si Sydrex naman ay chill lang na nag papacute sa mga audience na kilig na kilig naman.
Nang mahagip ako ng mga mata ni Demi ay nag thumbs up ako sa kanya.Tinutok ko sakanya ang camera at nag pose naman siya na mala beauty queen.