Entry #6

2 0 0
                                    

Napalingon si sir liam sa apat.

" Ngayun ko lang nalaman na may mga bago pala kayong kaklase class." mahinahong sabi ni sir.

"Ah as i've said,may punishment sa mga nalate." Nako patay.

"20 push ups.Go!" sigaw ni sir sa apat

"Pero sir?Ano to? Bago lang kami kaya di namin alam." pag mamaktol ni Sydrex

"Oo nga sir!" pag sasangayon naman ni Clark.Samantalang parang walang paki naman ang dalawa.

"20 push ups.Now!" Nako galit na yata si sir.Walang nagawa ang apat kundi gawin ang inutos ni sir liam.

"Bes,si baby Clark ko ohh!Pawis na" pag aarte ni sab na parang akala mo eh jowa niya.Natawa na lang ako at tumingin sa apat na kakatapos lang mag push ups.

Pagkatapos nila gawin yun ay naunang maglakad si Simon sa upuan niya ng hindi na lumingon kay sir.

"Okay.Ngayun alam niyo na ang patakaran ko dito sa klase ko? Ngayun kung ayaw niyo sa klase ko pwede na kayong lumabas.Right Mr.Payne?" sabay baling ng kanyang paningin kay Simon.

Gumalaw lang ang panga ni Simon.Halata sa mukha niya ang pagkainis.Bata pa lang naman si sir,21 pa lang siya at sa tansya ko ay lima lang ang agwat namin sa kanya.

Sila Sydrex naman ay tahimik lang na nakikiradam sa mood na pinapakita ni Simon.

Nag lecture lang si sir liam samin.Everytime na tumitingin sakin si sir ay umiiwas na lang ako.Feeling ko nga ay nahahalata na ni sab na may gusto ako kay sir.

"Ms.Medina?" tawag sakin ni sir

"Yes sir?" pagsagot ko naman.Tumayo ako at lumapit sa desk niya.

"I want you to check your classmates notebook,okay?Class,ipasa niyo kay Jamie ang mga notebook niyo at sya ang mag checheck." sabi ni sir liam tyaka tuluyan ng umalis.Kinilig ako sa pag first time niyang pag banggit sa pangalan ko.Di ko namalayan na tumabi na pala sakin si sab.

"Bes?Crush mo si sir no?" makikita mo sa kanyang ngiti ang pang aasar nito

"Hah-" mag sasalita pa lamang ako ay sumabat na agad siya.

"Don't deny it Jamie!Halata ka na.Haha" sabi niya

Ganun ba ko kahalata kaya nahalata ni Sab o sadyang kilala niya na talaga ako kaya alam niya na.

Tumahimik na lang para maging tugon.Ayoko ng humaba pa ang usapan namin dahil lang sa pang aasar niya sakin kay sir liam.

"Uyyyyy,sabi na ehh.I know it Jamie" pang aasar niya pa.

Sinimulan ng ipasa ng mga kaklase ko ang mga notebook nila.Nakapasa na ang lahat maliban na lang sa apat kong kaklase.

"Notebook niyo?" sabi ko pagka lapit sakanila.

Tinignan lang nila ako gamit ang kanilang blangkong ekspresyon.

"Hi Jamie!Bukas ko na ipapasa yung akin,iaadd na lang kita sa fb para pumayag ka." sabi ni sydrex habang ngiting ngiti.

"Sabi ni sir ngayun.Hindi ba kayo nag sulat kanina?" pag sabi ko pa sakanila.

"Oh Jamie." sabi ni edge sabay abot ng notebook niya.

Ngayun ko lang ulit yata narinig ang boses ni Edge simula kanina.At tinawag niya pa ang pangalan ko.

"Oh Jamie,na starstruck ka ata kay edge.Hindi ka na makagalaw sa pwesto mo eh.Haha" pangungutya ni Clark

"H-ha? Hindi." sabay iwas ng tingin "Ikaw,Simon?" sabay baling sa kanya

Tumingin lang din siya sakin.Yung tingin na parang may gusto siyang ipa hiwatig.Mga ilang segundo pa kaming nag titigan ng nag iwas na ko ng tingin.

"Simon,yung notebook mo?" ulit ko

Binigay niya lang yung note book niya tyaka yumuko na.Matutulog nanaman yata siya.

"Yeeeees tapos na!" sigaw ni Clark tyaka bigay ng notebook sakin.Takot yata siya kay sir na maparusahan ulit

"At ikaw naman Sydrex?" harap ulit sakanya.

"Jamieeeee.Sige na ipapasa ko naman bukas sayo eh." pag mamakaawa niya

"Papahiramin kita ng notebook ko,ipasa mo sakin bago mag uwian." binigay ko ang note book ko tyaka ko sila tinalikuran.

Pag balik ko sa upuan ko ay sinimulan ko ng icheck ang mga notebook ng mga kaklase ko.Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ni Sir liam at ako ang ipinacheck nito.

"Jamie,buti ka pa pinansin ka na ni sir.Si Clark hanggang ngayun di pa ko pinapansin." pag mamaktol niya sakin.

"Mapapansin ka din nun." sabi ko habang abala pa din sa pag checheck ng mga notebooks

"Kelan kaya-" di na natuloy ang pag mamaktol ni Sab sakin.

"Hi! Pwedeng maki upo?" sabi ng di familiar na babae.

Tinaasan lang ni sab ng kilay ang babae.

"Bago ka?" pagtataray ni sab sa babae.

Ngumiti lang ang babae sakanya at tyaka bumaling sakin.

"Pwede makiupo dito?" sabi niya sakin ng naka ngiti.

"Aba bastos to ah." singit ni sab.Siniko ko lang siya at sinenyasan.

"Ay sige." Inalis ko ang bag ko na nakalagay sa katabi kong upuan.Agad naman siyang umupo.Bali pinag gigitnaan nako ng dalawang babae.

Till I Met You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon